Talambuhay ni heneral miguel carpio malvar ni Dr. Edberto M. Villegas at Prof. Doroteo Abaya



Yüklə 111,07 Kb.
səhifə3/3
tarix21.04.2018
ölçüsü111,07 Kb.
#39474
1   2   3
Inilunsad ang digmaang bayan sa ilalim ng rebolusyonaryong pamahalaan ng Hukbo Pagpapalaya ng Bayan na dumagundong sa Luzon, Visayas at Mindanao. Libo-libong ang nangalagas sa mga tropang imeperyalista sa mga sonang gerilya na tinayuan ng mga Amerikano ng mga garrison upang sugpuin ang mga gerilya. Ang isang natatanging sagupaan ng pwersa ni Malvar na ipinatupad sa direktang pamumuno ni Koronel Fulgencio Daza ay yung naganap sa Balanggiga. Samar, noong ika 29 na septyiembre, 1901 kung saan 48 na sundalong Amerikano ang agad napatay ng mga gerilya at kanilang taga-suporta sa bayang ito. Ang Samar ay sinasakop ng unang sona sa Kagawaran ng Visaya ng rebolusyonaryong hukbo ng bayan at nasa huridiksyon ni Heneral Vicente Lukban na siyang nahirang ni Malvar bilang Kumandanteng Pangkabuuan ng Kagawaran na ito. Biglang ganti sa tinatawag ng mga Amerikano na “Balanggiga Massacre” ay pinasunog ni General Jacob Smith ang maraming bayan sa Samar sa kanyang utos na “turn Samar into a howling wilderness, the more you kill the more it will please me”. Mga 50,000 na Samareno ang nasawi sa kampanyang ito ng imperyalismong E.U., ayun sa Amerikanong istoriayador na si Ray Young. Ayun naman sa isang pahayag ng Cablenews, America, noong ika 9 ng octubre, 1907, nakagastos na ang gobyerno ng E.U. ng $400 million na lumalaki ng $30 million bawat taon sa panahon ng digmaan laban sa mga Pilipino.
Ang namatay na mga Pilipino sa gera mula 1898 hanggang 1903 ay umabot na sa 1.5 milyung katao, na ang karamihan ay mga sibilyan, sa kabuoang populasyon ng Pilipinas noong panahon na yun na 7 millyun. Sa Luzon lamang sangayon kay General Franklin Bell mismo sa isang interbyu sa New York Times noong mayo, 1901, 600,000 na ang namatay. Sa Batangas kung saan kinonsentra ng mga Amerikano ang malaking bulto ng kanilang hukbo na 140,000 upang tugisin si Malvar, 100,000 sa 300,000 na populasyon ng probinsiyang ito ang nalagas.(Sa banda ng mga Pilipinong rebolusyonaryo, ang bilang ng hukbo nila ay nasa 30,000 armado.) Samakatuwid, mas marami pang piñatay na Pilipino sa panahon ng pakikidigma nila sa E.U. kaysa sa mga nasawi sa rebolusyon laban sa mga Kastila na umabot lamang sa 20,000.

Ang Kalupitan ng Kampanya ng Imperayalismong E.U. sa Pilipinas


Mga beterano sa pagmasaker sa mga katutubong Indyan sa Amerika ang ipinadalang sundalong Amerikano sa Pilipinas. Bukod pa sa pamamaril at pagbibitay sa mga mamamayan kahit na di mga sundalong rebolusyonaryo ang mga ito ay nagsagawa din ang tropang Amerikano na pagtotoryur tulad ng tinatawag nilang “water cure”(pagbuka sa bunganga ng hinihinalang gerilya o taga-suporta ng reboluysyon at sapilitang pagiinom nito ng ilang galong tubig). Nariyan din ang pangunguryente sa mga pribadong bahagi ng katawan, pagbitin ng patiwarik, panununog sa mga bahay at sa mga palayan at iba pang taniman at sapilitang paglilikas(ang tinatawag na “hamletting”) ng mga tao malayo sa kanilang kabuhayan. Tunay ngang malaking salot sa sambayanang Pilipino ang dumating na mga bagong mananakop.
Upang mapasuko ang Punong Kumandante na si Miguel Malvar, gumawa ng karumaldumal na hakbangin si General Bell tulad ng pagpapagutom sa mga binihag na mga mamamayan hanggang sa mga ito ay mamatay at pag-iskedul ng pagbitay sa iba. Bukod pa sa malawakang panununog sa mga pananim at pagpatay sa mga kalabaw at mga alagang hayop ng mga magsasaka sa buong Batangas, nagsagawa rin si General Bell ng paglipat sa mga mamayang Pilipino sa mga concentration camp. Sa bandang huli ginamit ang kapatid ni Miguel na si Dr.Potenciano Malvar upang hanapin nito ang heneral sa bundok ng Makiling at Banahaw at kausapin ang kanyang kuya na sumuko na. Sa panahong ito, nagipit na ng husto ang mga rebolusyonaryong gerilya dahil sa kawalan ng pagkain. Upang maiwasan pa ang maramihan pagpatay sa mga binihag ng mga Amerikano at pagsira sa kabuhayan ng kanyang mga kababayan, napilitan si Malvar na magbaba ng armas. Sakay-sakay sa kabayo, kasama ang kanyang maysakit na asawa at mga anak, bumaba sila sa bayan ng Lipa noong ika 16 na abril, 1902 at tumambal sa mga tao ang isang yayat na katawan ni Heneral Miguel Malvar.
Mga Huling Taon ni Heneral Miguel Malvar
Nang bumalik si Malvar sa buhay sibilyan, inalok siya ng mga Amerikano na makipagtulungan sa itinatayong nilang pamahalaan sa Pilipinas bilang gobernador ng Batangas. Nang tanggihan ni Malvar ang alok na ito, ininganyo na naman siya na gumanap bilang pinaka-unang hepe ng itinatag ng E.U. na Phililppine Constabulary na ginagamit ng mga bagong mananakop sa pagsugpo sa patuloy na paglunsad ng mga Pilipinong rebolusyonaryo ng digmaang gerilya sa mga lalawigan. Ang mga gerilyang Pilipinong ito ay binansagan ng mga Amerikano na mga “tulisanes” at binitay nila si Heneral Macario Sakay bilang tulisan pagkatapos linlangin nila ito bumaba mula sa bundok para daw sa isang pakipagnegosayon sa kanila para sa kapayapaan ng Pilpinas . Tinanggihan muli ni Malvar ang bagong pagpapalambot sa kanya bilang hepe ng Philippine Constabulary dahil ayaw niyang di maging totoo sa kanyang ipinapahayag na paninindigan na huwag makipagkutsyaba sa kaaway. Dahil inayawan ni Malvar ang pagiging hepe ng Philippine Constabulary, ibinigay ang posisyong ito sa isang nangangalan Crame, isang opisyal sa dating gwardiya sibil ng mga Kastila. Ang kapatid ni Malvar na si Potenciano ay itinalaga naman ng mga Amerikano bilang unang-unang gobernador ng Laguna, karatig probinsiya ng Batangas.
Bumalik si Malvar sa pagiging magsasaka at inalagaan ang kanyang mga natitirang lupa at inaruga ang kanyang lumalaking pamilya. Sa dati niyang 1000 iktaryang lupain sa paligid ng bundok Makiling, sinamsam ng pamahalaang kolonyal ng E.U. ang 700 iktarya nito na ginawang bahagi ng University of the Philippines sa Los Banos na itinayo ng mga Amerikano sa paanan ng Makiling. Kumpara natin ang hakbang ito ng imperyalismong E.U. sa kanilang paggantimpala ng 1100 iktarya na lupa ng mga pareng Rekolektos sa sunod-sunuran nilang na si Aguinaldo.
Hanggang sa wakas, ayaw ni Malvar na makipagsabwatan sa kolonyal na pamahalaan ng E.U. sa Pilipinas. Sa mga nalalabing sampung taon ng kanyang buhay, patuloy siyang nakisalamuha sa mahihirap na masa sa Batangas at Laguna, lalo na sa mga magsasaka. Dahil umunlad uli ang kanyang mga proyekto sa agrikultura kagaya ng pagtrotroso, nagpapautang siya sa kanyang mga kasama sa bukid na walang interes at noong pumutok ang bulkan Taal sa taon 1911, tinulungan niyang makabangon sa kanilang kabuhayan ang mga nasalanta ng sakunang ito. Ang mga mahihirap na taga-bukid na nadulungan ni Malvar ay tumanaw naman ng utang na loob sa kanya sa pamamagitan ng pagiiwan ng mga gulay, isda at manok at iba pang produktong agrikultura sa harap ng pintuan ng mga Malvar tuwing umaga, ayun sa isang lalaking anak ng heneral.
