Ang Kahulugan ng Huling Ikasampung Bahagi ng Marangal na Quran



Yüklə 5,39 Kb.
Pdf görüntüsü
səhifə71/98
tarix16.11.2017
ölçüsü5,39 Kb.
#10379
1   ...   67   68   69   70   71   72   73   74   ...   98

 
150 
  Isinasatungkulin  sa  asawa  na  gumugol  sa  maybahay  niya  sa  lahat  ng 
pangangailangan ng maybahay niya gaya ng pagkain, inumin, kasuutan, at tirahan 
ayon sa nakabubuting kalakaran. 
 
Ang  Diborsiyo.
  Ipinagbabawal  na  diborsiyuhin  ang  babae  sa  panahong  may 
regla o nifás. Ipinagbabawal ding diborsiyuhin ang babe sa panahong wala ngang 
regla ngunit nakipagtalik sa kanya, ngunit kung sakaling diniborsiyo ay may bisa 
ito.  Ipinagbabawal  ang  diborsiyo  kung  hindi  kailangan.  Ipinahihintulot  ito  kung 
kailangan. Sunnah ang diborisyo para sa isang mapipinsala dahil sa pag-aasawa.
1
 
Hindi isinasatungkuling tumalima sa mga magulang sa usapin ng diborsiyo. Ang 
sinumang  nagnais  na  magdiborsiyo  sa  maybahay  ay  ipinagbabawal  sa  kanya  na 
diborsiyuhin  nang  higit  sa  isang  ulit.
2
  Kinakailangang  ang  babae  ay  nasa 
kalagayang  hindi  siya  inatalik  ng  lalaki  mula  ng  tumigil  ang  regla  niya. 
Didiborsiyuhin  niya  ito  nang  isang  ulit  at  hindi  na  siya  magsagawa  rito  ng 
karagdagang diborsiyo hanggang sa hindi natapos ang ‘iddah
3
 nito. Ipinagbabawal 
sa  babaeng  nasa  ilalim  ng  diborsyong  raj‘í
4
  na  lumabas  sa  bahay  [kung  hindi 
kailangan], o palabasin siya ng lalaki, bago matapos ang ‘iddah. Ang diborsiyo ay 
magaganap  sa  pamamagitan  ng  pagbigkas  at  hindi  magaganap  sa  pamamagitan 
lamang ng pagkakaroon ng gayong hangarin lamang. 
 
Ang  iddah.  Ang  mga  uri:
 
1.
  Ang  nagdadalang-tao.  Ang  ‘iddah  nito  kapag 
diniborsiyo  o  namatayan  ng  asawa  ay  hanggang  sa  maisilang  niya  ang  dinadala 
niya. 
2.
 Ang hindi nagdadalang-tao na namatayan ng asawa ay may ‘iddah na apat 
na  buwan  at  sampung  araw. 
3.
  Ang  dinoborsiyo  habang  may  regla  pa  ay  may 
‘iddah  na  tatlong  pagreregla. 
4.
  Ang  diniborsiyo  na  hindi  na  nagreregla 
(menopause) ay may ‘iddah na tatlong buwan. Ang babaeng nasa sandali ng ‘iddah 
dahil sa diborsiyong raj‘í ay kinakailangan manatili kasama ng asawa sa panahon 
ng ‘iddah at ipinahihintulot sa asawa na makita ang anumang naisin nito sa kanya 
at makipagsarilinan sa kanya hanggat hindi natatapos ang ‘iddah, nang harinawa si 
Allah ay magpakasundo sa kanila. Magaganap ang pagkakabalikan sa pamamagitan 
ng pagsabi ng lalaki na babalikan na niya ito o sa pamamagitan ng pakikipagtalik  
niya rito. Hindi kinakailangan sa pagbabalikan ang pagsang-ayon ng babae.
5
 
 
Ang mga panunumpa.
 May apat na kundisyon upang magsagawa ng kaffárah 
sa sumpaang hindi natupad. 
1.
 Ang paglalayong magsasagwa ng panunumpa. Kaya 
                             
 
1
 Halimbawa: natuklasan ng isang babae na may AIDS ang asawa niya. 
2
 Ang pagdidiborsiyo sa Islam ay nagaganap kapag sinabi ng lalaki sa may bahay niya: Anti táliq 
(Ikaw  ay  diniborsiyo).  Isang  ulit  lamang  itong  sasabihin  dahil  kapag  nasabi  ito,  kahit  pabiro 
lamang, ay may bisa na agad ito. 
3
 Ang ‘iddah ay ang panahon ng pahihintay. Sa panahong ito ay hindi pa maaaring mag-asawa ang 
babaeng diborsiyada o nabalo. Kapag natapos na ang ‘iddah ay saka pa lamang lubusang naging 
diborsiyada  ang  babae  at  maaaring  mag-asawang  muli.  Gayon  din  ang  balo,  kailangang  tapusin 
muna ang ‘iddah bago maaaring mag-asawang muli. 
4
  Ang  diborsiyong  raj‘í  ay  ang  diborsiyong  maaari  pang  magkabalikan  ang  dalawa  nang  hindi 
kailangang mag-asawa muna ang babae ng ibang lalaki. 
5
 Kung talagang ayaw nang makipagbalikan ng babae ay hihiling siya sa hukuman ng Shar‘íah ng 
diborsiyong tinatawag na khul‘ (pakikipagkalas). 


