79
ibig ng mga Mushrik sa mga diyos nila. Ito ang saligan ng Shirk.
4.
Pag-ibig na
likas.
Gaya ng pag-ibig sa mga magulang at mga anak, pagkaibig sa pagkain, at iba
pa. Ito ay ipinahihintulot.
33. Ano ang mga pangkat ng mga tao sa pagtangkilik at pagwawalang-
kaugnayan?
Ang mga tao ay tatlong pangkat.
1.
Ang tatangkilikin ng dalisay na
pagtangkilik nang walang pagkalaban na kalakip. Sila ang mga dalisay na
mananampalataya gaya ng mga propeta at mga matapat. Ang pangulo nila ay ang
pinuno nating si Muhammad
(SAS)
, ang mga maybahay niya, ang mga anak niya, at
ang mga Kasamahan niya.
2.
Ang hindi tatangkilikin nang lubos bagkus ay
magpapawalang-kaugnayan doon. Sila ang mga Káfir na gaya ng mga Ahlulkitáb,
mga Mushrik, at mga Munáfiq.
1
3.
Ang tatangkilikin sa isang banda at
magpapawalang-kaugnayan doon sa ibang banda. Sila ang mga sumusuway na
mananampalataya. Kaya tatangkilikin sila dahil sa taglay nilang pananampalataya at
kasusuklaman sila dahil sa taglay nilang mga pagsuway. Ang pagwawalang-
kaugnayan sa Kufr
2
ng mga Káfir ay ang pagkasuklam sa Kufr nila, ang hindi
pagpapasimula sa pagbati sa kanila, ang hindi pagpapakaaba sa kanila o hindi
paghanga sa kanila, at ang hindi paglikas sa bayan nila. Ang pagtangkilik sa mga
mananampalataya ay sa pamamagitan ng paglikas sa kanila sa mga bayan ng Islam
kapag makakaya, pakikipagtulungan sa kanila at pagkampi sa kanila sa pamamagitan
ng sarili at yaman, ang pagkadama ng sakit at tuwa sa anumang nagaganap sa kanila,
at ang pagkaibig ng kabutihan para sa kanila.
Ang pagtangkilik sa mga Káfir ay dalawang uri: 1.
Ang anumang nagiging
dahilan ng pagkatiwalag at paglabas sa Islam gaya ng pagkampi sa mga Káfir at
pakikipagtulungan sa kanila laban sa mga Muslim, o ang hindi paniniwala sa
pagiging Káfir nila o pagsasawalang-kibo sa pagiging Káfir nila o pagdududa roon.
2.
Ang anumang mababa pa roon na kabilang sa mga malaking kasalanan at mga
kinasusuklaman gaya ng pakikilahok sa kanila sa mga pagdiriwang nila o pagbati sa
kanila sa mga ito, o ng pagwangis sa kanila. May nagaganap na kalituhan at kaguluhan
paminsan-minsan sa pagitan ng kagandahan ng pakikitungo sa mga Káfir (na hindi
nakikidigma laban sa mga Muslim) at ng pagkasuklam sa Kufr ng mga Káfir at
pagwawalang-kaugnayan sa Kufr nila. Nararapat ang paglilinaw sa pagkakaiba sa
pagitan ng dalawa. Ang kagandahan ng pakikitungo sa kanila nang walang
pagmamahal na lihim gaya ng kabaitan sa mahina sa kanila at kalumayan sa
pakikipag-usap sa kanila bilang pagpapakabanayad sa kanila at awa hindi bilang
pagkatakot sa kanila at kaabahan ay isang bagay na may sinabi si Allah tungkol dito:
Hindi kayo sinasaway ni Allah hinggil sa mga hindi kumalaban sa inyo dahil sa
relihiyon at hindi nagpapalisan sa inyo mula sa mga tahanan ninyo na
makipagmabutihan kayo sa kanila at makatarungang makitungo sa kanila.
3
Kaya maaari ang katarungan sa pakikitungo sa kanila kalakip ng pagkasuklam sa Kufr
nila at hindi pagmamahal sa kanila gaya ng ginawa ng Sugo sa mga Hudyo sa
1
Ang nagpapanggap o nagkukunwaring sumasampalataya sa Islam.
2
Kawalang pananampalataya o pagtangging sumampalataya.
3
Qur’an 60:8.
80
Madínah.
34. Ang mga Ahlulkitáb ba ay mga mananampalataya?
Ang mga Hudyo, ang
mga Kristiyano, at ang mga tagasunod ng iba pang mga relihiyon ay mga Káfir
kahit pa man sila ay sumusunod sa isang relihiyong ang orihinal nito ay tumpak.
Ang sinumang hindi nag-iwan ng relihiyon niya matapos na isinugo ang Propeta
Muhammad
(SAS)
at hindi yumakap sa Islam,
hindi iyon matatanggap mula sa
kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.
1
Kapag hindi
naniwala ang Muslim sa pagiging Káfir nila o nagduda sa kawalang-saysay ng
relihiyon nila, naging Káfir na rin ito dahil sinalungat nito ang hatol ni Allah at ng
Sugo Niya. Nagsabi si Allah:
Ang sinumang tumangging sumampalataya rito
kabilang sa mga magkakampi, ang Apoy ay ipinangakong hahantungan niya.
2
Ang tinutukoy rito ng
mga magkakampi ay ang mga kaanib ng ibang mga
kapaniwalaan. Nagsabi naman ang Sugo
(SAS)
:
Sumpa man sa Kanya na ang
kaluluwa ni Muhammad ay nasa kamay Niya: Kapag may nakaririnig tungkol sa
akin na isang kapanahon ng kalipunang ito maging Hudyo man ni Kristiyano
pagkatapos ay namatay nang hindi sumampalataya sa ipinasugo sa akin, siya ay
magiging kabilang sa mga mananahan sa Apoy.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
.
35. Ipinahihintulutan bang gawan ng paglabag sa katarungan ang Káfir?
Ang
paglabag sa katarungan ay ipinagbabawal batay sa sabi ni Allah [sa Hadíth Qudsí]:
Tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng paglabag sa katarungan at ginawa
Ko ito sa gitna ninyo na ipinagbabawal kaya huwag kayong maglabagan sa
katarungan.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Ang mga Káfir ay dalawang pangkat
kaugnay sa pakikitungo sa kanila.
1. Ahlu ‘Ahd
(ang may kasunduan sa mga Muslim).
Sila ay tatlong uri:
A. Ahludhdhimmah
(ang mga taong nagtatamasa ng pangangalaga ng bayang
Muslim). Sila ay ang mga nagbabayad ng jizyah.
3
Ang mga ito nagtatamasa ng
palagiang pangangalaga. Nakipagkasundo sila sa mga Muslim sa kundisyong
ipatutupad sa kanila ang batas ni Allah at ng Sugo Niya para sa pananatili nila sa lupain
ng Islam. Sila ay tulad ng mga nanirahan sa bayan ng Islam.
B. Ahlulhudnah
(ang
mga taong nakipagkasundo ng kapayapaan sa bayang Muslim). Sila ay ang mga
nakipagkasundo sa mga Muslim sa kundisyong manatili sa lupain ng mga Muslim.
Ang mga ito ay hindi isinasailalim sa mga batas ng Islam gaya ng pagkakasailalim ng
ahludhdhimmah subalit kailangan nilang magpigil sa pakikidigma sa mga Muslim,
gaya ng mga Hudyo noong kapanahunan ng Propeta
(SAS)
.
C. Ahlul’amán at
Musta’min
(ang mga taong matiwasay at naghahanap ng katiwasayan sa piling ng
mga Muslim). Sila ang mga pumupunta sa mga bayan ng mga Muslim dahil sa
pangangailangang manirahan sa mga ito gaya ng mga naglilingkod sa pasuguan, mga
mangangalakal, mga nagpakandili, mga dumadalaw, at mga tulad nila. Ang batas
kaugnay sa kanila ay na hindi sila papatayin at hindi kukuha sa kanila ng jizyah. Ang
nagpapakandili ay aaluking yumakap sa Islam. Kung pumasok ito sa Islam ay mabuti
1
Qur’an 3:85.
2
Qur’an 11:17.
3
Buwis ng mga hindi Muslim sa isang bayang Muslim kapalit ng pangangalaga sa kanila.
Dostları ilə paylaş: |