Ang mensahe ng islam



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə13/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14

Ang Mga Kautusan
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kautusan ng Islam:
1. Ang Islam ay nag-aanyaya nang ganap na katarungan maging sa pananalita at sa gawa. Ang Qur’an ay nagsabi:
Alalahanin! Katotohanan, Ang Allah ay nag-uutos ng Al-Adl (katarungan at pagsamba sa Allah lamang) at Ihsan (pagsasagawa ng inyong mga tungkulin sa Allah nang may kataimtiman at katapatan), nang ganap para sa (kasiyahan) ng Allah at naaayon sa Sunnah ng Sugo ng Allah at magbigay ng tulong sa mga kamag-anak at pagbabawal ng Al Fasha (mga makasalanang gawa tulad ng pangangalunya at ibang pang malalaswang pakikipag-ugnayan) at Al Munkar (mga makasalanag Gawain ukol sa kawalan ng pananalig sa Allah at Al Baghy (lahat ng uri ng pang-aabuso at pang-aapi). Kayo ay Kanyang binigyan ng babala upang sakali kayo ay magbigay pansin (tumalima). (Qur’an 16:90)
Si Abu Bakr (), ang unang pinuno (Khalifa) pagkaraang mamatay ang Sugo ng Allah (), nang tanggapin niya ang tungkulin bilang pinuno (Khalifa) ay nagsabi:
Yaong inyong itinuturing na malalakas ay mahihina para sa akin hanggang kuhanin ko ang kanilang karapatan at ang mga mahihina ay malalakas sa aking paningin hanggang maipagkaloob ko sa kanilang ang kanilang mga karapatan. Sumunod kayo sa akin hanggang ako ay nakikita ninyo sumusunod sa Allah sa pagtataguyod ng inyong mga pamumuhay (o gawain).”
Ang katarungan ay kailangan maging sa panahon ng pagsasaya o kalungkutan, sa mga Muslim o di Muslim. Ang Qur’an ay nagsabi:
“…At huwag hayaang ang galit (o pagkamuhi) sa kaninumang tao ang magbunsod sa iyo upang makipag-ugnayan nang di-makatarungan. Makipag-ugnayan nang makatarungan, yaon ay malapit sa kabanalan…” (Qur’an 5:8)
Ang katarungan ay kinakailangan sa pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anakan at di-kamag-anak. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
“…At kailan man na ipagkaloob ang inyong salita (paghatol sa pagitan ng dalawang tao o magbigay ng pagpapahayag) magsalita ng katotohanan maging sa malapit ninyong kamag-anakan at tuparin ang inyong kasunduan sa Allah. Ito ay ipinag-uutos sa inyo upang kayo ay (matutong) makaalala.” (Qur’an 6:152)
Ang Dakilang Allah ay nag-uutos din sa atin na gamitin ang lakas kung kinakailangan upang ipatupad ang katarungan. Siya ay nagsabi:
Tunay na Aming ipinadala ang Aming Sugo na may (dalang) maliwanag na katibayan at ipinahayag sa kanila ang Kasulatan at ang Batayan upang mapanatili ang katarungan sa Sangkatauhan. At Aming ipinagkaloob ang bakal na may dalang tibay na kapangyarihan (hinggil sa digmaan) at iba pang kabutihan para sa mga tao…” (Qur’an 57:25)
Si Imam Ibn Taymiyah () ay nagsabi:
Ang pagpapadala ng Sugo at kasulatan (kapahayagan) ay nakalaan para sa tao upang isagawa ang kanilang mga tungkulin na ipinag-uutos ng Allah batay sa katarungan. Sinuman ang lumihis mula sa Aklat siya ay dapat ituwid sa pamamagitan ng bakal (lakas).”
2. Ang Islam ay nanghihikayat na maging mabait at maalalahanin sapagkat ito ay naglalarawan ng tunay na pagmamahal at pagkakapatiran na may magandang bunga sa lipunan, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng lipunan at nagnanais na maglingkod sa isa’t isa nang may katapatan. Ang Qur’an ay nagbigay papuri sa isang tao na binigyang pansin ang iba kaysa sa sarili sa bagay na kabaitan at kapakinabangan. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
At (may nakalaang bahagi din) sa mga naunang manirahan (sa Madinah) at yumakap sa pananampalataya, minamahal nila yaong nagsilikas patungo sa kanila, at walang paninibughong nadarama sa kanilang kalooban hinggil sa anumang (bagay na) ipinagkaloob sa kanila (mula sa labi ng [tribu ng] Banu An-Nadir), at sila ay nagparaya sa kanila (mga Muhajir) nang higit sa kanilang mga sarili bagama’t sila ay nagdaranas ng paghihikahos. At sinuman ang nakaligtas laban sa sariling kasakiman ay katiyakang sila yaong magtatagumpay.(Qur’an 59:9)
3. Nag-aanyaya na panatilihin ang magandang ugnayan o samahan at binabalaan laban sa masamang pangkat ng tao. Ang Sugo ng Allah () ay nagbigay ng magandang halimbawa na ipinapalwanag ang mabuting bunga ng pagkakaroon ng magandang ugnayan:
Ang kahalintulad ng pagkakaroon ng magandang ugnayan at masamang ugnayan ay tulad ng isang pabango at ng isang umiihip sa kalan ng apoy. Ang nagmamay-ari ng pabango ay maaaring may bumili sa kanya o di kaya ay maamoy man lamang ang kanyang kabanguhan. Tungkol naman sa umihip ng apoy sa kalan, maaaring sunugin ang inyong damit o maaaring malanghap ninyo ang (mabahong) usok mula sa kalan ng apoy.” (Bukhari)
4. Ang Islam ay nanghihikayat ng pagmamalasakit at pagpupunyaging pagkasunduin ang tao sa gitna ng pagkakahidwaan. Ang Qur’an ay nagsabi:
Walang higit na kabutihan ang kanilang lihim na pagpupulong maliban sa kanya na nag-aanyaya ng kawanggawa o kabaitan o kapayapaan mula sa mga tao at sinuman ang gumawa ng ganoon na may layong bigyang kasiyahan ang Allah, ipagkakaloob Namin sa kanya ang Dakilang gantimpala.” (Qur’an 4:114)
Ang mabuting pagkakasundo sa pagitan ng mga tao ay nagbibigay ng mataas na antas ng karangalan na ang kahalagahan o katumbas na gantimpala ay hindi bababa sa antas ng gantimpalang tulad ng pagdarasal, pag-aayuno at iba pang uri ng pagsamba. Sa kahalagahan nito, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Maaari ko bang sabihin sa inyo ang isang bagay na ang antas ay higit kaysa sa pag-aayuno, pagdarasal, at kawanggawa? Ito ay ang pakikipagkasundo sa pagitan ng mga tao sapagkat ang hidwaan ay siyang sumisira (sa magandang ugnayan) ng Deen (o lipunan).”
Pinahihintulutan ng Islam ang pagsisinungaling sa kaso ng pagkakasundo ng dalawang taong may hidwaan upang ang puso ng bawat isa ay magkaroon ng pagmamahal sa isa’t isa at pangalagaan sila mula sa pag-aaway at paghihiwalayan.
Hindi ko itinuturing na isang pagsisinungaling kung ang isang tao ay may layunin para sa kapayapaan (ng dalawang magkaaway), at sa panahon ng digmaan, at sa mag-asawa (upang mapanatili ang diwa ng pagkakasundo at pagmamahalan).” (Abu Dawood)
At sinabi rin niya ang ganito:
Hindi sinungaling ang isang nagdala ng kapayapaan sa pagitan ng dalawang tao kung siya man ay nagsabi o nag-ugnay ng magandang salita (sa iba).” (Muslim at Bukhari)
5. Ang Islam ay nag-utos na mag-anyaya ng kabutihan at magbawal ng kasamaan sa lahat ng paraan ayon sa kakayahan sapagkat ito ay makapangangalaga laban sa di- makatarungan, katiwalian, pagkawala ng karapatan at pangingibabaw ng di pagkilala o pagsunod sa batas. Ang panghihikayat upang gumawa ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan ay nagtuturo sa mga walang kaalaman, ginigising ang mga taong nagpapabaya sa kanyang tungkulin sa Dakilang Allah, nagbibigay aral sa mga gumagawa ng kasamaan at tumutulong sa mga mabubuti. Ang Qur’an ay nagsabi:
“…Magtulungan ang bawat isa tungo sa kabutihan at banal na tungkulin. Huwag magtulungan sa paggawa ng kasalanan at pagsuway (sa Allah)…” (Qur’an 5:2)
Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Sinuman sa inyo ang nakapansin ng anumang kasamaan, dapat niya itong ituwid sa pamamagitan ng kanyang kamay. At kung hindi niya magawa, dapat niyang ipagbawal ito sa pamamagitan ng kanyang dila. Kung hindi niya magawa ito, dapat niyang ituring ito sa kanyang puso bilang kasamaan; at ito ang pinakamababang antas ng pananampalataya.”
Ang Qur’an ay nagpahayag ng kaparusahan para sa mga nagpapabaya ng kanilang tungkulin:
Yaong mga Angkan ng Israel na hindi naniniwala ay isinumpa sa pamamagitan ng dila ni David at ni Hesus, anak ni Maria. Sapagkat sila ay laging sumusuway, naghihimagsik at palagiang nagmamalabis.” (Qur’an 5:78)
Ang Sugo ng Allah () ay nagpaliwanag kung ano ang kahihinatnan o ibubunga ng di-pagtalima sa panghihikayat na gumawa ng kabutihan at magbawal ng mga kasamaan ayon sa isang Hadith:
Ang kahalintulad ng isang tao na tumatalima at sumusunod sa kautusan ng Allah at ang isang tao na sumusuway sa hangganang itinakda ay katulad ng mga pasahero ng isang sasakyang dagat (barko) na nagpasiya kung sino ang dapat manatili sa itaas at kung sino ang mananatili sa ibabang bahagi ng sasakyan (barko). Yaong nasa ibabang bahagi ay kailangang dumaan muna sa itaas upang sumalok ng tubig na nagiging sanhi ng pang-aabala ng mga nasa itaas na bahagi ng barko. Kaya, sila ay nagmungkahi sa mga nananatili sa itaas na bahagi ng barko na pahintulutan silang gumawa ng butas sa ilalim na bahagi ng barko at sumalok ng tubig roon na walang pang-aabala sa mga nasa itaas. Kung ang mga nasa itaas ay hahayaan o pahihintulutan ang mungkahi ng mga nasa ibaba, maaari silang magkaroon ng sakuna na magiging sanhi ng kanilang kapahamakan, nguni't kung ito ay hindi nila pahihintulutan sa kanilang balak, sila ay magiging ligtas sa anumang kapahamakan.”
Magkagayonman, ang Islam ay nagtakda ng mga alituntunin sa panghihikayat na gumawa ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga alituntunin:
1. Ang sino mang gumagawa ng tungkuling ito ay nararapat na may kaalaman kung ano ang dapat ipagbawal o pinahihintulutan.
2. Ang kanyang paraan ng pagbabawal ng kasamaan ay hindi dapat maging sanhi ng isa pang malaking kasamaan.
Hindi niya dapat gawin kung ano ang kanyang ipinagbabawal at hindi niya dapat pabayaan kung ano ang pinag-aanyaya niya sapagkat ayon sa Qur’an:
O, Kayong mananampalataya! Bakit ninyo sinasabi yaong hindi ninyo ginagawa? Ito ang pinakamumuhi sa paningin ng Allah na inyong sinasabi ang hindi ninyo ginagawa.” (Qur’an 61:2-3)
Siya ay nararapat na maging mahinahon at mabait kung siya ay nanghihikayat o nag-aanyaya ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan. At dapat handa niyang pasanin kung ano man ang ibubunga ng panghihikayat o pagbabawal niya sapagkat ang Allah (U) ay nagsabi:
...At mag-anyaya ng kabaitan at magbawal ng di-makatarungan at magtiis kung ano ang (maaaring) ibunga nito sa iyo. Katotohanan! Ito ang ilang mahahalagang kautusan ng Allah na itinatagubilin nang walang pasubali.” (Qur’an 31:17)
3. Siya ay hindi dapat humantong sa panghihinala sa iba upang kanyang matagpuan ang mga masasamang gawain. Ang Qur’an ay nagsabi:
O kayong mananampalataya, iwasan ang labis na panghihinala…”

(Qur’an 49:12)


4. Ang Islam ay nag-uutos ng magandang asal. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Mula sa mga Muslim, ang may taglay na ganap na pananampalataya ay yaong ang may mabuting asal at pinakikitunguhan ang asawa nang may kabaitan.”

Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi kung ano ang gantimpala ng isang tao na may magandang asal o pag-uugali:


Sa Araw ng paghuhukom, ang pinakamamahal at pinakamalapit sa akin hinggil sa aking pangkat ay yaong mga tao na may kagandahang asal at pag-uugali, at yaong mula sa inyo na kung magsalita ay may lakip ng pagmamahal. At silang Mutafaihiqoon (mayayabang at palasuway ang pinakamalayo sa akin sa Araw ng Paghuhukom.” Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah ay nagtanong: ‘Ano ang ibig sabihin ng “Mutafaihiqoon”?’ Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Sila yaong mapagyabang o mapagmalaki.” (Tirmidhi)
5. Ang Islam ay nag-uutos din ng pagbibigay ng tapat na pagpapayo. Sa diwa at kahulugan nito, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Ang (batayan ng) pananampalataya ay katapatan.” Kaming mga kasamahan ng Sugo ng Allah ay nagtanong: ‘O Sugo ng Allah! Para kanino (ang katapatan)?’ Siya ang Sugo ng Allah ay nagsabi: “Sa Allah, sa Kanyang Aklat (Ang Qur’an), sa Kanyang Sugo at sa mga Muslim, maging sa namumuno at sa mga mamamayang Muslim.” (Muslim)

Ang katapatan sa Dakilang Allah ay magkakaroon ng kaganapan sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, pagsamba lamang sa Kanya at wala ng iba pa, at huwag magbigay ng anupamang kaugnay o katambal bukod sa Kanya. Pagpapahayag na Siya ay malayo sa anumang kakulangan hinggil sa Kanyang mga Pangalan at Katangian, na Siya ang tagapanustos ng lahat ng Kanyang nilikha. Ano man ang Kanyang naisin ay mangyayari at matutupad at anuman ang hindi Niya naisin ay hindi magaganap. At ang pagtalima at pagsunod sa lahat ng Kanyang Kautusan at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal.


Ang katapatan sa Kanyang Aklat, ang Qur’an, ay magkakaroon lamang ng tunay na kahulugan sa pamamagitan ng paniniwala na ito ay Salita ng Allah (U) na ipinahayag Niya at ito ay Huli sa lahat ng Banal na Kasulatan. Na ang lahat ng batas na matutunghayan sa Qur’an ay katotohanan. Na ang lahat ng ipinagbabawal ng Qur’an ay tunay na bawal at isinasaalang-alang ito bilang matuwid na Landas at isang pamamaraan ng buhay para sa Muslim.
Ang Katapatan sa Kanyang Sugo () ay magkakaroon lamang ng katuparan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang ipinag-uutos, ang maniwala kung ano ang kanyang sinasabi, ang pagtalikod sa mga bagay na kanyang ipinagbabawal, ang pagmamahal at paggalang sa kanya, ang pagtupad sa kanyang mga Sunnah at pagpapalaganap nito sa lahat ng tao.
Ang Katapatan sa mga Namumuo ay magkakaroon lamang ng tunay na diwa at kahulugan sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila habang sila ay nag-uutos ng kabutihan, pag-iwas laban sa paghihimagsik sa kanila, pagbibigay ng payo sa paraang maayos at kaaya-aya. At pagbibigay paalala sa mga karapatan ng iba.
Ang katapatan sa mga mamamayang Muslim ay magkakaroon lamang na kaganapan sa pamamagitan ng pamamatnubay sa kanila kung ano ang mabuti para sa kanila sa larangan ng relihiyon at pamumuhay. Ang pagtulong sa kanila sa pamamagitan ng kawanggawa at anumang pangangailangan nila, pangangalaga sa kanila dahil sa mga kapinsalaan, pagmamahal sa kanila kung anong pagmamahal sa sarili at pakikitungo sa kanila ng maayos, kung anong pakikitungo ang nais sa sarili.
Ang Islam ay nag-aanyaya ng pagiging mapagbigay at maalalahanin sapagkat ito ay nagbibigay ng daan sa pagkakaroon ng mga kaibigan at pagmamahalan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Dalawang katangian ang minamahal ng Allah, ang magandang pag-uugali at pagkamatulungin (mapagbigay) at ang dalawang katangian na kinamumuhian ng Allah: ang masamang pag-uugali at karamutan. Kung nais ng Allah na bigyan ng pagpapala ang Kanyang alipin, ginagamit niya ito upang matupad ang pangangailangan ng mga tao.”
Ang batayan tungkol sa pagiging mapagbigay at matulungin ay inihayag ng Qur’an:
At huwag hayaang ang inyong kamay ay magapos (tulad ng isang maramot) sa inyong leeg o di kaya ay mabuksan ito nang ganap (tulad ng isang mapaglustay), upang kayo ay hindi magsisi at magdaraop.” (Qur’an 17:29)
Ang Dakilang Allah ay nagbabala laban sa paglustay ng kayamanan at lumagpas sa hangganan ng katamtamang paggugol. Siya ay nagsabi:
At ang magbigay sa mga kamag-anakan ng kanilang karapatan at sa mga nangangailangan at naglalakbay. Nguni't huwag maglustay (ng inyong yaman) sa pamamagitan ng luho (at walang katuturang layaw) Katotohanan, ang naglulustay ay mga kapatid ng mga demonyo at ang demonyo ay walang pasalamat sa kanyang Panginoon.” (Qur’an 17:26-27)
Ang Islam ay nag-aanyaya ng Habag at Awa sapagkat ayon sa Sugo ng Allah ():
Yaong maawain ay karapat-dapat sa awa (at habag) ng Allah. Maging maawain sa lahat ng nasa lupa at ang Allah ay maaawa sa iyo.” (Abu Dawood at Tirmidhi)
Ang Islam ay nag-aanyaya rin ng kabaitan at kahinahunan, pagiging maginoo (para sa kalalakihan) o kahinhinan (para sa mga kababaihan). Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
Kung may kahinahunan, pinagaganda nito ang isang bagay at kung kanino man ito naagaw, tunay na inagaw sa kanya ang ganda (ng katangiang ito).” (Muslim)
Nag-uutos din ang Islam ng pananakip sa kakulangan ng kapwa at ang pagtulong na mapawi ang kanilang kapighatian at pagdadalamhati.

Sinuman ang tumulong sa kapwa Muslim sa pag-alis ng kahirapan niya dito sa mundo, aalisin ng Allah ang pighati sa kanya sa Araw ng Paghuhukom. Sinuman ang nag-alis ng kahirapan ng iba, aalisin ng Allah ang kahirapan niya sa mundong ito at sa kabilang buhay. Sinuman ang nagkubli ng pagkukulang ng ibang Muslim, ang kanyang mga pagkukulang ay ikukubli ng Allah sa mundong ito at sa kabilang buhay. Patuloy na tinutulungan ng Allah ang Kanyang alipin hanggang ito ay tumutulong sa kanyang kapatid na Muslim.” (Muslim)


