120
Ang Regla at ang Istihádah
1
Ang Usapin
Ang Patakaran
Ang pinakabata at ang
pinakamatandang edad na
nagreregla ang babae.
Ang pinakabata ay siyam na taon. Kaya kung may
lumabas na dugo sa ari niya bago magsiyam na taon,
ito ay istihádah. Walang hangganan sa pinakamatanda.
Ang pinakakaunting araw na
nagpapatuloy ang regla.
Isang araw at isang gabi (24 oras). Kaya kung kaunti pa
roon, ito ay istihádah.
Ang panahong walang regla sa
pagitan ng dalawang regla.
Labingtatlong araw. Kaya kung lumitaw ang dugo bago
nalubos ang labingtatlong araw, ito ay istihádah.
Ang karaniwang haba ng
panahong walang regla.
Dalawampu’t tatlo o dalawampu’t apat na araw.
Ang pagdurugo ba sa panahon
ng pagbubuntis ay regla?
Ang anumang lumalabas sa babaeng buntis na dugo o
likidong matingkad na kayumangi o likidong manilaw-
nilaw, ito ay istihádah.
Kailan malalaman ng nireregla
na huminto na ang regla niya?
Ang mga babae ay dalawang uri:
1.
Sa pamamagitan ng
white discharge
2
kung nakikita niya ito;
2.
Sa
pamamagitan ng panunuyo (dryness) ng ari: walang
dugo ni likidong matingkad na kayumanggi ni likidong
manilaw-nilaw kung siya ay kabilang sa hindi
nakakikita ng white mens.
Ang lumalabas sa ari ng babae
na mga likido sa panahon na
walang regla.
Kung ito ay likidong malinaw o kulay puti na malagkit,
ito ay táhir. Kung ito ay dugo o likidong matingkad na
kayumanggi o likidong manilaw-nilaw, ito ay najis.
Ang lahat ng ito ay nakasisira ng wudú’. Kung
nagpatuloy ito sa paglabas, ito ay istihádah.
Ang likidong matingkad na
kayumanggi at ang likidong
manilaw-nilaw mula sa ari.
Kung ito ay karugtong ng regla, bago o matapos ang
regla, ito ay ituturing na regla. Kung ito hindi
karugtong, ito ay istihádah.
Ang babaeng may regular na mga
araw ng regla sa bawat buwan
ngunit tumigil ang regla bago
nalubos ang regular na bilang.
Ituturing na tumigil ang regla niya kapag nahinto na
ang dugo at nakita niya na ang panunuyo kahit pa man
hindi natapos ang bilang ng regla niya na nakasanayan
niyang nakikita ang regla.
1
Ang regla ay dugong likas na lumalabas sa malusog na babae at hindi dahil sa panganganak. Ang
istihádah ay ang paglabas ng dugo sa ari ng babae nang wala sa panahon ng regla dahilan sa
karamdaman o disorder. Ang pagkakaiba sa pagitan ng regla at istihádah ay:
1.
ang dugo ng regla
ay kulay pulang halos nangitim-ngitim samantalang ang dugo ng istihádah ay matingkad na pula
na para bagang ito ay dugo ng balinguyngoy (nosebleed);
2.
ang dugo ng regla ay malapot na
maaaring nasasamahan ng mga namumuong dugo samantalang ang dugo ng istihádah naman ay
malabnaw na dumadaloy na para bagang ito ay sugat na may tumutulong dugo;
3.
ang dugo ng
regla ay may masangsang na amoy kadalasan samantalang ang dugo ng istihádah ay may amoy na
gayo ng amoy ng karaniwang dugo. Ipinagbabawal sa panahon ng pagreregla ang ilang bagay na
ang sumusunod ay ang ilan: ang pakikipagtalik, ang pagdidiborsiyo, ang saláh, ang pag-aayuno,
ang tawáf, ang pagbabasa ng Qur’an, ang pagsaling ng Qur’an, at ang pananatili sa loob ng masjid.
2
Ito ay puting likidong lumalabas sa ari sa panahon na walang regla. Ito ay táhir ngunit nakasisira
sa wudú’.
121
Ang maagang pagdating
o ang huling pagdating ng
regla sa nakagawiang
panahon.
Ang anumang luminaw rito na mga katangian ng regla, ito ay
regla sa anumang oras sa kundisyong may higit sa 13 araw
(ang pinakamaikling panahon na walang regla) sa pagitan ng
dalawang paglabas ng dugo dahil kung hindi, ito ay istihádah.
Kapag nadagdagan o nabawasan ang
nakagawiang bilang ng araw ng regla.
Ito ay regla sa kundisyong hindi lalabis sa
pinakamahabang pagreregla (15 araw).
Kapag nilabasan
ang babae ng
dugo sa loob ng
matagal na
panahon gaya ng
isang buwang buo
o higit pa.
Ang babae ay may ilang kalagayan:
1.
Ang babaeng nakaaalam sa
panahon ng pagreregla niya sa isang buwan at sa bilang ng mga araw
nito ay magtuturing na nagreregla alinsunod sa nakagawiang bilang ng
araw at panahon at walang ipinagkaiba kung ang dugo nito ay
nakikilala o hindi nakikilala;
2.
Ang babaeng nakaaalam sa panahong
ng pagreregla niya sa isang buwan ngunit hindi nakaaalam sa bilang ng
mga araw nito ay magtuturing na nagreregla ng 6 o 7 araw (ang
kadalasang pagreregla) sa mismong mga araw na nalalaman niyang
nireregla siya;
3.
Ang babaeng nakaaalam sa bilang ng mga araw ng
pagreregla niya ngunit hindi nakaaalam sa oras ng pagdating nito sa
isang buwan ay magtuturing na nagreregla ayon sa bilang ng araw na
nalalaman niya sa simula ng bawat buwan ng kalendaryo ng Islam.
Ang Nifás
1
Ang Usapin
Ang Patakaran
Kapag nagsilang ang
babae at hindi nakakita
ng lumalabas na dugo.
Hindi ito nasasakop ng mga patakaran kaugnay sa mga
babaeng may nifás, hindi kinakailang magsagawa ng ghusl, at
hindi masisira ang pag-aayuno niya.
Kapag nakakita ng
mga tanda ng nalalapit
na panganganak.
Ang nakikita niya na lumalabas na dugo o tubig kasama ng
pananakit ilang sandali bago magsilang ay hindi nasasakop ng
mga patakaran kaugnay sa nifás. Bagkus ito ay istihádah.
Ang dugo na lumalabas
sa babae sa sandali ng
pagsisilang.
Ang dugong ito ay dugo ng nifás, kahit pa man hindi lumabas
ang bata o lumabas ang ilang bahagi ng bata. Hindi
kinakailangang magsagawa ng qadá’
2
para sa isang saláh na
nagdaan sa babae sa panahong ito.
Kailan nagsisimula ang pagbilang
ng mga araw ng nifás?
Matapos na nailuwal nang buo ang sanggol mula
sa sinapupunan ng ina nito.
Ano ang
pinakakaunting
bilang ng mga araw
ng nifás?
Walang takda sa pinakakaunti nito. Kaya kung sakaling nagsilang
siya at pagkatapos ay tumigil ang pagdurugo niya matapos niyon
kaagad, kailangang magsagawa siya ng ghusl at magsagawa ng
saláh at hindi na niya hihintaying mabuo ang 40 araw.
Ano ang
pinakamaraming
bilang ng mga araw
ng nifás
Apat na pung araw. Kaya kapag lumabis ay hindi ituturing na
nifás. Kailangang magsagawa ng ghusl at saláh maliban kung
natapat ang labis na pagdurugo sa panahon ng pagreregla niya
bago nagdalang-tao.
Ang babaeng nagsilang
ng kambal o higit pa.
Nagsisimula ang bilang ng mga araw ng nifás matapos
mailuwal ng babae ang unang sanggol.
1
Ang pagdurugo bago o matapos magsilang.
2
Pagsasagawa ng mga nakaligtaang pagsamba, gaya ng saláh o pag-aayuno, sa ibang oras o ibang
araw bilang kabayaran.
Dostları ilə paylaş: |