81
iyon. Kung ibig niyang dumating sa pook na ligtas siya, pararatingin siya at walang
hahadlang sa kanya.
2. Ahlu Harb
(ang taong may digmaan laban sa mga Muslim). Sila ang mga hindi
pumasok sa kasunduang magtamo ng pangangalaga ng mga Muslim at hindi
nagtatamasa ng katiwasayang dulot ng mga Muslim at ng kasunduan sa mga
Muslim. Sila ay ilang uri: ang mga kumakalaban sa mga Muslim sa gawa at
nagsasabwatan laban sa mga ito, ang mga nagpahayag ng pakikidigma laban sa
Islam at mga Muslim o pumanig sa mga kaaway ng Islam. Ang mga ito ay
kakalabanin at lilipulin sa digmaan.
36. Ano ang bid‘ah
1
?
Sinabi ni Ibnu Rajab, kaawaan siya ni Allah: “Ang ibig
sabihin ng bid‘ah ay ang anumang ginawa-gawang bago na walang batayan sa
Sharí‘ah na maipatutunay rito. Tungkol naman sa anumang may batayan sa
Sharí‘ah na maipatutunay rito, ito ay hindi bid‘ah sa katawagang panterminolohiya
kahit pa man ito ay bid‘ah katawagang pangwika.”
37. Sa Islam ba ay may magandang bid‘ah at masagwang bid‘ah?
Nasaad ang
mga Áyah at ang mga Hadíth kaugnay sa pagpula sa mga bid‘ah na pinatutungkulan
ng Sharí‘ah at ito ay ang anumang ginawa-gawang bago at walang batayan sa
Sharí‘ah yamang nagsabi ang Sugo
(SAS)
:
Ang sinumang gumawa ng isang gawaing
hindi batay sa kautusan namin, ito ay tatanggihan.
Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy at
Imám Muslim
. Nagsabi pa ang Sugo ni Allah:
Mag-ingat kayo sa mga bagong ginawa-
gawa sapagkat tunay na ang bawat bagong ginawa-gawa ay bid‘ah at ang bawat
bid‘ah ay pagkaligaw.
Isinalaysay ito ni Imám Abú Dáwud
. Nagsabi si Imám Málik,
kaawaan siya ni Allah, tungkol sa pang-Sharí‘ah na kahulugan ng bid‘ah: “Ang
sinumang gumawa-gawa sa Islam ng isang bid‘ah na itinuturing niya na maganda ay
nag-akala nga na si Muhammad
(SAS)
ay nagtaksil sa pagkasugo dahil si Allah ay
nagsasabi:
Sa araw na ito ay nilubos Ko para sa inyo ang Relihiyon ninyo, binuo
Ko sa inyo ang pagpapala Ko.
2
” May nasaad sa ilan sa mga Hadíth na nagpupuri sa
bid‘ah ayon sa pangwikang kahulugan nito. Ito ay ang anumang nasaad sa katuruan
ng Islam ngunit ito ay nakalimutan kaya hinimok ng Propeta
(SAS)
ang pagpapaalala
nito sa mga tao gaya ng sabi niya
(SAS)
:
Ang sinumang nagpasimula sa Islam ng
isang magandang kalakaran ay magtatamo siya ng kabayaran doon at kabayaran
ng sinumang gumawa ng ayon doon na hindi nakababawas ng anuman mula sa
mga kabayaran nila.
Isinalaysay ito ni Imám Muslim
. Ayon sa kahulugang ito nasaad ang
sabi ni ‘Umar
(RA)
: Kay inam na bid‘ah ito! Tinutukoy niya ang saláh na taráwíh
sapagkat ito ay isinabatas. Hinimok ng Propeta ang pagsasagawa nito at dinasal niya
ng tatlong gabi pagkatapos ay itinigil niya sa pangambang baka isatungkulin ito. Kaya
dinasal ito ni ‘Umar
(RA)
at tinipon niya ang mga tao para rito.
1
Ang bid‘ah ay isang bagay o gawain o paniniwala na inimbento na wala naman dati; ngunit
kadalasang ang bid‘ah ay tumutukoy sa bid‘ah sa relihiyon, na maaaring mangahulugang:
inimbentong bagong paniniwala o gawaing inaakalang tanggap sa Islam o mula sa Islam ngunit
walang batayan sa Qur’an at Sunnah.
2
Qur’an 5:3.
82
38. Ilan ang mga uri ng Nifáq?
1
Dalawang uri:
1. Nifáq na pampaniniwala o malaki.
Ito ay ang pagpapalitaw ng pananampalataya
at ang pagkukubli ng kawalang pananampalataya. Ito ay nakapagpapalabas sa tao sa
Islam. Kapag namatay ang nagtataglay nito habang siya ay nagpupumilit dito,
namatay siya sa kawalang pananampalataya. Nagsabi si Allah:
Tunay na ang mga
nagkukunwaring sumasampalataya ay malalagay sa pinakamababang
palapag ng Apoy,
2
Kabilang sa mga katangian nila ay na sila ay nagtatangkang
linlangin si Allah at ang mga sumampalataya, nangungutya sa mga
mananampalataya at kumakampi sa mga Káfir laban sa mga Muslim. Nagnanais
sila sa pamamagitan ng mga matuwid gawa nila ng layuning makamundo.
2. Nifáq na panggawain o maliit.
Hindi ito nakapagpapalabas sa tao sa Islam subalit
siya ay nasa ilalim ng isang panganib na magpapahantong sa kanya sa malaking Nifáq
kung hindi siya magbabalik-loob. Ang nagtataglay nito ay may mga katangiang ang
ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Kapag nagsalita siya ay nagsisinungaling siya, na
kapag nangako siya ay nagtatalusira
3
siya, kapag nakipagtalo siya ay nagsasalita siya
nang marahas, kapag nakipagkasunduan sa kanya ay nandadaya siya, at kapag
pinagkatiwalaan siya ay nagtataksil siya. Kaya mag-ingat ka, kapatid ko, na
mapasaiyo ang isang mga katangiang ito at tuusin mo ang sarili mo.
39. Kinakailangan ba sa Muslim na mangamba sa Nifáq?
Oo, sapagkat ang
mga Sahábíy
(RA)
ay nangangamba noon sa Nifáq na panggawain. Nagsabi si Ibnu
Abí Mulaykah, kaawaan siya ni Allah: “Nakaabot ako ng tatlumpo sa mga
Kasamahan ng Propeta
(SAS)
. Lahat sila ay nangangamba sa Nifáq sa sarili nila.”
Nagsabi naman si Ibráhím atTaymíy, kaawaan siya ni Allah: “Hindi ko inihambing
ang sabi ko sa gawa ko nang hindi ako nangamba na ako ay maging isang
sinungaling.” Nagsabi naman si Hasan alBasríy, kaawaan siya ni Allah: “Walang
nangangamba roon kundi isang mananampalataya at walang natitiwasay roon kundi
isang nagkukunwaring sumasampalataya.” Nagsabi naman si ‘Umar
(RA)
kay
Hudhayfah
(RA)
: “Nakikiusap ako sa iyo, sumpa man kay Allah; binanggit ba ako sa
iyo ng Sugo ni Allah
(SAS)
na kabilang sa kanila, ibig sabihin ay kabilang sa mga
nagkukunwaring sumampalataya?” Nagsabi ito: “Hindi. Hindi na ako
magpapatotoo ng kalinisang-budhi sa isa man matapos mo.”
40. Ano ang pinakasukdulan sa mga pagkakasala at ang pinakamalaki sa mga
ito sa ganang kay Allah?
Ito ay ang pagtatambal (Shirk) kay Allah, pagkataas-taas
Niya yamang sinabi Niya:
Tunay na ang pagtatambal kay Allah ay talagang
isang sukdulang paglabag sa katarungan.
4
Noong tinanong ang Sugo
(SAS)
kung
aling pagkakasala ang pinakasukdulan ay sinabi niya:
Na gawan mo si Allah ng
isang kaagaw samantalang Siya ay lumikha sa iyo.
Isinalaysay ito nina Imám
alBukháríy at Imám Muslim
.
1
Pagpapanggap na sumasampalataya. Ang gumagawa nito ang nagpapanggap na sumasampalataya
ay tinatawag na Munáfiq.
2
Qur’an 4:145.
3
Sumisira sa pangako
4
Qur’an 31:13.
Dostları ilə paylaş: |