85
tumalikod sa pananampalataya.
1
Tungkol naman sa isang sanaysay na
nagsasabing: “Mag-aral kayo ng panggagaway at huwag ninyong gawin,” at ang
mga tulad nito, ang mga ito ay mga Hadíth na pinasinungalingan at hindi tumpak.
49. Ano ang hatol sa pagpunta sa nanghuhula sa nangyari na at nanghuhula sa
mangyayari pa?
Ito ay ipinagbabawal. Kung pumunta siya sa kanila upang humingi
ng maidudulot nilang kapakinabangan subalit hindi siya naniniwala sa pag-aangkin
nila ng kaalaman sa nakalingid, hindi tatanggapin sa kanya ang saláh sa loob ng
apatnapung araw ayon sa sabi ng Sugo
(SAS)
:
Ang sinumang pumunta sa isang
manghuhula at nagtanong doon ng anuman ay hindi tatanggapin mula sa kanya
ang saláh sa apatnapung araw.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Kung pumunta naman
siya sa kanila at naniwala sa kanila sa pag-aangkin nila ng kaalaman sa nakalingid ay
tumanggi nga siyang sumampalataya sa Relihiyon ni Muhammad
(SAS)
ayon sa sabi
nito
(SAS)
:
Ang sinumang nagsadya sa isang manghuhula at naniwala rito sa
sinasabi nito ay tumanggi na nga siyang sumam-palataya sa ibinaba kay
Muhammad.
Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud
.
50. Kailan ang paghingi ng ulan sa pamamagitan ng mga bituin magiging
Shirk na malaki o maliit?
Ang sinumang naniwala na ang bituin ay may epektong
dulot na hindi saklaw ng kalooban ni Allah ay iniugnay niya ang ulan sa bituin sa
paglikha at paggawa nito. Ito ay isang Shirk na malaki. Ang sinumang naniwala
naman na ang bituin ay may epektong dulot na saklaw ng kalooban ni Allah, na si
Allah ay gumawa rito bilang isang dahilan sa pagbaba ng ulan, na Siya ay
nagpahirati sa pagkakaroon ng ulan sa paglitaw ng bituin na iyon, ito ay
ipinagbabawal at isang Shirk na maliit dahil siya gumawa roon bilang isang dahilan
nang walang patunay mula sa Islam o kamalayan o matinong pag-iisip. Ang
paghuhulo naman sa pamamagitan ng mga bituin ng pagsapit ng mga panahon ng
isang taon at mga oras ng pagbaba ng ulan ay ipinahihintulot.
51. Ilan ang mga bahagi ng mga pagsuway [al ma‘asi]?
Dalawang bahagi:
1.
Mga malaking pagsuway.
Ang mga ito ay ang anumang may nabanggit na parusa
sa Mundo at banta sa Kabilang-buhay, o galit, o sumpa, o pagkakaila ng
pananampalataya.
2. Mga maliit na pagsuway.
Ang mga iyon ay ang anumang
mababa pa sa mga malaking iyon.
52. May mga dahilan ba na nagpapabago sa mga maliit na pagkasasala upang
maging mga malaking pagkakasala?
Oo, mayroong maraming dahilan. Ang
pinakamahalaga sa mga ito ay ang sumusunod: Ang pagpupumilit sa pananatili sa
mga maliit na pagsuway, o ang pag-ulit-ulit sa mga ito, o ang pagmamaliit sa mga ito,
ang pagmamalaki sa pagtamo sa mga ito, o ang pagpapakita sa paggawa ng mga ito.
53. Ano ang hatol sa pagbabalik-loob [Tawbah]?
Papaanong tatanggapin? Ang
pagbabalik-loob ay kinakailangan kaagad-agad. Ang pagkakasadlak sa pagkakasala
ay hindi problema mismo sapagkat ito ay kalikasan ng tao. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Bawat anak ni Adan ay mapagkamali at ang pinakamainam sa mga
1
Qur’an 2:102. Sinipi ni Allah rito ang sinabi ng dalawang anghel.
