Ang Kahulugan ng Huling Ikasampung Bahagi ng Marangal na Quran



Yüklə 5,39 Kb.
Pdf görüntüsü
səhifə79/98
tarix16.11.2017
ölçüsü5,39 Kb.
#10379
1   ...   75   76   77   78   79   80   81   82   ...   98

 
166 
niya dahil ang pagkakaalam sa pangalan o ang kawalan ng kaalaman ay hindi makapagbabago ng 
anuman sa pagpapagaling.   Ang paghingi ng anuman mula sa mga kasuutan ng maysakit gaya 
ng damit o kamiseta. 
 
 
Maaaring humingi sa maysakit ng isang hayop na may mga takdang 
katangian upang ialay sa jinn. 
 
 
Ang pagsusulat at ang pagbabasa ng mga bulong na hindi 
maunawaan at walang kahulugan. 
 
 
Ang pagbibigay sa maysakit ng isang papel na may 
nakasulat na mga kuwadrado na sa loob ng mga ito ay may mga titik at mga numero. Tinatawag 
ito na hijáb
1
 [sa Arabe]. 
 
 
Ang pag-uutos sa maysakit na humiwalay sa mga tao sa loob ng ilang 
panahon sa loob ng isang madilim na silid. Tinatawag ito na hajbáh [sa Arabe].  
 
 
Ang pag-
uutos sa maysakit na huwag sumaling ng tubig sa loob ng isang takdang panahon. 
 
 
Ang 
pagbibigay sa maysakit ng isang bagay na ililibing niya sa lupa o isang papel na susunugin niya 
at ipampapausok niya. 
 
 
Ang pagpapabatid sa maysakit ng ilan sa mga kaalamang ukol lamang 
sa kanya na hindi nalalaman ng iba o ng pangalan niya, ng bayan niya, at ng sakit niya bago pa 
man siya nagsalita. 
 
 
Ang pagsusuri sa kalagayan ng maysakit pagkakilala sa kanya sa 
pamamagitan lamang ng pagpasok sa kinaroroonan niya o ng telepono o ng sulat. 
 Ang paniniwala ng Ahlussunnah ay na ang jinn ay nakasasanib sa tao at ang 
patunay ay ang sabi ni Allah: 
Ang mga nakikinabang sa pagpapatubo sa utang 
ay hindi babangon kundi gaya ng pagbangon ng ibinubuwal ng Demonyo 
dahil sa pagkabaliw.
2
 Nagkaisa ang mga mufassir
3
 na ang tinutukoy rito na 
pagkabaliw sa áyah na ito ay ang kabaliwang dulot ng demonyo na dumadapo sa 
tao dahil sa pagsanib ng jinn sa kanya.  
Aral:
 Ang inggit ay ang pagmimithi ng paglaho ng biyaya sa iba. Kadalasang ang 
usog ay mula sa inggit. Ito ay kabilang sa napakalaki sa mga pagkakasala. Bagkus 
ay ito ang saligan ng mga pagkakasala at kauna-unahan sa kasalanang 
ipinangsuway kay Allah sapagkat umayaw si Satanas na magpatirapa kay Adan 
dala ng inggit sa kanya at si Abel ay pumatay sa kapatid niya dala rin ng inggit. 
Ang lunas sa inggit ay ang malaman ang kabigatan ng pagkakasala, na ito ay 
lumalamon sa mga gawang maganda gaya ng paglamon ng apoy sa gatong. 
 Ang ibinigay ni Allah sa iba ay batay sa pagtatakda Niya at karunungan Niya 
kaya ang kawalan ng kasiyahan doon ay isang pagtutol kay Allah at kahinaan ng 
pananampalataya sa tadhana at takda. 
 Ang pagsabi mo ng má shá’a -lláh báraka -lláhu lak
4
 pagkakita mo ng anumang 
hinahangaan mo ay isang patunay sa kabutihan ng kalooban mo. 
 Ang pagkakaalam sa gantimpala ng pag-iwan sa inggit sapagkat ang sinumang 
natulog samantalang sa puso niya ay walang pagkainggit sa isa man, ang gantimpala sa 
kanya ay malaki. Napagtibay na ang Propeta 
(SAS)
 ay nagpalugod sa isa sa mga Sahábíy 
sa pamamagitan ng pagbalita ng pagpasok sa Paraiso sapagkat natulog sa bahay niya si 
‘Abdulláh ibnu ‘Amr [nang hindi nakadama ng inggit] at tiniyak niya na iyon ang 
dahilan ng paghahatid sa kanya ng nakalulugod na balita ng pagpasok sa Paraiso. 
                             
 
1
 Wala itong kinalaman sa hijáb ng babae. 
2
 Qur’an 2:275. 
3
 Dalubhasa sa pagpapaliwanag ng Qur’an. 
4
 [Nangyari] ang niloob ni Allah at pagpalain ka ni Allah. 