151 
hindi  ito  nauukol  sa  sinabi  sa  pamamagitan  ng  dila  nang  walang  paglalayong 
sumumpa at tinawag iyon na nadulas na panunumpa, gaya ng pagsabi ng: “Hindi, 
sumpa man kay Allah” o “Oo, sumpa man kay Allah” sa sandali ng pagkakamali sa 
pananalita. 
2.
  Ang  sinumpaan  ay  anumang  posibleng  mangyayari  sa  hinaharap. 
Kaya hindi ito nauukol sa isang nangyari na hindi naman nalalaman, o nag-aakala 
sa pagsasabi ng sarili ng totoo, nagsisinungaling sa kabila ng pagkakaalam (ito ay 
bulaang panunumpa at kabilang sa mga malaking pagkakasala), o nanunumpa para 
sa  gagawin  sa  hinaharap  sa  pag-aakalang  nagsasabi  ang  sarili  ng  totoo  ngunit 
lumitaw ang salungat sa akala. 
3.
 Na ang sumusumpa ay may kalayaang pumili at 
hindi  napipilitan. 
4.
  Na  sisira  sa  sinumpaan  sa  pamamagitan  ng  paggawa  ng 
sinumpaang  hindi  gagawin  o  ng  hindi  paggawa  ng  sinumpaang  gagawin.           
Ang sinumang sumumpa at nagpasubali
 ay hindi isinasatungkulin sa kanya na 
magsagawa ng kaffárah alinsunod sa dalawang kundisyon: 
1.
 Ang pagkadugtong 
ng  pasubali
1
  sa  panunumpa,
2
  at 
2.
  na  nilalayon  na  isalalay  ng  katuparan  ng 
panunumpa  sa  pasubali,  gaya  ng  pagsabi  ng  ganito:  “Sumpa  man  kay  Allah, 
gagawin ko kung loloobin ni Allah.” Ang sinumang sumumpa na gagawa ng isang 
bagay  ngunit  nakita  niya  na  ang  kapakanan  ay  humihiling  ng  salungat  sa 
sinumpaan, ang Sunnah ay hindi tuparin ang sinumpaan, magsagawa ng kaffárah, 
at gawin ang higit na mabuti. Ang kaffárah sa panunumpang hindi tinupad ay ang 
pagbibigay  ng  pagkain  sa  sampung  dukha  na  isang  kilo’t  kalahating  bigas,
3
  o 
magbigay ng kasuutan sa kanila, o magpalaya ng isang alipin. Ang sinumang hindi 
makahanap nito ay kailangang mag-ayuno ng tatlong araw na magkakasunod. Ang 
sinumang nag-ayuno sa kabila ng kakayahang magbigay ng pagkain o kasuutan sa 
mga dukha ay hindi naalisan ng pananagutan niya. Ipinahihintulot na magsagawa 
ng kaffárah bago sumira sa sinumpaan o matapos sumira. Ang sinumang sumumpa 
nang higit sa isang ulit na gagawin niya ang isang bagay ay makasasapat na para sa 
kanya na magsagawa ng isang kaffárah para sa paglabag niyon. Kung dumami ang 
panunumpa ay darami rin ang kaffárah para sa paglabag ng mga iyon. 
 
Ang pamamanata
4
 
ay ilang uri.
 
1. Ang lubos na panata
 gaya ng pagsabi ng: 
“May panata ako kay Allah kung pagagalingin niya ako” at nanahimik na lamang at 
hindi na naglayon ng isang takdang panata ay kailangang magsagawa ng kaffárah sa 
panunumpa  kapag  natupad  ang  paggaling. 
2.  Ang  panata  dala  ng
 
silakbo  ng 
damdamin at galit:
 isasalalay ang panata sa isang kundisyon kalakip ng layuning 
magpipigil sa paggawa ng isang bagay o magpupumilit sa paggawa niyon gaya ng 
pagsabi ng ganito: “Kapag kinausap kita ay kailangan kong mag-ayuno ng isang 
taon.” Ang hatol dito ay mamimili sa pagitan ng pagsasagawa sa inobliga sa sarili o 
magsasagawa ng kaffárah para sa panunumpa pagkatapos ng pagsasabi niya. 
3. Ang 
panatang ipinahihintulot,
 tulad ng pagsasabi ng ganito: “Isinusumpa ko kay Allah 
                             
 
1
 Ang pagsabi ng maliban o kung hindi. 
2
 Halimbawa: Sumpa man kay Allah, hindi ko siya tutulungan kung hindi siya magbabago. 
3
 O mais o trigo, ayon sa pangunahing pagkain ng lugar. 
4
  Ang  pamamanata  ay  ang  pagsumpa  na  gagawin  ang  isang  bagay  kapag  natupad  ang  isang 
ninanais. 


Yüklə 5,39 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   67   68   69   70   71   72   73   74   ...   98




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə