118
ng paligo ay sa pamamagitan ng siyam na gawain:
1.
maglalayon,
2.
sasambit ng
bismilláh,
3.
maghuhugas ng mga kamay bago sumaling ang mga ito ng tubig na nasa
sisidlan,
4.
huhugasan ang ari at anumang nadumihan nito,
5.
magsasagawa ng wudú’,
6.
magbubuhos sa ulo nang tatlong ulit,
7.
lulubusin ang pagbubuhos ng tubig sa
katawan,
8.
kukuskusin ng mga kamay ang katawan,
9.
at magsisimula sa mga kanang
bahagi ng katawan.
Ipinagbabawal sa isang may maliit na hadath:
1.
ang pagsaling
ng Qur’an,
2.
ang pagsasagawa ng saláh,
3.
ang pagsasagawa ng tawáf. Ipinagbabawal
naman sa may malaking hadath karagdagan sa naunang nabanggit:
4.
ang pagbabasa
ng Qur’an,
5.
ang pananatili sa masjid. Kinasusuklaman ang pagtulog ng isang junub
nang walang wudú’ at ang pagsasayang sa paggamit ng tubig sa ghusl.
Ang Tayammum.
Ang mga kundisyon nito:
1.
Ang kawalan ng tubig,
2.
Na
isasagawa ito sa pamamagitan ng táhir na lupa, ipinahihintulot gamitin, may
alabok, at hindi nasunog. Ang mga sandigan nito: Ang pagpupunas sa buong
mukha, pagkatapos ay ang pagpupunas sa mga kamay hanggang sa galanggalangan
(wrist bone), at ang pagkakasunud-sunod, ang pagkatuluy-tuloy.
Ang mga nakasisira rito.
1.
Lahat ng nakasisira sa wudú’,
2.
Ang pagkakaroon ng
tubig kung nagsagawa ng tayammum dahil sa kawalan ng tubig,
3.
Ang paglaho ng
dahilang nagpapahintulot sa pagsasagawa nito gaya ng isang nagsagawa ng
tayammum dahil sa karamadaman at gumaling na.
Ang mga Sunnah rito:
1.
Ang pagkasunud-sunod at pagkatuluy-tuloy para sa
tayammum dahil sa malaking hadath,
2.
Ang pag-aantala nito hanggang sa huling
sandali ,
3.
Ang pagsambit ng dhikr para sa wudú’ pagkatapos nito.
Ang mga kinasusukalaman dito: Ang pag-ulit-ulit ng pagtapik sa lupa.
Ang pamamaraan nito:
Na maglalayon, pagkatapos ay sasambitin ang bismilláh,
tatapikin ang lupa ng mga kamay nang iisang ulit, pagkatapos ay ipapahid sa
mukha muna sa pamamagitan ng paghaplos ng mga palad sa mukha at balbas,
pagkatapos ay papahiran ang mga palad, papahiran ang ibabaw ng kanang kamay
ng palad ng kaliwang kamay, papahiran ang ibabaw ng kaliwang kamay ng palad
ng kanang kamay.
Ang pag-aalis ng najásah.
Ang tatlong bagay na najis:
Mga hayop.
Dalawang uri ito:
1. Najis:
ang aso, ang baboy, ang nanggaling sa
mga ito, at anumang hindi ipinahihintulot kainin na mga ibon at mga hayop na higit
na malaki kaysa sa pusa. Sa uring ito ng mga hayop, ang ihi nito, ang dumi nito,
ang laway nito, ang pawis nito, ang punlay nito, ang gatas nito, ang sipon nito, at
ang suka nito ay najis.
2. Táhir.
Ito ay tatlong uri:
A. Ang tao.
Ang punlay nito,
ang pawis nito, ang laway nito, ang gatas nito, ang sipon nito, ang plema nito, at
ang pamamasa sa ari ng babae nito ay táhir. Gayon din lahat ng mga bahagi ng
katawan at mga inilalabas nito maliban sa ihi, dumi, madhy, wady,
1
at dugo, ang
mga ito ay najis.
