194
14
Ang pag-
angking ama
ang hindi
ama
Ang sinumang mag-angking anak ng hindi naman niya anak
samantalang nalalaman niya iyon,
ang Paraiso para sa kanya ay
bawal. Huwag kayong masuklam sa mga ama ninyo sapagkat ang
sinumang nasusuklam sa ama niya, ito ay kawalang-pananampalataya.
15
Ang
paninindak
sa Muslim
Hindi ipinahihintulot sa isang Muslim na manindak ng isang Muslim.
Ang sinumang nanunutok sa kapatid niya ng isang bakal,
tunay na ang
mga anghel ay susumpa sa kanya hanggang sa ibaba niya ito.
16
Ang pagtawag na
ginoo sa Munáfiq
at suwail
Huwag kayong magsabi sa Munáfiq: Ginoo, sapagkat tunay na
kung siya ay ginoo ay ginalit nga ninyo ang Panginoon ninyo.
17
Ang pagdalaw ng
mga babae sa mga
libingan
Isinumpa ni Allah ang mga babaeng paladalaw sa mga libingan.
Nagsabi si Umm ‘Atíyah
(RA)
: Pinagbawalan kami na sumunod
sa mga palibing ngunit hindi binigyang-diin ito sa amin.
18
Ang pagtanggi ng
babae sa asawa
niya
Kapag inanyayahan ng lalaki ang maybahay nito sa higaan nito
[upang sumiping] ngunit tumanggi siya na pumunta,
susumpain
siya ng mga anghel hanggang sa mag-umaga.
19
Ang pandaraya sa
taong-bayan
Kapag ang isang tao na pinamuno ni Allah sa mga nasasakupan
ay namatay habang siya ay nandaraya sa taong-bayan niya,
ipagkakait ni Allah sa kanya ang Paraiso.
20
Ang pagbibigay ng
fatwá nang walang
kaalaman
Ang sinumang binigyan ng fatwá na hindi alinsunod sa
kaalaman, ang kasalanan niya ay iaatang sa nagbigay ng fatwá
sa kanya.
21
Ang paghiling ng
babae ng diborsiyo
Alinmang babae na humiling sa asawa niya ng diborsiyo nang wala
namang katwiran,
magiging bawal sa kanya ang halimuyak ng Paraiso.
22
Ang pagpapasuot ng
kampanilya sa mga hayop
Hindi sumasama ang mga anghel sa isang pangkat na may aso
o kampanilya. Ang kampanilya ay pantugtog ng demonyo.
23
Ang pagliban sa saláh
sa jumu‘ah dala ng
pagwawalang-bahala
Ang sinumang lumiban sa saláh sa jumu‘ah nang tatlong ulit
dala ng pagwawalang-bahala rito tatatakan ni Allah ang puso
niya. (Kung lumiban nang walang tanggap na dahilan.)
24
Ang pangangamakan
ng lupain
Ang sinumang nangamkam ng [kahit] isang dangkal na lupain
bunsod ng paglabag sa katarungan,
ikukulyar ito ni Allah sa
kanya sa Araw ng Pagbangon sa pitong lupain.
25
Ang pagsasalita
na ikinagagalit
ni Allah
Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalita na dahilan ng
pagkagalit ni Allah, na hindi niya pinag-uukulan ng pansin,
na ikabubulid
niya kasama nito sa Impiyerno sa loob ng pitumpung taon.
26
Ang madalas na
pagsasalita nang walang
pagsambit kay Allah
Huwag ninyong dalasan ang pananalita na walang pagsambit
kay Allah, sapagkat tunay na ang kadalasan ng pananalita
nang walang pagsambit kay Allah ay katigasan para sa puso.
27
Ang nagkakabit at ang
nagpapakabit ng buhok
Isinumpa ni Allah ang nagkakabit at ang nagpapakabit
[ng buhok].
28
Ang pag-iiwasan ng
mga Muslim
Hindi ipinahihintulot sa mananampalataya na iwasan ang
kapatid niya nang higit sa tatlong araw. Ang sinumang umiwas
sa kapatid niya,
iyon ay parang pagpapadanak ng dugo nito.
29
Ang pagwangis sa
hindi katulad ng
kasarian niya
Isinumpa ng Sugo ni Allah
(SAS)
ang mga babaing
kumakawangis sa mga lalaki at ang mga lalaking
kumakawangis sa mga babae.
