96
‘Abdulláh:
Makinig ka sa akin upang linawin ko sa iyo. Nagsabi si Allah:
kayo sa
Panginoon ninyo nang may pagpapakumbaba at nang palihim. Tunay na
hindi Niya iniibig ang mga lumalabag sa hangganan.
1
Ang pagdalangin ba ay
isang pagsamba kay Allah o hindi?
‘Abdunnabí_:__Oo;_sila_noon_ay_gumagawa_niyon._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí_:__Oo;_ito_isang_Shirk,_walang_duda._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí_:__Oo;_ito_ay_isang_pagsamba._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí_:__Oo;_nagtambal_ako._Ito_ay_isang_tumpak_na_malinaw_na_pananalita._‘Abdulláh'>‘Abdunnabí:
Oo; ito ay saligan ng pagsamba gaya ng nasaad sa Hadíth:
Ang
panalangin ay ang pagsamba. (Isinalaysya ito ni Imám Abú Dáwud.)
‘Abdulláh:
Yayamang inamin mo na iyon ay isang pagsamba kay Allah,
pagkatapos ay dumadalangin ka kay Allah sa araw at gabi dala ng pangamba at
pagmimithi sa isang pangangailangan, pagkatapos dahil sa pangangailangang iyon
ay dumadalangin ka sa isang propeta o sa isang anghel o sa isang matuwid sa
puntod nito, hindi ka kaya nagtambal sa Kanya sa pagsambang ito?
‘Abdunnabí:
Oo; nagtambal ako. Ito ay isang tumpak na malinaw na pananalita.
‘Abdulláh:
Heto pa ang isang pang halimbawa. Kapag nalaman mo ang sabi ni
Allah na:
Kaya magdasal ka sa Panginoon mo at mag-alay
2
at tinalima mo ang
utos na ito mula kay Allah at nag-alay ka at nagkatay ka bilang handog sa Kanya,
ang pag-aalay mo ba at pagkakatay mo ba bilang handog ay isang pagsamba sa
Kanya o hindi?
‘Abdunnabí:
Oo; ito ay isang pagsamba.
‘Abdulláh:
Kaya kung nagkatay ka bilang handog sa isang nilikha na isang propeta
o isang jinn o iba pa sa mga ito kasama kay Allah, nagtambal ka ba sa pagsambang
ito sa iba pa kay Allah?
‘Abdunnabí:
Oo; ito isang Shirk, walang duda.
‘Abdulláh:
Ako ay naghalimbawa sa iyo ng panalangin at pag-aalay dahil ang
panalangin ay ang pinakatiyak sa mga uri ng pagsambang sinasabi at ang pag-aalay
naman ay ang pinakatiyak sa mga uri ng pagsambang ginagawa. Ang pagsamba ay
hindi limitado sa dalawang ito, bagkus ito ay higit na malawak kaysa roon.
Napaloloob dito ang pamamanata, ang pagsumpa, ang pagpapakupkop, at iba pa.
Subalit ang mga Mushrik na ibinaba sa kanila ang Qur’an, sila ba ay sumasamba
noon sa mga anghel, sa mga matuwid, kay Lát, at iba pa?
‘Abdunnabí:
Oo; sila noon ay gumagawa niyon.
‘Abdulláh:
Ang pagsamba ba nila noon sa mga iyon ay sa panalangin, pag-aalay,
pagpapakupkop, pagpapatulong, at pagdulog? Kung hindi ganoon, sila ay mga
umaamin na sila ay mga alipin ni Allah at nasa ilalim ng pangingibabaw Niya, at na
si Allah ay ang nangangasiwa sa kapakanan. Subalit dumalangin sila sa mga iyon at
dumulog sila sa mga iyon dahil daw sa kabunyian at sa pamamagitan [ng mga
iyon]. Ito ay lubhang hayag.
‘Abdunnabí:
Ikinakaila mo ba, Abdullah, ang Pamamagitan ng Sugo ni Allah
(SAS)
at itinatwa mo ba iyon?
‘Abdulláh:
Hindi. Ako ay hindi nag-kakaila roon at hindi nagtatatwa roon. Bagkus
siya –tutubusin ko siya kahit sa pamamagitan ng ama ko at ina ka – ang
1
Qur’an 7:55.
2
Qur’an 108:2.
97
Tagapamagitan na binigyan ng Pamamagitan at inaasam ko ang Pamamagitan niya.
Subalit ang Pamamagitan ay bigay lahat ni Allah gaya ng sinabi Niya:
Taglay ni
Allah ang pagpapahintulot sa lahat ng Pamamagitan.
1
Hindi ito mangyayari
malibang matapos magpahintulot si Allah roon, gaya ng sabi ni Allah:
Sino kaya
itong makapamamagitan sa Kanya kung walang kalakip na pahintulot Niya?
2
Hindi pamamagitanin ang isa malibang matapos magpahintulot si Allah roon, gaya
ng sabi ni Allah:
Hindi sila makapamamagitan kundi sa sinumang kinasiyahan
Niya,
3
Siya ay walang kinasisiyahan kundi ang Tawhíd, gaya ng sinabi Niya:
Ang
sinumang naghahangad ng iba pa sa Islam bilang relihiyon, hindi iyon
matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga
malulugi.
4
Kaya kapag ang pagbibigay ng Pamamagitan ay lahat ukol kay Allah.
Hindi ito mangyayari malibang matapos ang pagpapahintulot Niya. Hindi
mamamagitan ang Propeta ni ang iba pa sa kanya sa isa man hanggat hindi
nagpahintulot si Allah roon at hindi magpapahintulot si Allah niyon kundi sa mga
alagad ng Tawhíd. Kaya kapag luminaw sa iyo na ang pagbibigay ng Pamamagitan
ay lahat ukol kay Allah, ako ay humihiling niyon mula sa kanya kaya sinasabi ko:
“O Allah, huwag Mo akong pagkaitan ng Pamamgitan niya; o Allah, pamagitanin
Mo sa akin ang Sugo Mo.” at tulad nito.
‘Abdunnabí:
Napagkaisahan natin hindi ipinahihintulot na humiling mula sa isa ng
isang bagay na hindi niya minamay-ari. Ang Propeta ay binigyan na ni Allah ng
karapatan sa Pamamagitan at dahil sa siya ay binigyan nito, minamay-ari na niya
ito. Dahil dito, ipinahihintulot na humiling ako mula sa kanya ng minamay-ari niya
at iyon ay hindi magiging isang shirk.
‘Abdulláh:
Oo; ito ay isang tamang pananalita kung sakaling hindi ipinagbawal
iyon ni Allah sa iyo yamang sinabi Niya:
kaya huwag kayong manalangin sa isa
pa kasama kay Allah.
5
Ang paghiling ng Pamamagitan ay isang panalangin. Ang
nagbigay sa Propeta ng karapatan sa Pamamagitan ay si Allah at Siya ang
nagbawal sa iyo na humiling niyon sa iba pa sa Kanya maging ano pa man ang
hinihilingan. Ang Pamamagitan din ay ibinigay sa iba pa kay Propeta Muhammad
(SAS)
. Nasaad sa tumpak na sanaysay na ang mga anghel ay mamamagitan, ang mga
batang namatay bago tumuntong sa sapat na gulang ay mamamagitan, at ang mga
[tunay na] walíy ay mamamagitan. Kaya sasabihin mo ba: Si Allah ay nagbigay sa
kanila ng karapatan sa Pamamagitan kaya hihilingin ko ito sa kanila? Kung sinabi
mo ito ay bumalik ka sa pagsamba sa mga matuwid na tao na binanggit ni Allah sa
Aklat Niya. Kung sinabi mo naman na hindi ay nawalan ng saysay ang sabi mo na:
“Binigyan siya ni Allah ng karapatan sa Pamamagitan at ako ay hihiling niyon sa
sinumang binigyan niyon ni Allah.”
1
Qur’an 39:44.
2
Qur’an 2:55.
3
Qur’an 21:28.
4
Qur’an 3:85.
5
Qur’an 72:18.
Dostları ilə paylaş: |