B.
Ang lahat ng hayop na ipinahihintulot kainin, ang laman nito,
ang ihi nito, ang dumi nito, ang punlay nito, ang gatas nito, ang pawis nito, ang
1
Ito ay malapot na puting likido na lumalabas sa ari matapos umiihi.
119
laway nito, ang sipon nito, ang suka nito, ang madhy nito, ang wady nito ay táhir.
C.
Ang hayop na mahirap iwasan gaya ng asno, pusa, daga, at tulad nito, ang laway
nito at ang pawis nito lamang ang táhir.
Ang maytah.
1
Lahat ng ito ay najis maliban sa patay na tao, isda, balang, at
anumang walang likidong dugo gaya ng alakdan, langgam, at lamok.
Ang mga bagay na walang buhay. Ang mga ito ay táhir gaya ng lupa, mga bato, at mga
tulad nito. (Hindi kasama rito ang bawat walang buhay na mula sa naunang nabanggit.)
Paalaala:
Ang dugo. Ang naknak, at ang nana ay najis. Mapagpapaumanhinan
sa pagsasagawa ng saláh at iba pa ang kaunting bahid nito kapag nanggaling sa
hayop na táhir. Ang dugo ay táhir sa dalawang uri:
1.
isda, at
2.
anumang dugo na
natira sa karne at mga ugat nito mula sa hayop na kinatay. Ang anumang naputol
na bahagi ng katawan mula sa isang buhay na hayop na ipinahihintulot kainin at ang
bilig (fetus), lahat ito ay najis.
Ang pag-aalis ng najásah ay hindi
nangangailangan ng layunin kaya kung naglaho dahil sa ulan, halimbawa, ito ay
nagiging táhir. Ang pagkasaling ng najásah sa pamamagitan ng kamay o ang
paglalakad sa ibabaw nito ay hindi nakasisira sa wudú’ ang kinakailangan lamang
ay alisin ito at alisin ang anumang bumahid sa katawan at mga damit. Ang
najásah ay nagiging táhir alinsunod sa mga kundisyon:
1.
Na huhugasan ng tubig na
nakalilinis,
2.
Na pipigain ang bagay na hinuhugasan sa labas ng tubig kung ang
tulad nito ay napipiga,
3.
Na maglalaho ang najásah sa pamamagitan ng pagkuskos
at ng tulad nito kapag hindi nakasasapat ang paghuhugas,
4.
Na huhugasan ng
pitong ulit at ang ikawalo ay may kasamang lupa o sabon kung ang najásah ay
galing sa aso.
Babala:
Ang najásah sa lupa kung likido gaya ng ihi ay makasasapat na buhusan
ng tubig hanggang sa maglaho ang najásah, ang kulay nito, at ang amoy nito. Kung
ito naman ay solido gaya ng tae, kailangang alisin ang solidong najis at alisin ang
bakas nito. Kapag imposibleng maalis ang najásah kung hindi sa pamamagitan
ng tubig, kailangang hugasan ito sa tubig. Kung nakakubli sa kinalalagyan ang
najásah, huhugasan ang kinalalagyan hanggang sa matiyak na nahugasan. Ang
sinumang nagsagawa ng wudú’ para sa pagsasagawa ng saláh na náfilah ay
ipinahihintulot na magsagawa sa pamamagitan ng wudú’ na ito ng saláh na
isinatungkulin. Wala nang gagawing istinjá’ ang nakatulog o umutot dahil ang
utot ay hindi najis; ang kailangan na lamang niyang gawin ay wudú’ kapag ninais
niyang magsagawa ng saláh at ng tulad nito.
1
Kung tao ang tinutukoy nito, ang ibig sabihin nito ay bangkay; kung ang tinutukoy nito ay hayop,
ang ibig sabihin nito ay ang hayop na namatay nang hindi kinakatay ayon sa Islam.
Dostları ilə paylaş: |