195
30
Ang
bumabawi sa
regalo niya
Ang bumabawi sa regalo niya ay
gaya ng aso na sumusuka at
pagkatapos ay kinakain ang suka nito. Hindi ipinahihintulot sa tao na
magbigay ng isang bigay o magregalo ng isang regalo at babawiin ito.
31
Ang paghahanap
ng kaalaman para
sa makamundong
layon
Ang sinumang nag-aral ng kaalamang kabilang sa ikapagtatamo ng
kasiyahan ng mukha ni Allah ngunit hindi niya ito pinag-aaralan kundi upang
magtamo ng isang layong kabilang sa mga makamundong kapakanan,
hindi
niya matatagpuan ang bango ng Paraiso sa Araw ng Pagbangon.
32
A
ng
pa
gtin
gin
sa
m
ga
ip
ina
gb
ab
aw
al
Itinakda na sa anak ni Adan ang bahagi niya sa pangangalunya na matatamo
iyon nang walang pasubali sapagkat ang mga mata, ang pangangalunya ng
mga ito ay ang pagtingin [sa bawal]; ang mga tainga, ang pangangalunya ng
mga ito ay ang pakikinig [sa bawal]; ang dila, ang pangangalunya nito ay
ang pagsasalita [ng bawal]; ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang
pagkuna [ng bawal]; ang paa, ang panganglunya nito ay ang paghakbang
[tungo sa bawal]. Ang puso ay nagpipithaya at nagmimithi, at pinatotohanan
iyon ng ari at pinasisinungalingan.
33
Ang
pakikipagsarilinan
sa hindi mahram
Hindi nga makikipagsarilinan ang isa sa inyo sa isang babae [na
hindi mahram] na hindi mangyayaring ang ikatlo sa kanila ay
ang demonyo.
34
Ang pag-aasawa
ng babae nang
walang walí
Alinmang babaing [Muslim] na nag-asawa nang walang pahintulot ng
walí niya,
ang pag-aasawa niya ay walang-saysay, ang pag-aasawa
niya ay walang-saysay, ang pag-aasawa niya ay walang-saysay.
35
Ang pag-asawa ng
shighár
Ipinagbawal niya
(SAS)
ang shighár. Ang shighár ay ang
ipakasal ng lalaki ang babaeng anak niya sa isang lalaki sa
kondsiyong ipakakasal din ng lalaking ito ang babaeng anak nito
sa kanya, nang walang bigayan ng mahr.
36
Ang pag-uukol sa
mga tao ng gawang
mabuti
Nagsabi si Allah: Ako ay pinakawalang-pangangailangan sa
katambal sa lahat ng tinatambalan. Ang sinumang gumawa ng
isang gawain na nagtambal siya doon kasama sa Akin ng iba pa sa
Akin,
iiwan Ko siya kasama ng itinambal niya.
37
Ang paglalakbay
ng babae nang
walang mahram
Hindi ipinahihintulot sa isang babaing sumasampalataya kay
Allah at sa Huling Araw na maglalakbay sa layong [nilalakbay
ng] isang araw malibang may kasamang mahram.
38
Ang malakas ng
pagtangis
Ang sinumang tinangisan nang malakas, tunay na siya ay
pagdurusahin sa pamamagitan ng malakas na itinangis sa kanya
sa Araw ng Pagbangon. Ang patay ay pagdurusahin sa libingan
niya sa pamamagitan ng malakas na itinangis sa kanya.
39
Ang pamimirwisyo
sa mga
nagsasagawa ng
salah
Nagsabi si Allah: Ako ay pinakawalang-pangangailangan sa
katambal sa lahat ng tinatambalan. Ang sinumang gumawa ng
isang gawain na nagtambal siya doon kasama sa Akin ng iba pa sa
Akin,
iiwan Ko siya kasama ng itinambal niya.
40
Ang panunumpa
bukod kay Allah
Nagsabi si Allah: Ako ay pinakawalang-pangangailangan sa
katambal sa lahat ng tinatambalan. Ang sinumang gumawa ng
isang gawain na nagtambal siya doon kasama sa Akin ng iba pa sa
Akin,
iiwan Ko siya kasama ng itinambal niya.
41
Ang
sinungaling na
panunumpa
Ang sinumang sumumpa sa isang sumpang sinasamsam niya sa pamamagitan
nito ang ari-arian ng isang taong Muslim at siya sa [panunumpang] ito ay
masamang-loob, makakatagpo niya si Allah na galit na galit sa kanya.
Dostları ilə paylaş: |