86
mapagkamali ay ang mga mapagbalik-loob.
Isinalaysay ito ni Imám atTirmidhíy
.
Nagsabi pa ang Sugo
(SAS)
:
Kung sakaling hindi kayo nagkasala ay talagang
inalis na sana ni Allah kayo at talagang nagpalitaw na sana Siya ng mga taong
nagkakasala at pagkatapos ay humihingi ng tawad sa Kanya at magpapatawad
naman Siya sa kanila
.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Subalit ang mali ay ang
pagpupumilit sa pananatili sa pagkakasala at pagpapaliban sa pagbabalik-loob.
Nagsabi si Allah:
Ang pagtanggap ng pagbabalik-loob ay kay Allah lamang
para sa mga nakagagawa ng kasagwaan dala ng kamangmangan at
pagkatapos ay nagbabalik-loob kaagad kaya ang mga iyon ang tatanggapin ni
Allah ang pagbabalik-loob nila.
1
Ang pagtanggap ng pagbabalik-loob [Tawbah] ay may mga kundisyon:
1.
Ang
pagkalas sa pagkakasala,
2.
Ang pagsisisi sa anumang nagdaang pagkakasala,
3.
Ang pagtitika na hindi manunumbalik sa pagkakasala sa hinaharap.
4.
Kapag ang
pagkakasala ay nakaugnay sa paglabag sa mga karapatan ng isang tao, kailangang
ibalik ang mga nalabag na karapatan sa may-ari ng mga ito.
54. Ang pagbabalik-loob ba ay naaangkop sa lahat ng mga pagkakasala?
Kailan natatapos ang panahon nito? Ano ang gantimpala sa nagbalik-loob?
Oo, ang pagbabalik-loob ay naaangkop sa lahat ng mga pagkakasala. Ito ay
mananatili hanggang sa sumikat ang araw sa kanluran nito, o hanggang sa
gumarlgal ang kaluluwa sa sandali ng mga pasakit ng kamatayan. Ang gantimpala
ng nagbalik-loob kung naging tapat siya sa pagbabalik-loob niya ay papalitan ang
mga masagwang gawa niya ng mga magandang gawa, kahit pa man umabot sa mga
ulap ng langit sa dami.
55. Ano ang tungkulin sa namamahala sa kapakanan ng mga Muslim?
Ang
tungkulin sa kanila ay ang makinig at ang tumalima sa kanila sa kaiga-igaya at
kasuklam-suklam na sandali. Hindi ipinahihintulot ang paghihimagsik laban sa
kanila kahit pa man nakagawa sila ng labag sa katarungan. Hindi tayo
mananalangin laban sa kanila. Hindi natin aalisin ang pagtalima sa kanila.
Ipananalangin natin para sa kanila ang pagkamatuwid, ang kalusugan, at ang
katumpakan. Itinuturing natin na pagtalima sa kanila ay bahagi ng pagtalima kay
Allah habang sila ay hindi nag-uutos ng pagsuway. Ngunit kung nag-utos sila ng
pagsuway, ipinagbabawal ang pagtalima sa kanila roon at kinakailangan naman ang
pagtalima sa iba pa roon ayon sa nakabubuti. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Makikinig ka
at tatalima ka sa pinuno, at kahit pa hinagupit ang likod mo at kinuha ang ari-
arian mo ay makinig ka at tumalima ka.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
56. Pinapayagan ba ang pagtatanong tungkol sa katwiran ni Allah sa mga
pag-uutos at mga pagsaway Niya?
Oo, sa kundisyong hindi ikakapit ang
pananampalataya o ang paggawa sa pagkakaalam ng katwiran at sa
pagkakumbinsi rito. Ang pagkaalam ay magiging karagdagan lamang sa tibay ng
pagkakilala ng mananampalataya sa katotohanan. Subalit ang ganap na
1
Qur’an 4:17.
Dostları ilə paylaş: |