94
sapagkat tunay na noong sinabi sa kanila na sabihing Walang Diyos kundi si Allah
ay nagsabi sila:
Ginawa ba niya ang mga diyos na nag-iisang diyos? Tunay na
ito ay talagang isang kataka-takang bagay
1
sa kabila ng paniniwala nila na si
Allah ang namamalakad sa sansinukob. Kaya kapag ang mga mangmang ng mga
Káfir ay nakaaalam doon, ang kataka-taka ay mula sa isang nag-aangking kaanib
ng Islam samantalang siya ay hindi nakababatid sa pakahulugan ng adhikaing ito na
nabatid ng mga Káfir ng liping Quraysh. Bagkus ay inaakala niya na iyon ay ang
pagbigkas ng mga titik nito nang walang paniniwala ng puso sa anuman sa
kahulugan nito. Ang mahusay sa kanila ay nag-aakalang na ang kahulugan nito ay
walang lumilikha, walang nagtutustos, at walang nangangasiwa sa kapakanan
kundi si Allah. Kaya walang mabuti sa mga taong nag-aangking kaanib ng Islam
samantalang ang mga mangmang ng liping Quraysh ay higit na maalam kaysa sa
kanila sa kahulugan ng adhikaing Walang Diyos kundi si Allah.
‘Abdunnabí:
Subalit ako ay hindi nagtatambal kay Allah. Bagkus ay sumasaksi
ako na walang lumilikha, walang nagtutustos, walang nagdudulot ng pakinabang, at
walang nagdudulot ng pinsala kundi si Allah, tanging Siya: wala Siyang katambal;
at na si Muhammad
(SAS)
ay hindi nakapagdudulot sa sarili niya ng pakinabang ni
pinsala, lalo na sina ‘Ali, Husayn, ‘Abdulqádir, at iba pa. Subalit ako ay
nagkakasala at ang mga matuwid na tao ay may kabunyian sa ganang kay Allah.
Humihiling ako sa kanila na mamagitan para sa aking sa pamamagitan ng
kabunyian nila sa ganang kay Allah.
‘Abdulláh:
Sasagutin kita ng naunang nabanggit na ang mga kinalaban ng Propeta
(SAS)
ay mga kumikilala sa binanggit mo at mga kumikilala na ang mga diyus-
diyusan nila ay hindi nangangasiwa ng anuman. Ninanais lamang nila ang
[makinabang sa] kabunyian at Pamamagitan [ng mga ito]. Nauna nang nagbigay-
patunay tayo roon mula sa Qur’an.
‘Abdunnabí:
Subalit ang mga áyah na pinababa patungkol sa sumasamba sa mga
rebulto, kaya papaano ninyong gagawaing gaya ng mga diyus-diyusan ang mga
propeta at ang mga matuwid na tao?
‘Abdulláh:
Nauna nang napagkaisahan natin na ang ilan sa mga rebulto na ito ay
pinangalan ng mga pangalan ng mga matuwid na lalaki gaya noong sa panahon ni
Noe at na ang mga Káfir ay walang ninais sa mga ito kundi ang Pamamagitan [ng
mga ito] kay Allah dahil ang mga ito ay may mataas na kalagayan sa ganang Kanya.
Ang patunay ay sabi ni Allah:
Ang mga gumagawa ng mga katangkilik bukod pa
sa Kanya ay nagsasabi: “Hindi kami sumasamba sa kanila kundi upang ilapit
nila kami kay Allah nang pagkalapit-lapit.”
2
Tungkol naman sa sabi mo na
papaanong ginagawang diyus-diyusan ang mga propeta at ang mga katangkilik (walí)
ay masasabi natin na ang mga Káfir na isinugo sa kanila ang Propeta
(SAS)
ay
mayroon sa kanila na dumadalangin sa mga katangkilik, na tungkol sa kanila ay
nagsabi si Allah:
Ang mga iyon na dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa
1
Qur’an 38:5.
2
Qur’an 39:3.
95
Panginoon nila ng ikalalapit. Ang alin man sa kanila ay naghahangad maging
pinakamalapit, umaasa sa awa Niya at nangangamba sa pagdurusa mula sa
Kanya. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo ay laging pinangingilabutan.
1
Mayroon sa kanila na dumadalangin kay Jesus
(AS)
at sa ina niya. Sinabi nga ni Allah:
Banggitin kapag magsasabi si Allah: “O Jesus na anak ni Maria, ikaw ba ay
nagsabi sa mga tao: Gawin ninyo ako at ang ina ko bilang mga diyos bukod pa
kay Allah?”
2
Mayroon sa kanila na dumadalangin sa mga anghel. Sinabi nga ni
Allah:
Banggitin ang araw na titipunin sila nang sama-sama, pagkatapos ay
sasabihin Niya sa mga anghel: “Ang mga ito ba ay sa inyo noon sumasamba?”
3
Kaya magnilay-nilay ka sa mga áyah na ito. Hinusgahan nga ni Allah sa mga áyah na
ito ng kawalang-pananampalataya ang sinumang dumudulog sa mga diyus-diyusan.
Hinusgahan Niya ng kawalang-pananampalataya ang sinumang dumudulog sa mga
matuwid gaya ng mga propeta, mga anghel, at mga walíy nang walang pagtatangi.
Kinalaban sila ng Sugo ni Allah at hindi siya nagtangi sa kanila hinggil doon.
‘Abdunnabí:
Subalit ang mga Káfir ay nagnanais mula sa mga iyon ng pakinabang
samantalang ako ay sumasaksi na si Allah ang tagapagdulot ng pakinabang, ang
tagapagdulot ng pinsala, ang tagapangasiwa. Hindi ko ninanais iyon malibang mula
sa Kanya. Ang mga matuwid ay walang anumang taglay mula sa nabanggit. Subalit
dumudulog ako sa kanila yamang umaasa ako sa Pamamagitan nila kay Allah.
‘Abdulláh:
Ang sabi mong ito ay ang sabi ng mga Káfir, magkatulad na
magkatulad. Ang patunay ang sabi ni Allah:
Sinasamba nila bukod pa kay
Allah ang hindi nakapagdudulot ng pinsala sa kanila at hindi
nakapagdudulot ng pakinabang sa kanila at nagsasabi sila: “Ang mga ito ay
ang mga tagapamagitan natin kay Allah.”
4
‘Abdunnabí:
Subalit ako ay walang sinasamba kundi si Allah. Ang pagsadya sa
kanila at ang pagdalangin sa kanila ay hindi pagsamba!
‘Abdulláh:
Subalit tanungin kita: Inaamin mo ba na si Allah ay isinatungkulin sa
iyo ang pagpapakawagas sa pagsamba sa Kanya yamang ito ay karapatan Niya sa
iyo gaya ng nasaad sa sabi Niya:
Walang ipinag-utos sa kanila kundi na
sambahin nila si Allah bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima,
5
bilang mga makatotoo;
6
‘Abdunnabí:
Oo; isinatungkulin Niya iyon sa akin.
‘Abdulláh:
Ako ay humihiling sa iyo na linawin mo sa akin itong isinatungkulin ni
Allah sa iyo, ang pagpapakawagas sa pagsamba.
‘Abdunnabí:
Hindi ko naintindihan kung ang ipinakakahulugan mo sa tanong na
ito kaya linawin mo sa akin.
1
Qur’an 17:57.
2
Qur’an 5:116.
3
Qur’an 34:40.
4
Qur’an 10:18.
5
O relihiyon o pagsamba.
6
Qur’an 98:5.
Dostları ilə paylaş: |