186
33
Ang pagsambit ng
subhána -lláh, alhamdu
lilláh, at Alláhu akbar
nang tig-33 ulit at ang
pangwakas ay ang
pagsambit ng lá iláha illa
-lláh pagkatapos ng
saláh na isinatungkulin
Ang sinumang nagluluwalhati kay Allah
1
sa pagkatapos
ng bawat saláh nang tatlumpu’t tatlong ulit, nagpupuri
kay Allah
2
nang tatlumpu’t tatlong ulit, at nagdakila kay
Allah
3
nang tatlumpu’t tatlong ulit – kaya iyon ay
siyamnapu’t siyam – at nagsabi sa ikalulubos na isang
daan ng lá iláha illa -lláh wahdahu lá sharíka lah, lahu
-lmulku wa lahu -lhamdu wa huwa ‘alá kulli shay’in
qadír
4
ay
patatawarin ang mga kamalian niya kahit pa
man ang mga iyon ay tulad ng mga bula ng dagat.
34
Ang pagbigkas ng
áyatulkursí sa pagkatapos
ng saláh na isinatungkulin
Ang sinumang bumigkas ng áyatulkursí sa pagkatapos
ng saláh na isinatungkulin ay
walang nakapigil sa
kanya sa pagpasok sa Paraiso kundi ang mamatay.
35
Ang
pagdalaw
sa
maysakit
Kapag may isang Muslim na dumalaw sa isa pang Muslim [na maysakit] ay
dadalangin ng kapatawaran para sa kanya ang pitumpung libong anghel
hanggang sa gumabi, at kung dinalaw niya ito sa gabi ay
dadalangin ng
kapatawaran para sa kanya ang pitumpung libong anghel hanggang sa
mag-umaga. Magkakaroon siya ng hardin sa Paraiso.
36
Ang sinumang nanindigan sa
adhikain ng Tawhíd at
namatay sa gayong kalagayan
Walang tao na nanindigang walang [totoong]
Diyos kundi si Allah at pagkatapos ay namatay sa
gayong kalagayan malibang
papasok sa Paraiso.
37
Ang sinumang dumamay sa
isang dinapuan ng kasawian
Ang sinumang dumamay sa isang dinapuan ng
kasawian ay
magkakaroon siya ng katulad na
kabayaran [sa pagtitiis] niyon.
38
Ang pagpapaligo sa patay at
ang paglilihim sa kasiraan
nito
Ang sinumang nagpaligo sa isang patay at naglihim
[sa kasiraan] nito ay
patatawarin siya ni Allah nang
apatnapung ulit.
39
Ang pagdalo sa saláh para
sa patay at pagkatapos
ang pakikipaglibing
hanggang sa libingan
hanggang sa malibing
ito
Ang sinumang dumalo sa paglilibing hanggang sa dasalan
ito ay magkakamit ng isang qírát, at ang sinumang dumalo rito
hanggang sa mailibing ito ay magkakamit siya ng dalawang
qírát. Sinabi: Ano ang dalawang qírát? Sinabi niya:
[Gantimpalang] gaya ng dalawang malaking bundok.
Talaga ngang nagpalampas kami ng maraming qírát.
40
Ang pagpapatayo ng
mga masjid para kay
Allah
Ang sinumang nagpatayo para kay Allah ng isang masjid
kahit pa man gaya ng isang pugad ng qatáh
5
ay
magpapatayo
si Allah para sa kanya ng isang bahay sa Paraiso.
41
Ang
paggugol
sa
kabutihan
Walang araw na inumaga ang mga tao dito malibang may dalawang anghel
na bumababa at nagsasabi ang isa sa kanila:
O Allah, magbigay Ka sa
isang gumugugol ng isang kapalit; samantalang nagsasabi naman ang isa
pa:
O Allah, magbigay ka sa isang nagmamaramot ng pagkawasak.
1
Nagsasabi ng subhána -lláh (kaluwalhatian kay Allah).
2
Nagsasabi ng alhamdu lilláh (ang papuri ay ukol kay Allah).
3
Nagsabi ng Alláhu akbar (si Allah ay pinakadakila).
4
Walang Diyos kundi si Allah, nag-iisa Siya: wala Siyang katambal. Ukol sa Kanya ang paghahari at
ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay makapangyarihan. Ang papuri ay ukol kay
Allah; Kaluwalhatian kay Allah; at Si Allah ay dakila; Walang kapangyarihan at walang lakas
kundi sa pamamagitan ni Allah. Pagkatapos ay nagsabi ng O Allah patawarin Mo ako.