Ang Islam ay nag-uutos din ng pagtitiis kalakip ng pagsasagawa ng pagsamba at ang pag-iwas sa mga ipinagbabawal. Ang Qur’an ay nagsabi:
Kaya’t maghintay ng may (lakip ng) pagtitiis sa itinakda sa iyo ng iyong Panginoon. Sapagkat katiyakan ikaw ay lagi ng nasa Aming paningin…” ( Qur’an52:48)
Ito ay maaaring pagtitiis sa anumang pangyayari ng buhay katulad halimbawa ng kahirapan, gutom, sakit at pangamba. Ang Qur’an ay nagsabi:
At katiyakan, Aming kayong susubukan ng bagay ng may pangangamba at gutom, at pagkawala ng yaman at buhay at pananim nguni't magbigay ng magandang balita sa mga matatag (at matiisin). Na nagsasabi, kung ang masamang pangyayari ay dumating sa kanila: Alalahanin! Kami ay sa Allah (lamang) at Alalahanin! Sa Kanya ang aming pagbabalik. Sila yaong ang pagpapala ay ipinagkaloob mula sa kanilang Panginoon at tumanggap ng Kanyang Awa at sila yaong napatnubayan.” (Qur’an 2:155-157)
At sinabi ng Dakilang Allah kung ano ang gantimpalang kanilang tatanggapin ng dahil sa kanilang katatagan at pagtitiis.
“…Katotohanan, silang matiisin (at matiyaga) ay babayaran nang ganap na walang pagbilang”. (Qur’an 39:10)
Nagtuturo rin ang Islam ng pagpipigil ng galit at pagpapatawad (pagpapaumanhin) lalo na kung ang isang tao ay may kakayahang gumanti para sa sarili. Ito ay nagsisilbing daan upang maging matibay ang pagbubuklud-buklod ng tao sa lipunan at tumutulong na maglaho ang lahat ng sanhi ng galit at away. Samakatuwid, pinupuri ng Allah (U) ang mga taong nag-aangkin ng ganitong pag-uugali. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
At mag-unahan kayo sa paghingi ng kapatawaran mula sa inyong Panginoon at para sa Paraiso na ang lawak ay abot sa mga kalangitan at kalupaan, inilaan para sa mga mabubuti. At silang nagkakawanggawa sa (sa panahon ng) kasaganaan at kahirapan; silang pumipigil sa kanilang pangangalit at mapagpatawad sa sangkatauhan; minamahal ng Allah ang mabuti.” (Qur’an 3:133-134)
Tinatawagan din ng Islam ang mga Muslim na harapin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan upang linisin ang puso mula sa pangangalit at pagkamuhi. Ang Qur’an ay nagsabi:
“…Iwaksi ang (gawaing) masama sa pamamagitan ng paggawa ng higit na mabuti, (i.e.: Ipinag-uutos ng Allah sa mga mananampalataya na maging matiisin sa oras ng pangangalit, at pagpaumanhin ang mga taong gumagawa ng di kanais-nais), kaya alalahanin! siya na sa pagitan niya at ikaw na may galit ay magiging malapit na magkaibigan.” (Qur’an 41:34)


ISANG SULYAP SA MGA ILANG KAUGALIAN SA ISLAM
Ang Deen (relihiyon) ng Islam ay nagpakilala ng ilang kaugalian na ipinag-aanyaya sa Muslim na sundin upang taglayin ang ganap na larawan ng isang mabuting tao. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
ANG KAUGALIAN SA HAPAG-KAINAN


  1. Banggitin ang Pangalan ng Allah (U) (sa pagsabing 'Bismillah') bago kumain o uminom. Pagkatapos kumain at uminom ay dapat na magpasalamat sa Kanya [sa pamamagitan ng pagsabing 'Alhamdulillah' (papuri at pasasalamat ay para sa Allah (U)]. Kailangang unang kainin ang nasa inyong harapan (at hindi ang nasa harap ng iba), at gamitin ang kanang kamay kapag kumakain, sapagka't ang kaliwang kamay ay karaniwang ginagamit sa paglilinis ng mga marurumi (tulad ng maselang bahagi ng katawan pagkatapos gumamit ng palikuran at ibang katulad nito).

Si 'Umar bin Abi Salamah () ay nagsabi; 'Noong ako ay bata pa, ako ay nasa hapag-kainan sa loob ng pamamahay ng Propeta ng Allah (), at ang aking kamay ay umaabot ng pagkain sa lahat ng pinggan (habang kumakain). Kaya ang Propeta ng Allah () ay nagsabi sa akin;


"O bata, banggitin mo ang Pangalan ng Allah (bago magsimulang kumain), gamitin mo ang kanang kamay at iyong kainin muna ang nasa harapan mo." (Bukhari)


  1. Hindi nararapat pintasan ang pagkain maging ito man ay hindi nakasisiya sa panlasa. Si Abu Hurairah () ay nagsabi;


"Ang Propeta ng Allah ay hindi kailanman namintas sa anumang pagkain. Kung nais niya ito, ito ay kanyang kinakain at kung hindi naman niya nais, ito ay kanyang hahayaan (o hindi niya kakainin)." (Bukhari)
3) Iwasan ang pag-inom at pagkain nang labis. Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"… at magsi-inom nguni't huwag maging mapagmalabis, katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga taong Musrif (mga taong walang kabuluhang labis na paglulustay ng yaman)." (Qur'an 7:31)
Ang Propeta () ay nagsabi:
"Walang higit na masamang lalagyan na pinupuno ng isang tao kaysa sa tiyan. Sapat na kumain ng ilang subo ang isang tao upang magkaroon ng lakas na iunat ang kanyang likod, at kung siya ay kakain (nang higit), samakatuwid, panatilihin ang isang ikatlong bahagi para sa kanya pagkain, isang ikatlong bahagi para sa kanyang inumin at isang ikatlong bahagi para sa kanyang maluwag na paghinga." (Abu Dawud)
4) Huwag hingahan o hipan ang iniinumang lalagyan. Si Ibn Abbas ay nagsabi na ang Sugo ng Allah () ay ipinagbawal ang paghinga o pag-ihip sa mga lalagyang iniinuman. (Abu Dawud)
5) Hindi nararapat na dumihan ang pagkain o inumin para sa ibang tao.
6) Higit na nakalulugod na kumaing kasama ang ibang tao kaysa kumakaing nag-iisa. Ang isang tao ay nagsabi sa Sugo ng Allah ():
"Katotohanan, kami ay kumain nguni't hindi nabusog." Siya ay nagsabi: "Ikaw ba ay kumakain magkakasalo o kumakaing mag-isa." Siya ay sumagot: "Nag-iisa." Siya ay nagsabi: "Magkihalubilo at kumaing magkakasama at banggitin ang Ngalan ng Allah, at ang inyong (pagkain) ay pagpapalain." (ibn Hibban)
7). Nararapat humingi ng pahintulot kung magsasama ng iba sa isang paanyaya. Ang isang tao mula sa Ansar na nangangalang Abu Shu'aib ay nag-anyaya sa limang katao na ang isang kabilang ay ang Sugo ng Allah (). Ang isang tao ay dumating na kasama nila. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Itong isang tao ito ay sumama sa amin, kung ito ay pauunlakan mo, siya ay isasama naming pumasok; at kung hindi naman, siya ay pababalikin." Ang nag-anyaya ay sumagot, "Huwag (siyang umalis), siya ay aking pinahihintulutang sumama (sa inyo)."

ANG KAUGALIAN SA PAGTUNGO SA PALIKURAN
Sa pagtungo sa palikuran, nararapat pumasok na una ang kaliwang paa at magsabi ng;
"Bismillah Allahumma inni a'oodhu bika min al-kubti wal-khaba'ith."

