116
likod ng tainga sa pamamagitan ng mga hinlalaki. Pagkatapos ay huhugasan ang
mga paa kasama ng mga bukung-bukong.
Paalaala:
Ang balbas, kapag manipis, ay kinakailangang hugasan ang balat sa
ilalim nito. Kapag naman makapal ay huhugasan ang ibabaw nito.
Ang pagpunas sa khuff o medyas.
1
Ang khuff ay kasuutan ng paa na yari sa balat
at tulad nito. Kung ito ay yari sa lana (wool) o tulad nito, tinatawag naman ito na
medyas. Ang pagpupunas sa ibabaw nito
2
ay ipinahihintulot sa maliit na hadath
lamang.
3
Ipinahihintulot ang pagpupunas alinsunod sa mga kundisyon:
1.
Ang
pagkasuot ng mga ito habang nasa sandali pa ng lubos na tahárah
4
(matapos na
mahugasan sa wudú’ ang ikalawang paa),
2.
Na ang tahárah ay sa pamamagitan ng
tubig,
5
3.
Ang pagkasuot ng mga ito sa bahagi ng mga paa na isinatungkuling
hugasan,
4.
Ang pagkaipinahihintulot ng materyal sa paggawa ng mga ito,
5.
Ang
tahárah (kalinisan) mismo ng mga ito.
Ang turban.
Ipinahihintulot ang pagpunas sa ibabaw nito
6
alinsunod sa mga
kunsdisyon:
1.
Na ito ay suot ng lalaki,
2.
Na natatakpan nito ang karaniwang
bahagi ng ulo,
3.
Na ang pagpupunas ay para sa maliit na hadáth,
4.
Na ang tahárah
ay sa pamamagitan ng tubig.
Ang belo.
Ipinahihintulot ang pagpunas sa ibabaw nito alinsunod sa mga
kundisyon:
1.
Na ito ay suot ng babae,
2.
Na natatakpan pati ang leeg,
3.
Na ang
pagpupunas ay para sa maliit na hadáth,
4.
Na ang tahárah ay sa pamamagitan ng
tubig.
5.
Na natatakpan nito ang karaniwang bahagi ng ulo.
Ang tagal ng yugto ng pagpupunas.
Para sa muqím
7
ay isang araw at isang gabi.
Para sa naglalakbay ay kapag naglakbay ng layong
80 kilometro
sa loob ng tatlong
araw at tatlong gabi.
8
Ang simula ng pagpupunas.
Mula sa unang pagpupunas pagkatapos ng unang
maliit na hadath matapos isuot ang mga medyas hanggang sa mismong oras ng
kasunod na araw (24 oras).
Ang sukat ng pupunasang bahagi ng mga medyas.
Ang karamihang bahagi ng
ibabaw nito mula sa ibabaw ng mga daliri ng paa hanggang sa hangganan ng lulod.
Ang pagpupunas ay sa pamamagitan ng mga magkakahiwalay na daliri ng mga kamay.
1
Ang khuff ay parang medyas na yari sa balat. Ang makabagong katumbas ng khuff ay ang medyas
na yari sa tela. Ang anumang patakaran na kaugnay sa khuff ay katulad ng sa medyas.
2
Sa halip na hubarin ang medyas at hugasan ang paa.
3
Ang maliit na hadath ay ang pagkasira ng wudú’ dahil sa pag-ihi, pag-utot, pagdumi, at pagkatulog.
4
Hindi pa nasira ang wudú’.
5
Wudú’, hindi tayammum.
6
Sa halip na hubarin ang turban at punasan ang ulo mismo.
7
Ang nananatili sa bayan na pinaninirahan niya. Halimbawa ang isang Pilipino na nagtatrabaho sa
Lungsod ng Riyadh at naninirahan doon sa loob ng panahon ng pagtatrabaho niya roon ay muqím
ng Riyadh kahit hindi siya talaga tagaroon.
8
Kapag nalampasan na ang limit ay kailangang hugasan na ang mga paa at kapag naisuot na ang
medyas habang may wudú’ pa ay magsisimula na naman ang bagong ugto.
117
Paalaala:
Ang sinumang nagpunas sa sandali ng paglalakbay at pagkatapos ay
naging muqím,
1
o sa sandali ng pagiging muqím at pagkatapos ay naglakbay, o nagduda
kung kailan ang simula ng pagpupunas ay magpupunas na gaya ng isang muqím.
Ang balangkat.
Dalawang kahoy na ibinabalangkat
2
sa nabaling buto at tulad nito.
Ipinahihintulot ang pagpupunas dito
3
alinsunod sa mga kundisyon:
1.
Na ito ay
kinakailangan,
2.
Na hindi lalampas sa bahaging kailangang lagyan,
3.
Na
magkasunod ang pagpupunas dito at ang paghuhugas sa nalalabing mga bahagi na
hinuhagasan sa wudú’. Kapag lumampas ang balangkat sa bahaging kailangang
lagyan ay kinakailangang alisin ang bahaging lumabis. Kung pinangambahan naman
ang pinsalang maidudulot dahil doon makasasapat na sa kanya na punasan iyon.
Paalaala:
Ang mainam ay punasan ang medyas nang magkasabay nang hindi na
inuuna ang kanan. Hindi isinasabatas ang pagpupunas sa talampakan o sakong
ng medyas Kinasusuklaman na hugasan ang medyas kapalit ng pagpupunas at
ang pag-uulit ng pagpupunas
4
Ang turban at ang belo ay kinakailangang
punasan ang higit na maraming bahagi ng mga ito.
Ang mga nakasisira sa wudú’:
1.
Ang paglabas sa labasan ng ihi at labasan ng
dumi ng isang táhir gaya utot
5
at punlay at ng isang najis gaya ng ihi at madhy,
6
2.
Ang pagkawala ng ulirat dahil nakatulog o hinimatay ngunit ang dagliang
pagkaidlip habang nakaupo o nakatayo ay hindi nakasisira ng wudú’,
3.
Ang
paglabas ng ihi o dumi mula sa hindi likas na labasan ng mga ito,
4.
Ang paglabas
ng bagay na najis (na hindi ihi ni tae) mula sa katawan kapag labis-labis gaya ng
maraming dugo,
5.
Ang pagkain ng laman ng kamelyo,
6.
Ang pagsaling sa ari
nang walang nakatakip,
7.
Ang pagsaling ng isang lalaki sa isang babae o ang
kabaliktaran nang may kalakip na pagnanasa kapag walang nakaharang na anuman
sa bahaging nasaling,
8.
Ang pagtiwalag sa Islam. Ang sinumang nakatiyak na siya
ay nakapagsagawa ng wudú’ ngunit nagduda kung nasira ito o ang kabaliktaran
nito, ang pagbabatayan niya ay kung ano ang natiyak niya.
Ang ghusl (paligo).
Ang mga kalagayang nangangailangan nito:
1.
Ang paglabas ng
punlay nang may kalakip na kasiyahan para sa isang gising o ang paglabas nito mula
sa isang tulog nang may kalakip na kasiyahan o wala,
2.
Ang pagpasok ng ulo na ari
ng lalaki sa puwerta ng babae kahit pa walang lumabas na punlay,
3.
Ang pagyakap sa
Islam ng isang Káfir kahit pa man isang tiwalag sa Islam,
4.
Ang paglabas ng dugo ng
regla,
5.
Ang paglabas ng dugo ng nifás,
6.
Ang pagkamatay ng isang Muslim.
Ang mga isinasatungkulin sa ghusl:
Makasasapat na mabasa ng tubig ang buong
katawan kalakip ng layuning maliligo, at ang loob ng bibig at ilong.
Ang kalubusan
1
Bumalik sa bayang tinitirahan o doon na naging residente.
2
Ipinang-iipit sa magkabilaang bahagi ng napilay na braso, halimbawa, upang hindi magalaw ang buto.
3
Sa halip na hugasan dahil hindi naman maaaring alisin.
4
Ang pagpupunas ay isang ulit lamang sa bawat wudú’.
5
Ang utot ay hindi itinuturing na najis dahil kapag lumabas ito ay hindi kailangang hugasan ang
bahaging labasan nito at hindi rin kailangang hugasan o palitan ang underwear, na taliwas naman
sa ihi at dumi dahil kapag ang mga ito ay nakabahid sa underwear o anumang bahagi ng damit ay
kailangang hugasan iyon o palitan.
6
Ito ay malagkit na puting likido na lumalabas sa ari sa sandali ng pagnanasang seksuwal.
Dostları ilə paylaş: |