198
A
A
n
n
g
g
L
L
i
i
b
b
i
i
n
n
g
g
a
a
n
n
.
.
Ito ang una sa mga antas ng Kabilang-buhay,
isang hukay ng apoy
para sa Káfir (tumatangging sumampalataya) at Munáfiq (nagkukunwaring
sumampalataya) at isang hardin par a sa Mu’min (manananmpalataya).
May nasaad
sa Hadíth na pagdurusa sa loob ng libingan dahil sa ilang pagsuway gaya ng:
ang hindi
paglilinis ng sarili matapos umihi, ang paninirang-puri, ang pang-uumit mula sa
nasamsam sa digmaan, ang pagsisinungaling, ang pagtulog na hindi nagsagawa ng
saláh, ang pagtalikod sa Qur’an, ang pangangalunya, ang sodomiya, ang pagpapatubo
sa pautang, ang hindi pagbabayad sa utang, at iba pa.
Ang magliligtas laban doon ay
ang matuwid na tapat na gawain para kay Allah, ang pagpapakupkop laban sa parusa
Niya, at ang pagbasa ng Súrah alMulk at iba pa. Ang ipagsasanggalang laban sa parusa
niya ay ang martir, murábit (nagtatanod ng hangganan ng teritoryong Muslim), ang
namatay sa araw ng Biyernes, ang namatay sa sakit sa tiyan, at iba pa.
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
g
g
-
-
i
i
h
h
i
i
p
p
s
s
a
a
T
T
a
a
m
m
b
b
u
u
l
l
i
i
.
.
Ito ay isang malaking sungay na isinubo na ni Anghel
Isráfíl habang naghihintay kung kailan uutusang hipan ito para sa pag-ihip ng
pagpapahilakbot. Nagsabi si Allah
(27:87)
:
“Sa Araw na iihip sa tambuli ay
manghihilakbot ang sinumang nasa mga langit at ang sinumang nasa mga
lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allah.”
Kaya masisira ang buong
Sansinukob. Pagkatapo ng apatnapung panahon ay iihip siya para sa pag-ihip na
hudyat ng pagbangon. Nagsabi si Allah
(39:68)
:
“Pagkatapos ay iihip dito muli at
walang-anu-ano sila ay mga nakatayo, na naghihintay.”
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
g
g
b
b
a
a
n
n
g
g
o
o
n
n
.
.
Pagkatapos ay magpapadala si Allah ng isang ulan. Tutubo ang
mga katawan (mula sa buto ng dulo ng gulugod (spinal chord)) at magiging bagong
nilikha na hindi mamamatay, mga nakayapak, at mga hubad. Makikita nila ang
mga anhel at ang mga jinní. Bubuhayin sila ayon sa kalagayan ng mga gawa nila.
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
g
g
t
t
i
i
p
p
o
o
n
n
.
.
Kakalapin ni Allah para sa pagtutuos ang mga nilikha, na mga
nanghihilakbot na para bagang mga lasing, sa isang araw na dakila na kasingtagal
ng limampung libong taon na para bagang ang mundo nila ay tumagal ng isang
panahon. Lalapit ang araw sa layong isang milya. Malulunod ang mga tao sa pawis
nila ayon sa mga gawa nila. Dito ay magtatalo ang mga mahina at ang mga
mapagmalaki. Makikipagtalo ang Káfir sa kapisan niya at sa demonyo niya.
Isusumpa nila ang isa’t isa. Kakagatin ng lumalabag sa katarungan ang mga kamay
niya. Hihilahin ang Impiyerno ng 70,000 renda, na hihilain naman ang bawat renda
ng 70,000 anghel. Kaya kapag nakita ito ng Káfir ay mimithiin niyang tubusin ang
sarili at maging alabok. Tungkol naman sa
mga sumusuway
, ang nagmamaramot
ng zakáh ay pipitpitin ang mga salapi niya sa apoy at heheruhan siya sa
pamamagitan nito. Ang mga mapagmalaki ay titipunin na para bagang mga
langgam. Ibubunyag ang sumisira sa kasunduan, ang nang-uumit, at ang
nangangamkam. Dadalhin ng magnanakaw ang ninakaw niya. Ilalantad ang mga
lihim. Tungkol naman sa mga nangingilagan magkasala, hindi sila
panghihilakbutin bagkus ay daraan ito na gaya ng saláh sa tanghali.
Ang Paglalakbay sa Buhay na Walang-hanggan
Ang Daan mo tungo sa Paraiso o Impiyerno
199
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
m
m
a
a
m
m
a
a
g
g
i
i
t
t
a
a
n
n
.