5
Sand grouse sa Ingles.
187
42
A
ng
k
aw
an
gg
aw
a
Hindi nakabawas ang isang kawanggawa mula sa yaman. Walang idinagdag si Allah
sa isang tao na nagpapaumanhin kundi karangalan. Walang isang nagpakumbaba
kay Allah malibang inangat siya ni Allah.
Nadaig ng isang dirham ang isang daang libong [dirham]. Nagsabi sila: O
Sugo ni Allah, papaano?Sinabi niya: May isang lalaki na may dalawang dirham.
Kumuha siya ng isa sa dalawa at nagkawanggawa siya sa pamamagitan nito.
May isang lalaki naman na may maraming yaman. Kumuha siya mula sa yaman
niya ng isang daang libong [dirham] at nagkawanggawa siya sa pamamagitan
nito.
43
Ang pautang
na walang mga
tubo
Kapag ang isang Muslim ay nagpapautang sa isang Muslim nang
dalawang ulit,
iyon ay magiging gaya ng kawanggawa sa unang
pagkakataon.
44
Ang
pagpapatawad
sa
pagkakautang
ng nagigipit
May isang lalaki noon na nagpapautang sa mga tao. Sinasabi niya
noon sa utusan niya: “Kapag pinuntahan ka ng isang nagigipit ay
patawarin mo siya sa pagkakautang nang harinawa si Allay ay
magpatawad sa atin sa pagkakautang.
Kaya noong nakatagpo niya
si Allah ay pinatawad siya sa pagkakautang.
45
Ang pag-aayuno ng
isang araw alang-
alang kay Allah
Ang sinumang mag-ayuno ng isang araw alang-alang kay
Allah ay
ilalayo ni Allah ang mukha niya sa Apoy nang
pitumpung taon.
46
Ang pag-aayuno ng
tatlong araw bawat
buwan, sa araw ng
‘Arafah, at sa araw
ng ‘Áshúrá’.
Ang pag-aayuno ng tatlong [araw] sa bawat buwan ay pag-
aayuno ng buong taon.
Tinanong [ang Sugo] tungkol sa pag-aayuno sa araw ng
‘Arafah kaya sinabi niya:
Nagtatakip-sala ito sa taong
nagdaan at darating.
Tinanong [ang Sugo] tungkol sa pag-aayuno sa araw ng ‘Áshúrá’
kaya sinabi niya:
Nagtatakip-sala ito sa taong nagdaan.
47
Ang pag-aayuno ng
anim na araw sa
buwan ng Shawwál
Ang sinumang nag-ayuno sa Ramadán at pagkatapos ay
pinasundan niya ito ng anim na araw [na pag-aayuno] sa
Shawwál,
ito ay magiging gaya ng pag-aayuno ng isang taon.
48
Ang saláh na taráwíh
kasama ng imám
hanggang sa matapos
Tunay na ang lalaki kapag nagdasal kasama ng imám
hanggang sa umalis ito ay
magtutuos para sa kanya ng
gantimpala ng qiyámullayl.
49
Ang Hajj na
tinanggap
Ang sinumang nagsagawa ng Hajj at hindi gumawa ng kahalayan
at hindi sumuway ay
babalik siya na gaya ng araw na isinilang siya
ng ina niya.
Ang hajj na tinanggap [ni Allah] ay walang gantimpala
kundi ang
Paraiso.
50
Ang ‘umrah sa
Ramadán
Ang isang ‘umrah sa Ramadán ay
nakatutumbas ng isang hajj o
isang hajj kasama ko.
51
Ang matuwid
na gawain sa
unang
sampung araw
ng buwan ng
Dhulhijjah
Walang mga araw na ang matuwid na gawain sa mga iyon ay
higit na
kaibig-ibig para kay Allah kaysa sa mga araw na ito. Tinutukoy niya
ang mga araw ng unang sampung [araw ng Dhulhijjah]. Sinabi nila:
O Sugo ni Allah, pati na ang pakikibaka sa landas ni Allah? Sinabi
niya: Pati na ang pakikibaka sa landas ni Allah, maliban sa isang
lalaki na humayo [sa pakikibaka] sa pamamagitan ng sarili niya at
yaman niya at hindi bumalik mula roon na may dalang anuman.
Dostları ilə paylaş: |