167 
Ang lahat ng mga nilikha ay mga nagdarahop kay Allah at mga nangangailangan 
sa anumang nasa Kanya, samantalang Siya ay walang-pangangailangan sa kanila at 
hindi nangangailangan sa kanila. 
 
Isinatungkulin ni Allah sa mga lingkod Niya ang pagdalangin, kaya naman sinabi 
Niya  (40:60): 
“Dumalangin kayo sa Akin, tutugunin Ko kayo; tunay na ang 
mga  nagmamalaki  sa  pag-ayaw  sa  pagsamba  sa  Akin  ay  magsisipasok  sa 
Impiyerno  na  mga  hamak.”  Ang  ibig  sabihin  ng  pagsamba  sa  Akin  ay 
pagdalangin sa Akin. Nagsabi ang Propeta 
(SAS)


Ang sinumang hindi humiling 
kay Allah ay kagagalitan Niya.
 
Isinalaysay  ito  ni  Imám  Ibnu  Májah
. Kalakip nito, si 
Allah ay natutuwa sa paghiling ng mga lingkod Niya sa Kanya. Iniibig Niya ang 
mga mapilit sa Kanya at inilalapit Niya sila sa Kanya. 
Talaga  ngang  nadama  ng  mga  Kasamahan  ng  Propeta 
(SAS)
  ang  bagay  na  ito 
sapagkat may isa sa kanila na hindi nagmamaliit ng anumang hihilingin niya kay 
Allah.  Hindi  rin nila idinudulog ang  mga hiling  nila  sa isa sa mga nilikha Niya. 
Walang ibang dahilan iyon kundi dahil sa pagkahumaling nila sa Panginoon nila at 
pagkalapit nila sa Kanya at pagkalapit Niya sa kanila, bilang pagsunod sa sabi Niya 
(2:186): 
“Kapag tinanong ka ng mga lingkod Ko hinggil sa Akin ay sabihin 
mo: “Tunay na Ako ay malapit:” Ang pagdalangin ay may dakilang kalagayan 
para kay Allah sapagkat ito ay napakarangal na gawain para kay Allah at maaaring 
makapigil sa tadhana. Ang bawat dumalangin kay Allah ay tinutugon Niya kung 
umiral  ang  mga  kadahilanan  sa  pagtugon  at  nawala  ang  mga  pumipigil  sa 
pagtugon.  Bibigyan  ang  dumadalangin  ng  isa  sa  mga  kalagayang  binanggit  ng 
Propeta 
(SAS)
 sa sinabi niya: 

Walang isang Muslim na dumadalangin ng isang 
panalanging  walang lamang  kasalanan ni  paglagot sa ugnayan  sa kaanak na 
hindi magbibigay si Allah dahil doon ng isa sa tatlo: maaaring mamadaliin para 
sa kanya ang tugon sa panalangin niya, maaaring ilalaan iyon para sa kanya sa 
Kabilang-buhay, at maaaring maglalayo sa kanya ng isang masamang katumbas 
niyon.
  Nagsabi  sila:  “Kung  gayon  ay  dadamihan  namin  [ang  panalangin]?” 
Nagsabi siya: 
“Si Allah ay [nagmamay-ari] ng higit na marami.” 
Ang mga uri ng panalangin
 ay dalawang uri: 
1.
 Panalangin ng pagsamba: gaya 
ng saláh at pag-aayuno, 
2.
 Panalangin ng paghingi at paghiling. 
Ang  pagkakalamangan  ng  mga  gawain.
  Ang  pagbabasa  ba  ng  Qur’an  ay 
pinakamainam o ang dhikr o ang panalangin at ang paghiling? Ang pagbabasa ng 
Qur’an  ay  pinakamainam,  walang  pasubali.  Pagkatapos  ay  ang  dhikr  at  ang 
pagbubunyi kay Allah. Pagkatapos ay ang panalangin at ang paghiling kay Allah. 
Ito ay sa ganang pagbubuod. Subalit maaaring malagay ang gawaing nalamangan 
sa  kalagayang  gagawa  rito  na  maging  higit  na  karapat-dapat  kaysa  sa  gawaing 
nakalalamang.  Ang  panalangin  sa  araw  ng ‘Arafah  ay  higit  na mainam kaysa  sa 
pagbabasa ng Qur’an at ang pagpapakaabala sa pagsambit ng mga dhikr na nasaad 
sa Sunnah pagkatapos ng saláh na isinatungkulin ay higit na karapat-dapat kaysa sa 
pagbabasa ng Qur’an. 
Ang  mga  kadahilanan  sa  ikatutugon  ng  panalangin.  Mayroong  mga  hayag  na 
kadahilanan at mga kubling kadahilanan: 
Ang Panalangin
 


Yüklə 5,39 Kb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   75   76   77   78   79   80   81   82   ...   98




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə