69
mga ito ay ang paniniwala sa lá iláha illa -lláh
1
at ang pinakamababa sa mga ito
ay ang pag-aalis sa daan ng bagay na nakapipinsala. Ang pagkakaroon ng hiya
ay isang sangay ng Pananampalataya.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Nabibigyang-
diin ito ng napapansin ng Muslim na kasiglahan sa pagtalima sa mga panahon ng
mga kabutihan at katamlayan rito sa sandali ng paggawa ng pagsuway. Nagsabi si
Allah:
Tunay na ang mga magandang gawa ay nag-aalis sa mga masagwang
gawa.
2
Ang mga sandigan nito ay anim, na binanggit ng Propeta
(SAS)
sa sinabi
niya:
na maniwala ka kay Allah, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, sa
mga sugo Niya, sa Huling Araw, at sa pagtatakda: ang mabuti rito at ang
masama rito.
Isinalaysay ito ni Imám alBukháríy
.
5. Ano ang kahulugan ng lá iláha illa -lláh
3
?
Ang pagkakaila sa pagiging karapat-
dapat ng pagsamba sa iba pa kay Allah at ang pagkilala nito kay Allah lamang.
6. Sino ang pangkatin na maliligtas sa Araw ng Pagbangon?
Nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Mahahati ang Kalipunan ko sa pitumpu’t tatlong kapaniwalaan; lahat sila ay
mapupunta sa Apoy maliban sa isang kapaniwalaan. Nagsabi sila: “Sino ito, o
Sugo ni Allah?”
Ang [kapaniwalaang] ako ay nakabatay roon at ang mga
Kasamahan ko.
Isinalaysay ito nina Imám Ahmad at Imám atTirmidhíy
. Kaya ang
katotohanan ay ang anumang nakabatay roon ang Propeta
(SAS)
at ang mga Sahábíy
niya
(RA)
.
4
Kaya naman kailangan mong sumunod at kaingat ka sa bid‘ah,
5
kung ikaw
ay nagnaanis ng kaligtasan at pagtanggap ni Allah sa mga gawa.
7. Si Allah ba ay kasama natin?
Oo. Si Allah ay kasama natin sa pamamagitin
ng kaalaman Niya, pandinig Niya, paningin Niya, pangangalaga Niya, pagsasaklaw
Niya, kapangyarihan Niya, at kalooban Niya. Tungkol naman sa sarili Niya, hindi
ito nakikihalubilo sa mga sarili ng mga nilikha at hindi Siya nasasaklawan ng
anuman sa mga nilikha.
8. Makikita ba si Allah sa pamamagitan ng mata?
Nagkaisa ang Muslim na si
Allah ay HINDI makikita sa Mundo, at na ang mga mananampalataya ay
makakikita kay Allah sa Kabialang-buhay sa Mahshar
6
at sa Paraiso.
Nagsabi
Siya: May mga mukha, sa araw na iyon, na mga nagniningning. Sa Panginoon
nila ay mga nakatingin.
7
9. Ano ang pakinabang ng pagkakaalam sa mga pangalan ni Allah at mga
katangian Niya?
Tunay na ang kauna-unahan sa tungkuling isinatungkulin ni
Allah sa nilikha Niya ay ang makilala Siya. Kaya kapag nakilala Siya ng mga tao
1
Ang paniniwala na walang [totoong] Diyos kundi si Allah.
2
Qur’an 11:114.
3
Walang [totoong] Diyos kundi si Allah.
4
(RA)
:
Radiyalláhu ‘Anhu para sa lalaki, Radiyalláhu ‘Anhá para sa babae, Radiyalláhu ‘Anhum
para sa marami; ang ibig sabihin nito ay: Masiyahan nawa si Allah sa kanya (o kanila) ni Allah. Ito
ay panalanging binabanggit sa tuwing nababanggit ang pangalan o taguri ng Kasamahan o asawa
ni Propeta Muhammad
(SAS)
.
5
Anumang paniniwala o katuruan na inaakalang bahagi ng Islam ngunit hindi naman itinuro ng
Propeta
(SAS)
.
6
Ang pagtitipunan sa mga tao sa Kabilang-buhay bago makapasok sa Paraiso o Impiyerno.
7
Qur’an 75:22-23.
70
ay sasambahin nila Siya ng totoong pagsamba sa Kanya. Nagsabi Siya:
Kaya alamin mo na walang Diyos kundi si Allah, at humingi ka ng tawad sa
pagkakasala mo
.
1
Kaya ang pagkaalaala kay Allah sa lawak ng awa Niya ay
nagsasanhi ng pagkakaroon ng pag-asa. Ang pagkaalaala sa Kanya sa tindi ng
paghihiganti Niya ay nagsasanhi ng pangamba. Ang pagkaalaala sa Kanya dahil sa
pamumukod-tangi Niya sa pagbibiyaya ay nagsasanhi ng pasasalamat.
Ang nilalayon ng pagsamba sa pamamagitan ng mga pangalan ni Allah at mga
katangian Niya ay ang pagsasakatuparan ng kaalaman sa mga ito at ang
pagkaunawa sa mga kahulugan ng mga ito. Mayroon sa mga pangalan ni Allah at
mga katangian Niya na napupuri ang tao sa pag-aangkin nito gaya ng kaalaman,
pagkaawa, at katarungan. Mayroon naman sa mga ito na napupulaan ang tao sa
pag-aangkin nito gaya ng pagkadiyos, pagkamapanupil, at ang pagkamapagmalaki.
Ang tao ay may mga katangiang pinupuri siya dahil sa mga ito at ipinag-uutos sa
kanya gaya ng pagpapakaalipin kay Allah, pagdulog sa Kanya ng karalitaan,
pangangailangan sa Kanya, pagpapakaaba sa Kanya, paghiling sa Kanya, at anumang
tulad niyon, ngunit imposibleng taglayin ng Panginoon ang mga katangiang ito.
Ang pinakakaibig-ibig na nilikha para kay Allah ay ang sinumang nagtaglay ng
mga katangiang naiibigan Niya. Ang pinakakasuklam-suklam na nilikha para sa Kanya
ay ang sinumang nagtaglay ng mga katangiang kinamumuhian Niya. Nagsasabi si
Allah:
Taglay ni Allah ang mga pangalang napakagaganda kaya dumalangin
kayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga ito.
2
Napagtibay nga ayon sa Propeta
(SAS)
na siya ay nagsabi:
Tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay may siyamnapu’t
siyam na pangalan: isandaan maliban sa isa; ang sinumang nakabilang sa mga ito
ay papasok sa Paraiso
.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at Imám Muslim
.
Ang sinumang nagsiyasat sa Qur’an at Sunnah na tumpak ay makakaya niyang
tipunin ito. Siya si Alláh,
ArRahmán
(Ang Napakamaawain),
ArRahím
(Ang
Maawain),
AlMalik
(Ang Hari),
AlQuddús
(Ang Banal),
asSalám
(ang Sakdal
3
),
alMu’min
(Tagapagpatiwasay
4
),
alMuhaymín
(Ang Tagapagbantay),
Al‘Azíz
(Ang
Matatag),
AlJabbár
(Ang
Palasupil),
AlMutakabbir
(Ang
Nakapagmamalaki),
AlKháliq
(Ang Tagapaglikha),
AlBári’
(Ang Maykapal),
AlMusawwir
(Ang Tagapag-anyo),
Al’Awwal
(Ang Kauna-unahan),
Al’Ákhiru
(Ang Kahuli-hulihan),
AdhDháhir
(Ang Nangingibabaw
5
),
AlBátin
(Ang
Nakaaarok),
AsSamí‘
(Ang Nakaririnig),
AlBasír
(Ang Nakakikita),
AlMawlá
(Ang Tagatangkilik),
AnNasír
(AngTagaadya),
Al‘Afúw
(Ang Mapagpaumanhin),
AlQadír
(Ang Makapangyarihan),
AlLatíf
(Ang Nakakatatalos o Ang Mabait),
AlKhabír
(Ang Nakababatid),
AlWitr
(Ang Bugtong),
AlJamíl
(Ang Maganda),
AlHayíy
(Ang May-hiya),
AsSittír
(Ang Mapagtakip),
AlKabír
(Ang Malaki ),
AlMuta‘ál
(Ang Makapagmamataas),
AlWáhid
(Ang Nag-iisa),
AlQahhár
(Ang
1
Qur’an 47:19.
2
Qur’an 7:180.
3
ang walang kapintasan o kakulangan.
4
O ang Tagapagpasampalataya.
5
O ang Nakalantad at ang Nakakubli
Dostları ilə paylaş: |