Namatay si Malvar sa piling ng kanyang asawa at mga anak noong 13 ng oktubre 1911 sa gulang na 46, dulot ng epekto ng malaria nakuha niya sa kabundukan noong siya ay gerilya na kumalat sa kanyang atay. Ang isang huling bilin niya sa kanyang pamilya ay “Huwag kalimutan ang pakikibaka natin sa mga dayuhan at pagaralan ninyo ang digmaang-bayan ng mga Pilipino sa ating kasaysayan.” Di dumalo si Aguinaldo sa libing ni Malvar sa kanyang bayan ng Santo Tomas sanhi ng mahigpit na alitan ng dalawa tungkol sa layunin ng rebolusyong Pilipino.
Ang Kahalagan ng Buhay ni Malvar sa Kasalakuyang Panahon
Kay Malvar, magpapatuloy ang rebolusyong Pilipino hanggang di pa napapalis ang pakikipakailam at kontrol ng imperayalismong E.U. sa ating bayan. Hanggang nadidiktahan ng mga monopolyong korporasyon ng E.U. ang ekonomiya ng Pilipinas, hanggang ang mga maliliit na magsasaka at negosyanteng Pilipino ay di umunlad ang pangkabuhayan dahil sa pagigipit ng mga imperyalista, nangangailangan pa ng paglulunsad ng digmaang bayan, ayun kay Malvar. Masasabi na naabot ng kanyang pananaw ang sinapit ng mga mamamayang Pilipino na hanggang ngayon ay nasa kuko ng imperyalismong E.U.
Makakapulot ang kilusang masa sa kasalakuyan sa mga patakaran inilunsad ng pamahalaang bayan sa liderato ng Hukbo Magpapalaya sa Bayan na itinatag nina Malvar noong 1901. Ang pagpalakas nila sa mga balangay na inumpisan ng HBK nina Bonifacio ay nagbibigay na maraming aral sa mga nakikibaka ngayon laban sa imperyalilsmo E.U. at kanilang taga-suporta sa Pilipinas. Ang papaigting ni Malvar ng mga kooperatiba ng mga Katipunan ay mahusay na paraan sa produksyon sa agrikultura at sa pangangalakal. Malaki ang tiwala ni Malvar sa kakayanan ng mga Pilipino na paunlarin ang pagawa ng mga sariling produkto sa ekonomiya at manupaktura batay na din sa sariling karanasan niya bilang magsasaka at myembro ng pambansang burgesiya noong panahon na yun. Laging binabatikos ni Malvar ang pagmamayabang ng mga Amerikano na sila ang magtuturo sa mga “atrasadong” Pilipino tungkol sa pamamalakad ng kanilang buhay, sa ekonomiya man o sa sistemang pulitika. Ang nasyonalism ni Malvar sa pagtatayo ng tunay na demokrasiya at pagpapaunlad ng kakayanan ng sambayanan ay di matatatwa. Ang bansag niya sa digmaang bayan ng mga Pilipino ay digmaan higit sa lahat para sa kalayaan ng masa at di lamang para sa iilang mayayaman na marami sa huli ay kinondena niya bilang mga traidor sa bayan tulad ni Aguinaldo at Miguel Calderon.
Ang digmaang bayan sa kasalukuyan ay maraming leksyon makukuha sa hukbo ni Malvar – ang paraan ng pagoorganisa ng mga rehiyon at probinsiya, ang pagpapahusay sa larangan ng produksyon sa mga napalayang lugar at pagpapatatag ng idolohiya na gumagabay sa rebolusyon. Noong panahon ni Malvar ang dominanteng idolohiya ng rebolusyong Pillipino ay nasyonalismo na inasasakongkreto ng mga naghihimagsik sa pagpapanday ng kanilang sariling kakayahan, halimbawa, sa pagawa ng mga sariling bala para sa kanilang hukbo at paglapat ng hustiya ng masa sa mga hukumang bayan na itinatag ng mga balangay.
Ang buhay ni Malvar ay maaaring maging inspirasyon sa mga naghahangad lumahok sa pagpatuloy ng rebolusyong ng bayan laban sa imperalismong E.U. Ang kalapitan niya sa mga mahihirap na masang Pilipino at pagtiwala niya dito na siyang magdadala sa bayan sa mataas na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas at ang pakikipangtunggali niya sa mga mayayaman na tinuturing ang masa na mga mamang ay nagpapakita ng tamang landas tungo sa paglutas ng suliranin ng nakakaraming Pilipino.
Lalo na sa mga kabataan na naghahanap ng kahalagan ng kanilang buhay sa panahon natin ngayon na ang nangingibabaw na pananaw ay sarili na lamang ang aatupagin, ang pagtalikod ni Malvar sa isang marangyang kabuhayan at pag-sakrapisyo niya para sa rebolusyon ng bayan ay isang magiting na halimbawa na di makapag -makasarili. Mahigpit ang paniwala niya na sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagkilos ng mga inaaping masa ang pinakamalakas na hukbo ng kaaway ay masusugpo. Tumataginting ang mga salita niya hanggang nagayon: “Katatagan, katatagan at katatagan ang kailangan ng masa para isulong ang rebolusyon ng bayan”.
***
Sipi mula sa Manipesto ni Heneral Miguel Malvar sa masang Pilipino at Rebolusyonaryong Hukbo ng Bayan, mula sa bundok ng Makiling, 13 ng julyo, 1901. (Isinalin mula sa ingles na sinalin naman mula sa espanyol.)
……………”Sa pagsaludo ko sa bayan sa araw na ito, bilang Heneral ng Pangkalahataan Hukbo natin, tinatawagan ko ang lahat ng ating kababayan, sa partikular yun mga pinagsasamantalaan, na sumagot sa mga pagaabuso at karahasan sa kanila at sa kanilang mga kapatid, at huwag pahiyain ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagluhod sa mga kaaway at karuwagan, at huwag maging kontento na lamang sa mga presentasyon ng mga inutil at walang saysay na reklamo, imbes makibaka sa digmaan o ipadala ang kanilang mga anak kung di pwede sila mismo ang sumanib sa ating pwersa militar na ipinaglalaban ang karapatan natin lahat. Sa pamamagitan nito, lahat na may dala-dalang armas, na bumubuo ng isang solidong masa, matibay na moog, libo-libo at matatag, ay makikibaka na masigasig at magtatagumpay laban sa mga naghahangad sakupin at ipailalim tayo gamit-gamit ang dahas samantalang nagpapanggap na sila daw ay taga-dala ng kalayaan sa ating bansa at sa buong daigdig at kunyari nagbibigay ng mga karampot na kalayaan upang lalong makuha nila ang kanilang layunin. Tinatawagan ko kayo huwag matakot, ngunit mahiya, huwag bumigay sa kaaway, ngunit ipagtanggol ang inyong dignidad, palakasin ang loob sa ating masusing ngunit mahirap na pakikibaka at tulungan ng masigasig yun mga lumalaban sa digmaan, dahil ito ay dakilang gawain at sa pamamagitan nito ay darating lamang ang araw na ating hinihintay….
Bumalik kayo sa aming panig, kayong mga nabubulag, kayong mga nalinlang ng mga kaaway, naniniwala sa kanilang kasaysayan at mga pangako. Nakita na ninyo kung paano kahit ang inyong seguridad ay nawala, at ngayon kagaya ng sa nakaraan, wala kayong napala kundi mga walang kubuluhan mga deklarasyon….Nakikita ninyo na ipinapataw nila sa ating bansa ang mga batas na walang tayong karapatan pagusapan at di natin matatangihan, mga buwis na di naman sinangayunan ng mga mamamayan, mga buwis na di natin naranasan at mas masahol pa ng sampung beses kung kukumpara noong panahon ng mga Kastila. Ang kakahatnan ng mga buwis na ito ay ang mga maliliit na magsasaka at mga pambansang burgesiya ay mapapailalim sa monopolyo kapitalismo ng Estados Unidos, at dadalhlin ang mga mamambukid sa napaka-miserableng kalagayan….At ito ang sitwasyon natin sa kabuuan at lagi tayong magdudusa sa kamay ng kaaway kung ibaba natin ang ating mga armas dahil sinasabi nila wala tayong kakayahan bilang mga tao at sila ang edukado at ang ganitong pananaw ay laging ipinapaniwala nila sa atin na sila ang mas mahusay. Panahon na paniwalaan, mga kapatid, na ang kalayaan ay di kalian man magmumula sa mga sumisiil sa atin , pinapatay ang nagtatanggol sa ating bayan at nananunog ng mga pweblo na nagsusuporta sa mga lumalaban. Kapag walang tunay na kalayaan ang bayan, lahat na kunyaring binigay na karapatan sa mga tao ay mga ilusyon lamang dahil ang tunay na interes ng mga mamamayan ay laging ipapailalim muna sa interes ng mga mananakop.



Tinatawagan ko kayo na dahil sa mga maka-sariling ambisyon ay ipinagbili ang bayan at ginagamit ang lahat na paraan para ihandog ang bansa nakatali mula ulo hanggang paa sa mga kaaway. Tinatawagan ko ang iba pa na dahil sa anumang dahilan ay ipinagkakanulo ang bayan na itigil na ang inyong masasamang gawain na nagdadagdag ng kapahamakan sa bayan. Sumama na kayo at makibaka, di laban sa inyong mga kapatid, ngunit sa ating kaiisang kaaway. At kung di pwede ninyo o walang kayong katapangan gawin ito, huwag na sana lamang ninyong kumbinsihin na ibaba ang kanilang armas ng mga nakikibaka para maganap ang ating pambansang kalayaan.
Tumulong kayo sa halip na maglunsad ng digmaan laban sa mga nakikibaka para sa kapakanan ng nating lahat, kasama na ang sa inyo….At kung nais ninyo ng kapayapaan, huwag sa amin kayo humiling na ibaba ang armas, ngunit sa mga mananakop na gumugulo sa ating bayan.
. Tinatawagan ko din ang mga mabubuting anak ng bansa ng Hilagang Amerika na ang diwa ng katarungan at kalayaan ay di nababalot ng kasakiman upang palawakin ang kapangyarihan ng kanilang bansa na sila ay gumawa ng paraan upang matigil na ang madugong digmaang ito….na nagdudulot ng pagkawala ng napakaraming buhay at sinisira ang makabilang bansa natin. Kami ay nagpapatuloy lumaban kagaya ng ipinaglaban ninyo para maganap ninyo ang mga adhikain nakalagay sa inyong “Declaration of Independence” at di kami titigil kahit ano man ang kakahatnan nito dahil ipinagtatanggol namin ang aming kalayaan kagaya ng mga Amerikano na lumaban sa mga ingles para sa kanilang pambansang sobereniya, isang layunin napakahalaga sa lahat ng tao.



At kayong mga kawal, nasa unahan ng ating laban, mahal kong mga kasama sa pagdudurusa at panganib, wala na akong iba pang sasabihin kung di ipagpatuloy natin ang ating pakikibaka na mas mahigpit.
Sa lahat ng mga Pilipino, katatagan, katatagan at laging katatagan, at walang pasubali sa pagsasakrapisyo. Lahat ng mga tao na nakibaka para sa kanilang kalayaan ay nangailangan ipagpatuloy ang laban kahit na 12, 16, 18 o mas mahaba pang taon. Sa Amerika lumaban ang mga tao ng siyam na taon. Tayo ay nakikibaka na sa loob ng limang taon. Ipagpatuloy natin ang digmaan, dahil ang katatagan ng masa ay lubos na makapangyarihan sa pinakamalakas na hukbo…”

BATIS
Abaya, Doroteo & Karganilla, Bernard, Miguel Malvar and the Philippine Revolution, a Biography, Miguel Malvar Productions, Inc., Manila, 1998.


Alvarez, Santiago V., The Katipunan and the Revolution, Ateneo de Manila University Press, 1966.
Alzona, Encarnacion, Galicano Apacible, Profile of a Filipino Patriot, Manila, The Heirs of Galicano Apacible, 1971.
Apacible, Galicano, Memoirs, unpublished.
Blount, James H, The American Occupation of the Philippines, 1898-1912, The Knickerbroker Press, 1913, reprinted with an introductory essay by Renato Constantino, Quezon City, Malaya Books Inc., 1968.
Camagay, Ma. Luisa T. (translator), French Consular Dispatches on the Philippine Revolution, Quezon City, University of the Philippine Press, 1997.
Craig, Austin & Conrado Benitez, Philippine Progress Prior to 1898, Vol. 1, Metro Manila, Cacho Hermanos Inc., 1985.
Claire, Francis St., The Katipunan, Manila Tip,”Amigos del Pais”, Palacio 258, 1902, reprinted as Book 23 of the Filipiniana series by Renato Constantino, Mandaluyong, Solar Publ. Corp., 1991.
Constantino, Renato, A Past Revisited, Quezon City, Foundation for Nationalist Studies, 1981.
De los Santos, Epifanio, The Revolutionists: Aguinaldo, Bonifacio, Jacinto, National Historical Institute, Manila, 1933.
De Jesus, Gregoria, Mga Tala ng Aking Buhay, Maynila, Limbagang Fajardo, 1932.
Dery, Luis C., The Army of the First Philippine Republic, De la Salle University Press, Manila, 1995.
From Ibalon to Sorsogon, A Historical Survey of Sorsogon Province to 1905, Quezon City, New Day Publ., 1991.
Epistola, S.V., Hongkong Junta, Quezon City, University of the Philippine Press, 1996.
Francisco, Luzviminda & Fast, Jonathan, Conspiracy for Empire, Foundation for Nationalist Studies, 1985.
Halstead, Murat, Aguinaldo and his Captor, The Halstead Publ. Co., Cincinnatti, 1901.
Kalaw, Teodoro, The Philippine Revolution, Philippine Book Co., Inc., 1925.
May, Glenn, Battles for Batangas, Quezon City, New Day Publ., 1993.
Misa, Arturo Ma., “Gen. Miguel Malvar: The Last Insurrecto”, Sunday Times Magazine, Oct. 13, 1963.
Palma, Rafael, La Revolucion Filipina, Bureau of Printing, Manila, 1931.
Philippine Anti-Imperialist Studies(PAIS), Andres Bonifacio, Buhay at Pakikibaka, Quezon city, 2013.
Quirino, Carlos, The Young Aguinaldo, Regal Press, Manila, 1969.
Retana, Wenceslao, E., La Politica de Espana en Filipinas, Dec. 31, 1896, Yr. 6, No. 152, Madrid.
Ricarte, Artemio, Memoirs, Manila, 1963.
Rouvier, Gaston & Turot, Henri, translated by E. Aguilar Cruz, The War in the Philippines, as reported by two French journalists in 1899, National Historical Institute, Manila, 1994.
Salazar,Zeus A., Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila, Quezon City, Miranda Bookstore, 1995.
Sastron, Manuel, Filipinas: Pequenas Estudios Batangas y su Provincia, Malabong, 1895.
Saulo, Alfredo, Emilio Aguinaldo: Generalissimo and President of the First Republic in Asia, Quezon City, Phoenix, 1983.
Sheridan, Richard Brinsley, The Filipino Martyrs, London and New York, John Lane – The Bodley Head, 1900 as reprinted by Malaya Books, Quezon City, 1970.
Taylor, John RM, The Philippine Insurrection against the United States: A Compilation of Documents with Notes and Introduction, Vol. & !!, Eugenio Lopez Foundation, Pasay, 1971.
Turot, Henri, Emilio Aguinaldo: First Filipino President, 1898-1901, National Book Store, Manila.
Villamor, Ignacio, Industrious Men, Oriental Comercial, Quezon City, 1971.
Villegas, Ramon, Manuscripts on the Katipunan, unpublished.
Young, Rey, Guerilla Warfare Revisited, Leyte Samar Studies, 1977.
Zaide, Gregorio F., Great Filipinos in History: An Epic of Filipino Greatness in War and Peace, Verde Bookstore, Manila, 1970.
___________Interbyu sa mga kamag-anak ni Heneral Miguel Malvar –Paula Comcom(anak na babae), Josefina Meer(anak na babae), Isabela Villegas(anak na babae), Expedito Leviste(apo), Edberto Villegas(apo, Jose Villegas(apo).



Ang gobernadorcillo ay katumbas ng alkalde o mayor sa kasalukuyan, bagaman may dagdag siyang kapangyarihan ng paglilitis ng mga kaso o gumaganap bilang hukom. Siya ay inihahalal mula sa mga principalia ng municipalidad ng 12 na senyor cabeza de barangay. Kailangan marunong siyang magsalita, magbasa at magsulat sa wikang kastila.


Yüklə 111,07 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə