66
!
"
# $ % &
'
(
)
* + , - .
/
0 1 2
3
4
5 6
7
8
9 : ; < =
>
? @ A B C
D
E
F G H I
J
K
L
M
N
O P Q R
S
T
:
;
<
Súrah alKáfirún [109]
Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain.
Sabihin mo: “O mga tumatangging
sumampalataya,
hindi ko sinasamba ang sinasamba
ninyo,
at hindi kayo mga sumasamba sa
sinasamba ko;
at hindi ako sumasamba sa sinamba
ninyo,
at hindi kayo mga sumasamba sa
sinasamba ko;
ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at
ukol sa akin ang relihiyon ko.”
1
Súrah anNasr [110]
Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain.
Kapag dumating ang pagpapawagi
ni Allah at ang pagsakop,
at nakita mo ang mga tao na
pumapasok sa Relihiyon mula kay Allah
na mga pulu-pulutong,
ay magluwalhati ka kalakip ng
papuri sa Panginoon mo at humingi ka
ng tawad sa Kanya. Tunay na Siya ay
laging Mapagpatawad.
Súrah alMasad [111]
Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain.
Napahamak ang dalawang kamay ni
Abú Lahab at napahamak siya!
Walang nagawa para sa kanya ang
yaman niya at ang anumang nakamit
niya.
Papasok siya sa Apoy na may liyab,
at gayon din ang may-bahay niya,
ang tagapasan ng panggatong.
Sa leeg nito ay may tali mula sa
linubid na himaymay.
1
O Sa inyo na ang relihiyon ninyo at sa akin na
ang relihiyon ko.
67
! " #
$
% &
' (
)
*
+ , - . /
0
1
2
3 4
5
6
7
8
9
:
;
<
=
> ?
@
A
B
C
D E
F
G
H
I
J
=
>
?
Súrah al’Ikhlás [112]
Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain.
Sabihin mo: “Siya, si Allah, ay Iisa.
1
Si Allah ay ang Dulugan sa
pangangailangan.
Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya
ipinanganak,
at walang isa man na sa Kanya ay
naging kapantay.”
Súrah alFalaq [113]
Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain.
Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako
sa Panginoon ng bukang-liwayway,
laban sa kasamaan ng anumang
nilikha Niya,
at laban sa kasamaan ng madilim na
gabi kapag bumalot ito,
at laban sa kasamaan ng mga
manggagaway na palaihip sa mga buhol,
at laban sa kasamaan ng naiinggit
kapag naiinggit ito.”
1
O Siya, si Allah, ay isa; O Siya ay si Allah, isa.
Súrah anNás [114]
Sa ngalan ni Allah, ang Napakamaawain, ang Pinakamaawain.
Sabihin mo: “Nagpapakupkop ako
sa Panginoon ng mga tao,
ang Hari ng mga tao,
ang Diyos ng mga tao,
laban sa kasamaan ng bumubulong
na palaurong
2
—
na bumubulong sa mga dibdib ng
mga tao—
na kabilang sa mga jinn at mga tao.”
2
O palakubli.
68
1. Mula saan kinukuha ng Muslim ang pinaniniwalaan niya?
Kinukuha niya
ito mula sa Aklat ni Allah
1
at sa tumpak na Sunnah ng Sugo ni Allah
(SAS)
2
na hindi
bumibigkas ng ayon sa pithaya:
Ito ay isang pagsisiwalat lamang na isiniwalat sa
kanya.
3
Iyon ay alinsunod sa pagkaunawa ng mga Sahábí
4
at matuwid na Salaf,
5
masiyahan nawa si Allah sa kanila.
2. Ilan ang mga antas ng Relihiyong Islam?
Ang mga antas ng Relihiyon ay tatlo:
Ang Islám (Pagpapasakop), ang Ímán (Pananampalataya), at ang Ihsán (Pagpapahusay).
3. Ano ang Islam at ilan ang mga sandigan
6
nito?
Ang Islam ay ang
pagsuko kay Allah sa pamamagitan ng Tawhíd,
7
ang pagpapaakay sa Kanya sa
pamamagitan ng pagtalima, at ang pagwawalang-kaugnayan sa Shirk
8
at mga
tagapagtaguyod nito. Ang mga saligan nito ay lima, na binaggit ng Propeta
(SAS)
sa sinabi niya:
Itinayo ang Islam sa lima: ang pagsaksi na walang [totoong]
Diyos kundi si Allah at na si Muhammad ay Sugo ni Allah, ang pagpapanatili
ng saláh, ang pagbibigay ng zakáh, ang pagsasagawa ng hajj sa Bahay [ni
Allah], at ang pag-aayuno sa Ramadán.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at
Imám Muslim
.
4. Ano ang Ímán at ilan ang mga sandigan nito?
Ang Ímán ay ang paniniwala
ng puso, ang pagsasabi ng dila, at ang paggawa ng mga bahagi ng katawan, na
nadadagdagan sa pamamagitan ng pagtalima at nababawasan sa pamamagitan ng
pagsuway. Nagsabi si Allah:
upang madagdagan sila sa pananampalataya
kasama sa taglay na nilang pananampalataya.
9
Nagsabi naman ang Sugo
(SAS)
:
Ang Pananampalataya ay higit sa pitumpong sangay. Ang pinakamainam sa
1
Allah: Ang pansariling pangalan ng Panginoong Diyos sa wikang Arabe. Ito ay isang
pangngalang pantangi at hindi pangngalang pambalana, kaya ang mga panandang gagamitin sa
pagtukoy sa pangalang Allah ay SI, NI at KAY at
hindi ANG, NG at SA. Samakatuwid ang tama ay
sabihing: SI Allah, NI Allah at KAY Allah. Ito ang paninindigan ng pinakamataas na awtoridad sa
wikang Filipino, ang Komisyon sa Wikang Filipino; at ito rin ang paninindigan ng Ministry of
Islamic Affairs sa Saudi Arabia.
2
(SAS)
:
Sallalláhu ‘Alayhi wa Sallam: Basbasan siya ni Allah at pangalagaan (o batiin). Sinasabi ito
kapag binanggit ang pangalan o ang taguri ni Propeta Muhammad
(SAS)
o kapag tinutukoy siya.
3
Qur’an: 53:4.
4
Taong nakakita kay Propeta Muhammad, na sumampalataya sa Islam at namatay sa Islam.
5
Ang katawagang Salaf ay kadalasang tumutukoy sa unang tatlong salinlahi ng mga Muslim
bagamat ito ay nangangahulugang mga nauna o mga naunang salinlahi.
6
Madalas isalin, pati na ng tagapagsaling ito noon, ang salitang Arabe na rukn bilang haligi,
bunsod marahil ng pagkakasalin nito sa Ingles bilang pillar. Ngunit ang kahulugan talaga ng rukn
ay
sandigan, at ang haligi naman sa Arabe ay ‘amúd. Tingnan ang alMu‘jam alWasít, ang Hans
Wehr Dictionary of Modern Written Arabic, at ang A Dictionary of Islamic Words and Expressions
ni Dr. Mahmoud Isma‘il Saleh.
7
Ang paniniwala sa kaisahan ni Allah o ang pagbubukod-tangi kay Allah sa anumang nauukol sa
Kanya lalo na sa anumang kinakailangang gampanan sa Kanya na mga uri ng pagsamba. Ang
paniniwala na nag-iisa si Allah sa pagkapanginoon Niya, sa pagkadiyos Niya, at sa mga pangalan
Niya at mga katangian Niya.
8
Ang pagtatambal kay Allah ng iba sa anumang ukol lamang sa Kanya. Ang paniniwala na si Allah
ay hindi nag-iisa o hindi namumukod-tangi sa pagkadiyos Niya, sa pagkapanginoon Niya, at sa
mga pangalan Niya at mga katangian Niya. Ito ang kasalungat ng Tawhíd.
9
Qur’an 48:4.
Mga Mahalagang Tanong
sa Buhay ng Muslim
Dostları ilə paylaş: |