Ang Kahulugan ng Huling Ikasampung Bahagi ng Marangal na Quran



Yüklə 5,39 Kb.
Pdf görüntüsü
səhifə41/98
tarix16.11.2017
ölçüsü5,39 Kb.
#10379
1   ...   37   38   39   40   41   42   43   44   ...   98

89 
hindi  niya  papasukin  maliban  sa  Makkah  at  Madínah.  Pagkatapos  ay  bababa  si 
Jesus 
(AS)
 at papatayin niya ang Dajjál. 


 
90 
Nakatagpo  ng  isang  lalaking  ang  pangalan  ay 
‘Abdulláh
  ang  isang  lalaking  ang 
pangalan ay 
‘Abdunnabíy.
1
 Minasama ni 
‘Abdulláh
 ang pangalang ito sa sarili niya 
at sinabi niya: “Papapaanong sasambahin ng isa ang iba pa kay Allah?” Pagkatapos 
ay kinausap niya si 
‘Abdunnabíy 
at sinabi: “Sumasamba ka ba sa iba pa kay Allah?” 
‘Abdunnabí:
 Hindi. Ako ay hindi sumasamba sa iba pa kay Allah. Ako ay Muslim 
at sumasamba kay Allah lamang. 
‘Abdulláh:
  Samakatuwid,  ano  itong  pangalan  mo  na  nakahahawig  ng  mga 
pangalan ng mga Kristiyano dahil sa pagpapangalan nila ng ‘Abdulmasíh
2
 at hindi 
kataka-taka  sapagkat  ang  mga  Krisytiyano  ay  sumasamba  kay  Jesus.  Ang 
nakaririnig  ng  pangalan  mo  ay  papasok  sa  isip  niya  na  ikaw  ay  sumasamba kay 
Propeta Muhammad 
(SAS)
. Hindi ito ay ang paniniwala ng Muslim sa Propeta niya. 
Bagkus ang isinasatungkulin sa kanya ay na maniwala siya na si Muhammad 
(SAS)
 
ay alipin ni Allah at Sugo Niya. 
‘Abdunnabí
: Subalit si Propeta Muhammad 
(SAS)
 ay ang pinakamabuting mortal at 
ang pinuno ng mga propeta. Kami ay nagpapangalan ng ganitong pangalan bilang 
pagpapabiyaya at pagpapalapit-loob kay Allah sa pamamagitan ng kabunyian niya at 
mataas  na  kalagayan  niya  sa  ganang  kay  Allah.  Hinihiling  natin  sa  kanya  ang 
pamamagitan dahil doon. Huwag kang magtaka; ang kapatid ko, ang pangalan niya 
ay  ‘Abdulhusayn.  Bago  pa  siya,  ang  ama  ko,  ang  pangalan  niya  ay  ‘Abdurrasúl.
3
 
Ang pagpapangalan sa pamamagitan ng mga ganitong pangalan ay isang matandang 
kaugalian  at  laganap sa mga tao. Nakagisnan na namin ang mga ninuno namin sa 
kaugilang ito. Kaya huwag kang magpakahigpit sa usaping ito sapagkat tunay na ang 
bagay na ito ay magaan at ang Relihiyong Islam naman ay maluwag. 
‘Abdulláh:
  Ito  ay  isang  nakasasama  na  higit  na  malaki  kaysa  sa  unang 
nakasasama:  ang  paghiling  sa  iba  pa  kay  Allah  ng isang  bagay  na  wala namang 
nakakakaya kundi si  Allah. Magkatulad lamang kung ang hinihilingang ito ay si 
Propeta Muhammad 
(SAS)
 mismo o sinumang mababa pa sa kanya na gaya ng mga 
matuwid na tao tulad ni Husayn 
(RA)
 o iba pa. Ito ay sumasalungat sa Tawhíd na 
ipinag-utos sa atin at sa kahulugan ng La iláha illa -lláh. Maglalahad ako sa iyo ng 
ilang  katanungan  upang  luminaw  sa  iyo  ang  kasukdulan  ng  usapin  at  ang  mga 
kahihinatnan  ng  pagpapangalan  ng  ganitong  pangalan  at  mga  tulad  nito.  Wala 
akong  hangarin  ni  pakay  kundi  ang  katotohanan  at  ang  pagsunod  dito,  ang 
paglilinaw sa kabulaanan at ang pag-iwas dito, at ang pag-uutos sa nakabubuti at 
ang  pagsaway  sa  nakasasama.  Si  Allah ang  hinihingan  ng tulong.  Sa Kanya ang 
pananalig.  Walang  galaw  at  walang  lakas  kundi  sa  pamamagitan  ni  Allah,  ang 
Mataas,  ang  Sukdulan.  Subalit  magpapaalala  ako  sa  iyo  bago  iyon  ng  sinabi  ni 
                             
 
1
  Ang  ibig  sabihin  ng  ‘Abdulláh  ay  alipin  o  mananamba  ni  Allah  at  ang  ibig  sabihin  naman  ng 
‘Abdunnabí_:__Upang_anyayahan_ang_Mushrik_para_sa_pagsamba_kay_Allah_lamang_at_iwan_ang_lahat_ng_itinatambal_sa_Kanya._‘Abdulláh'>‘Abdunnabíy  ay  alipin  o  mananamba  ng  Propeta.  Bagamat  may  mga  naturang  Muslim  na 
‘Abdunnabíy ang pangalan ipinagbabawal sa tunay na Islam ang ganitong pangalan. 
2
 
Ang ibig sabihin nito ay alipin o mananamba ni Kristo. Karaniwang pangalan ito ng mga Arabeng 
Kristiyano. 
3
 
Ang ‘Abdulhusayn ay alipin o mananamba ni Husayn at ang ‘Abdurrasúl ay alipin o mananamba 
ng Sugo. 
Mahinahong Talakayan


91 
Allah: 
Tanging  ang  sasabihin  ng  mga  sumasampalataya  kapag  tinawag  sila 
kay  Allah  at  sa  Sugo  Niya  upang  humatol  siya  sa  kanila  ay  ang  sinasabi 
nilang: “Narinig namin at tumalima kami.”
1
 at ng sinabi pa Niya: 
Kaya kapag 
nagkahidwaan  kayo  sa  isang  bagay  ay  isangguni  ninyo  ito  kay  Allah  at  sa 
Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw.
2
  
Ikaw ay nagsabi na ikaw ay naniniwala kay Allah lamang at sumasaksi na walang 
Diyos kundi si Allah, kaya maaari mo bang linawin sa akin ang kahulugan niyon? 
‘Abdunnabí:
 Ang Tawhíd ay ang sumampalataya ka na si Allah ay umiiral; Siya 
ang  lumikha  sa  mga  langit  at  lupa;  na  Siya  ang  Nagbibigay-buhay,  ang 
Nagbibigay-kamatayan,  ang  nagpapainog  sa  sansinukob, at Siya  ang  Palastustos, 
ang Maalam, ang Nakababatid, ang Nakapangyayari... 
‘Abdulláh:
 Kung sakaling ganito lamang ang Tawhíd, talaga sanang ang Paraon, ang 
mga tao niya, si Abú Jahl, at ang iba pa ay mga naniniwala sa Tawhíd sapagkat hindi 
nalingid sa kanila ang bagay na ito gaya ng nakararami sa mga Mushrik. Ang Paraon 
na nag-angkin ng Pagkapanginoon ay kumikilala at naniniwala noon sa kaibuturan 
ng  sarili  niya na  si  Allah ay  umiiral  at  Siya ang  nagpapainog  sa  sansinukob.  Ang 
patunay  ay  ang  sabi  ni  Allah: 
Ikinaila  nila ang mga tanda na ito, samantalang 
natiyak  ang  mga  ito  ng  mga  sarili  nila,  dala  ng  paglabag  sa  katarungan  at 
pagmamataas.
3
 Lumitaw ang pagkilalang ito nang hayagan noong humantong siya 
sa pagkalunod. Subalit sa katotohanan ang Tawhíd na alang-alang doon ay ipinadala 
ang mga sugo, ibinaba ang mga banal na kasulatan, at kinalaban alang-alang doon 
ang  angkan  ng  Quraysh  ay  ang  pagbubukod-tangi  kay  Allah  sa  pagsamba.  Ang 
pagsamba ay isang pangalang sumasaklaw sa bawat anumang naiibigan ni Allah at 
kinalulugdan  Niya  ng  mga  salita  at  mga  gawa,  na  hayag  at  lingid.  Ang  Diyos  sa 
adhikaing 
Walang Diyos kundi si Allah ay nangangahulugang ang sinasamba na 
hindi tutumpak ang pagsamba malibang ukol sa Kanya.  
Nalalaman  mo  ba  kung  bakit  isinugo  ang  mga  sugo  sa  lupa,  na  ang  kauna-
unahan sa kanila ay si Noe? 
‘Abdunnabí:
 Upang anyayahan ang Mushrik para sa pagsamba kay Allah lamang 
at iwan ang lahat ng itinatambal sa Kanya. 
‘Abdulláh:
 At ano ang dahilan ng paggawa ng Shirk ng mga tao ni Noe? 
‘Abdunnabí:
 Hindi ko alam! 
‘Abdulláh:
  Isinugo  ni  Allah  si  Noe  sa  mga  tao  niya  noong  nagpakalabis  sila  sa 
pagdakila sa mga matuwid na taong sina Wadd, Suwá‘, Yaghúth, Ya‘úq, at Nasr. 
‘Abdunnabí:
  Ibig  mo  bang  sabihin  na  sina  Wadd,  Suwá‘,  at  iba  pa  ay  mga 
pangalan ng mga lalaking matuwid at hindi pangalan ng mga mapaniil na Káfir? 
‘Abdulláh:
  Oo.  Ang  mga  ito  ay  mga  pangalan  ng  mga  lalaking  matuwid  na 
ginawang mga diyos ng mga tao ni Noe at sinunod naman sila doon ng mga Arabe 
noon. Ang patunay niyon ay ang nabanggit ayon kay Ibnu ‘Abbás 
(RA)
, na nagsabi: 
                             
 
1
 Qur’an 24:51. 
2
 Qur’an 4:58. 
3
 Qur’an 27:14. 


Yüklə 5,39 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   37   38   39   40   41   42   43   44   ...   98




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə