77
Namin ito na alabok na isinabog.
1
25. Kapag nagkasalungatan tayo ay sa ano tayo sasangguni?
Sasangguni tayo
sa panuntunang makatotoo at ang hatol doon ay nasa Aklat ni Allah at Sunnah ng
Sugo Niya
(SAS)
yamang nagsabi si Allah:
Kaya kapag nagkahidwaan kayo sa
isang bagay ay isangguni ninyo ito kay Allah at sa Sugo,
2
at nagsabi naman ang
Propeta
(SAS)
:
Mag-iiwan ako sa inyo ng dalawang bagay na hindi kayo maliligaw
habang kumakapit kayo sa dalawang ito: ang Aklat ni Allah at ang Sunnah ng
Propeta Niya.
Isinalaysay ito sa alMuwatta’
.
26. Ilan ang mga bahagi ng Tawhíd?
Ang mga bahagi nito ay tatlo:
1. Ang
Tawhíd arRubúbíyah (Ang Paniniwala sa Pagkaiisa sa Pagkapanginoon).
Ito
ay ang pagbubukod-tangi kay Allah sa mga gawain Niya gaya ng paglikha,
pagtustos, pagbibigay-buhay, at iba pa. Ang mga Káfir noon ay kumikilala naman
sa uring ito bago pa man isinugo ang Propeta
(SAS)
.
2. Ang Tawhíd al’Ulúhíyah
(Ang Paniniwala sa Pagkaiisa sa Pagkadiyos).
Ito ay ang pagbubukod-tangi kay
Allah sa pag-uukol sa mga pagsamba gaya ng saláh, pamamanata,
pagkakawanggawa, at iba pa. Alang-alang sa pagbubukod-tangi kay Allah sa
pagsamba ipinadala ang mga sugo at ibinaba ang mga banal na kasulatan.
3. Ang
Tawhíd al’Asmá’ wa asSifát (Ang Paniniwala sa Pagkaiisa sa mga Pangalan at
mga Katangian).
Ito ay ang pagkilala sa anumang kinilala ni Allah at ng Sugo Niya
na mga pinakamagandang pangalan at mga pinakamataas na katangian para kay
Allah nang walang tahríf, walang ta‘tíl, walang takyíf at walang tamthíl.
3
27. Sino ang walíy
4
?
Siya ang mananampalatayang matuwid na nangingilag
magkasala. Nagsabi si Allah:
Pakatandaan, tunay na ang mga katangkilik ni
Allah ay walang pangamba sa kanila at hindi sila malulungkot: sila na
sumampalataya at laging nangingilag magkasala kay Allah.
5
Nagsabi naman
ang Sugo
(SAS)
:
Ang katangkilik ko lamang ay si Allah at ang matuwid sa mga
mananampalataya.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim.
28. Ano ang isinatungkulin sa atin kaugnay sa mga Sahábí
6
ng Propeta
(SAS)
?
Ang isinatungkulin sa atin ay ang ibigin sila, ang dumalanging masiyahan si Allah sa
kanila, ang maging malinis ang mga puso natin at mga dila natin kaugnay sa kanila,
1
Qur’an 25:23.
2
Qur’an 4:59.
3
Ang tahríf ay ang paglilihis sa kahulugan ng anumang katangian Niya palayo sa hayag na kahulugan
nito nang walang patunay. Ang ta‘tíl ay ang pagtanggi sa kahulugan ng kinakailangang paniwalaan
na mga pangalan at mga katangian na ukol kay Allah, o ang pagtanggi sa ilan sa mga ito. Ang takyíf
ay ang pagsasalaysay sa kalagayan (o detalye) ng mga katangian ni Allah, sa isip o sa salita, gaya ng
pagsasabing ang Kamay ni Allah ay ganito at gayon. Ang tamthíl ay ang paghahalintulad o ang
pagwawangis sa mga katangian Niya sa mga katangian ng mga nilikha o paniniwala na ang mga
katangian Niya ay nakawawangis ng mga katangian ng mga nilikha. Ang Tagapagsalin.
4
Ang walíy, sa literal na kahulugan ay katangkilik o tinangkilik ni Allah. Siya ay taong banal at
malapit kay Allah. Siya ay maaaring makagawa ng mga himala at mga kababalaghan. Subalit wala
talagang nakaalam kung ang isang tao ay walíy bukod pa kay Allah. Kung ituring ng ilang Muslim
ang inaakala nilang walíy ay halos gaya ng turing ng mga Katoliko sa santo nila. Hindi ito
ipinahihintulot sa Islam.
5
Qur’an 10:62-63.
6
Taong nakakita kay Propeta Muhammad, na sumampalataya sa Islam at namatay sa Islam.
78
ang ipalaganap ang mga kabutihan nila, at ang pagpipigil na itanghal ang mga
kasiraan nila at ang anumang hidwaang namagitan sa kanila. Sila ay hindi
napangalagaan laban sa pagkakamali subalit sila ay nagsisikap. Ang tumama sa
kanila ay may dalawang gantimpala. Ang nagkamali sa kanila may isang gantimpala
dahil sa pagsisikap niya at ang pagkakamali niya ay patatawarin. Sila ay may mga
kabutihang hindi maaalis ng isang masagwang gawa na nangyari mula sa kanila kung
may nangyari man. Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Huwag ninyong alipustain ang mga
Kasamahan ko sapagkat sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay
Niya: kung sakaling ang isa sa inyo ay gumugol man ng tulad ng [laki ng bundok
ng] Uhud na ginto, hindi iyon makaaabot sa isang dakot [na kabutihan] ng isa sa
kanila ni sa kalahati niyon.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim.
29. Magpapalabis ba tayo sa papuri sa Sugo
(SAS)
higit sa antas na ibinigay ni
Allah sa kanya?
Walang duda na ang pinuno nating si Muhammad ay ang
pinakamarangal sa nilikha ni Allah at ang pinakamainam sa lahat sa kanila. Subalit
hindi ipinahihintulot na magpakalabis tayo sa pagpupuri sa kanya gaya ng
pagpapakalabis ng mga Kristiyano sa pagpuri kay Jesus na anak ni Maria,
sumakanila ang pangangalaga ni Allah, dahil ipinagbawal iyon sa atin ng Sugo
(SAS)
batay sa sabi niya:
Huwag kayong magpakalabis-labis sa papuri sa akin gaya ng
pagpakalabis-labis ng mga Kristiyano sa pagpuri sa anak ni Maria sapagkat ako
ay isang lingkod lamang. Kaya sabihin ninyo: Lingkod ni Alláh at Sugo Niya.
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
.
30. Ilan ang mga uri ng takot?
Apat:
1.
Isinasatungkulin.
Ito ay ang pagkatakot
kay Allah yamang ang Panananmpalataya ay nakasalalay sa dalawang saligan: ang
kalubusan ng pag-ibig at ang kalubusan ng pagkatakot.
2.
Malaking Shirk.
Ito ay
ang pagkatakot sa mga diyos ng mga Mushrik na makapagdulot ang mga ito ng
masama.
3.
Ipinagbabawal.
Ito ay pagtalikod sa isang isinatungkulin sa Islam o
paggawa ng ipinagbabawal dahil sa takot sa mga tao.
4. Ipinahihintulot. Gaya ng likas na pagkatakot sa mabangis na hayop at iba pa.
31. Ilan ang mga uri ng pananalig?
Tatlo:
1. Isinasatungkulin:
Ito ay ang
pananalig kay Allah sa lahat ng bagay sa pagtamo ng mga pakinabang at sa pagtaboy
sa mga pinsala.
2. Ipinagbabawal.
Ito ay may dalawang uri:
A. Malaking Shirk.
Ito
ay ang lubos na pag-asa sa mga kadahilanan at na ang mga ito ay malayang
nakaaapekto sa pagtamo ng pakinabang at pagtaboy ng pinsala.
B. Maliit na Shirk.
Gaya ng pag-asa sa isang tao sa pagtamo ng panustos nang walang kalakip na
paniniwala sa malayang kakayahan niya sa pagdulot ng epekto subalit ang
pagkahumaling sa kanya ay higit sa paniniwala na siya ay isang dahilan lamang.
3. Ipinahihintulot:
Ito ay ang pagtatalaga ng tao sa iba at pag-asa rito sa isang
gagawaing makakaya nito gaya ng pagtitinda at pagbili.
32. Ilan ang mga uri ng pag-ibig?
Apat.
1.
Pag-ibig kay Allah.
Ito ang saligan ng
Pananampalataya.
2.
Pag-ibig alang-alang kay Allah.
Ito ay ang pagtangkilik sa
mga mananampalataya at pag-ibig sa kanila sa kabuuan. Tungkol naman sa mga
indibiduwal na Muslim, ang bawat isa ay iibigin ayon sa lapit nito kay Allah at
pagtalima nito sa Kanya. Ito ay isinasatungkulin.
3.
Pag-ibig kasama kay Allah.
Ito ay pagtatambal ng iba pa kay Allah sa isinasatungkuling pag-ibig gaya ng pag-
Dostları ilə paylaş: |