.
Ito ay pinakadakila:
natatangi
sa Propeta
(SAS)
natin para sa mga
nilikha sa Araw ng Pagtipon para sa pag-alis sa dalamhati nila at para sa pagtutuos sa
kanila, at pangkalahatan para sa Propeta at sa iba pa sa kanya gaya ng pagpapalabas
sa mga mananampalataya mula sa Impiyerno at pag-aangat sa mga antas nila.
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
g
g
t
t
u
u
t
t
u
u
o
o
s
s
.
.
Itatanghal ang mga tao na mga nakahanay sa harap ng Panginoon
nila, at ipakikita sa kanila ang mga nagawa nila. Panananagutin sila sa mga iyon, at
sa kung ano ginamit ang buhay, ang kabataan, ang yaman, kaalaman, ang
kaginhawahan, ang pandinig, ang paningin, at ang puso. Ang Káfir at ang Munáfiq
ay tutuusin sa harap ng mga nilikha upang sumbatan sila, ilahad ang katwiran sa
kanila, at pasaksihin laban sa kanila ang mga tao, ang lupa, ang mga araw, ang mga
gabi, ang yaman, ang mga anghel, at ang mga bahagi ng katawan hanggang sa
mapagtibay at aminin nila iyon. Ang Mu’min ay makikipagsarilinan si Allah sa
kanya. Aaminin nito ang mga pagkakasala nito hanggang sa kapag inakala nito na
siya ay mapapahamak na ay sasabihin dito ni Allah:
“Nagtakip Ako sa iyo sa
mundo at Ako naman ay magpapatawad sa iyo sa Araw na ito.” Ang unang
tutuusin ay ang kalipunan ni Muhammad
(SAS)
. Ang una sa mga gawain sa pagtutuos
ay ang saláh, at sa pagbabayad ay ang kaugnay sa pagpapadanak ng dugo.
A
A
n
n
g
g
P
P
a
a
g
g
l
l
i
i
l
l
i
i
p
p
a
a
r
r
a
a
n
n
n
n
g
g
m
m
g
g
a
a
T
T
a
a
l
l
a
a
a
a
n
n
n
n
g
g
G
G
a
a
w
w
a
a
.
.
Pagkatapos ay magliliparan ang mga
talaan ng gawa at kukunin nila ang aklat ng mga gawa
na hindi nag-iiwan ng
isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon
: ang Mu’min ay sa
pamamagitan ng kanang kamay niya, ang Káfir at ang Munáfiq ay sa pamamagitan
ng kaliwang kamay nila mula sa likuran nila.
A
A
n
n
g
g
T
T
i
i
m
m
b
b
a
a
n
n
g
g
a
a
n
n
.
.
Pagkatapos ay titimbangin ang mga gawa ng mga nilikha,
upang
gantihan sila ayon sa mga iyon,
sa pamamagitan ng tunay na timbangang tumpak
na may dalawang pinggan, na pinabibigatan ng mga gawaing
umaayon
sa Batas ng
Islam, na dalisay na ginawa alang-alang kay Allah. Kabilang sa nagpapabigat sa
timbangan ay ang pagsabi ng Lá iláha illa 'lláh (Walang [totoong] Diyos kundi si
Allah); ang kagandahan ng asal; ang Dhikr gaya ng pagsabi ng Alhamdu lilláh
(Ang papuri ay ukol kay Allah), ang Subhána 'lláhi wa bihamdihi (Kaluwalhatian
kay Alláh at papuri sa Kanya).
Magbabayaran
ang mga tao sa pamamagitan ng
mga magandang gawa nila at mga masagwang gawa nila.
A
A
n
n
g
g
H
H
a
a
w
w
d
d
.
.
Pagkatapos ay iinom ang mga Mu’min sa Hawd (lawa ng Propeta).
Ang sinumang uminom mula rito ay hindi na mauuhaw pagkatapos nito
magpakailanman.
Bawat propeta ay may hawd,
na ang pinakamalaki sa mga ito ay
ang kay Propeta Muhammad
(SAS)
. Ang tubig nito ay higit na maputi kaysa sa gatas,
higit na matamis kaysa sa pulut-pukyutan, at higit na mabango kaysa sa musk. Ang
mga panalok nito ay ginto at pilak na gaya ng bilang ng mga bituin. Ang haba nito
ay higit na malayo sa layong mula sa Ailah, Jordan hanggang sa Aden, Yemen.
Nanggaling ang tubig nito mula sa ilog ng Kawthar.
Dostları ilə paylaş: |