Ang kahulugan ay: "Sa Ngalan Mo, O Allah, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga lalaki at babaing demonyo." (Bukhari)


Sa paglabas ng palikuran, lumabas na una ang kanang paa at magsasabi ng;

"Ghufraanak." Ang kahulugan ay: "Ako ay patawarin Mo64." (Iniulat ni Ibn Hibban at ni Ibn Maajah)
Habang nasa tawag ng kalikasan, huwag humarap sa dakong direksiyon ng Qiblah (ng Makkah). Si Abu Hurairah () ay nagsabi:
"Katotohanan, ako ay katulad lamang ng isang ama sa kanyang anak. Ikaw ay hindi nararapat na humarap sa (dakong direksiyon ng) Qiblah at hindi rin dapat ilagay ang likod sa gawin nito (sa oras ng tawag ng kalikasan) at hindi rin dapat na punasan ang sarili nang kulang sa tatlong bato kung hindi gumagamit ng isang pirasong buto o dumi." (Ibn Majah)
Nararapat na ikubli ang sarili sa oras ng tawag ng kalikasan. Si Jabir ay nagsabi: "Kapag ang Sugo ng Allah ay nasa oras ng tawag ng kalikasan, siya ay magtutungo sa isang pook na walang nakakakita sa kanya."
Hindi nararapat na gamitin ang kanang kamay upang maglinis ng dumi. Ang Propeta () ay nagsabi:
"Kapag kayo ay umiinom, hindi ninyo dapat hingahan ang lalagyan ng inumin habang umiinom, kapag kayo ay nasa tawag ng kalikasan, hindi dapat hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng kanang kamay, at hindi rin dapat punasan ang sarili (maselang bahagi) ng kanyang kanang kamay." (Bukhari)

ANG KAUGALIAN SA PAGHINGI NG PAHINTULOT


    1. Ipinagbabawal ang pagpasok sa mga ibang bahay nang walang pahintulot. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:


"O kayong mga Mananampalataya! (mga Muslim) Huwag kayong magsipasok sa mga tahanan maliban sa inyong sariling (tahanan) hanggang kayo ay humingi ng kapahintulutan at batiin yaong nasa loob nito; ito ay higit na makabubuti para sa inyo upang sakali kayo ay (matutong) makaalala." (Qur'an 24:27)



    1. Ang isang taong nasa loob ng pamamahay at nais pumasok sa silid. Ang Allah (U) ay nagsabi:


"… At kung ang mga bata na kabilang sa inyo ay umabot na sa tamang gulang, hayaan silang humingi ng pahintulot sa nakatatanda sa kanila (sa gulang). (Qur'an 24:59)
Ito ay naglalayong pangalagaan at panatilihin ang mga pansariling karapatan o bagay na hindi dapat makita ng sinuman tulad ng sinabi ng Propeta ().
"Isang tao ay sumilip sa silid ng Propeta mula sa isang butas ng pintuan, at ang Propeta ay may tangan ng isang ngipin ng suklay habang kinakamot ang kanyang ulo. Kanyang sinabi sa kanya, "Kung alam ko lang na ikaw ay nakasilip, sinundot ko sana ang iyong mata nito. Katotohanan, ang paghingi ng pahintulot ay ipinag-utos upang hindi makita ng sinuman (ang pansariling gawain ng isang tao sa sariling pamamahay)." (Bukhari)
Huwag magpumilit sa paghingi ng pahintulot (nang higit sa tatlong ulit). Ang Propeta () ay nagsabi;
"Ang paghingi ng pahintulot ay hanggang tatlong ulit. Kung kayo ay pinahintulutan, magkagayon kayo ay pumasok, kung walang pahintulot, magkagayon, kayo ay dapat na umalis." (Iniulat ni Imam Muslim)
Ang isang taong humingi ng pahintulot ay dapat magpakilala. Si Jabir ay nagsabi:
"Ako ay nagtungo sa Propeta tungkol sa utang ng aking ama. Ako ay kumatok sa pintuan at kanyang sinabi: "Sino yan?" Sinabi ko" "ako po". Siya ay sumagot, "Ako, ako!!! Na tila hindi niya naibigan [kung ano ang aking sinagot]." (Bukhari)
ANG KAUGALIAN SA PAGBATI NG SALAAM
Ipinag-uutos ng Islam sa lahat ng kasapi ng lipunan na magbatian ng Salaam (as-Salaamu A'laykum) sapagkat ito ay nagbubunga ng pagmamahalan at pagkakaibigan sa bawat isa. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;
"Kayo ay hindi maaaring makapasok sa Paraiso hanggang kayo ay hindi sumasampalataya, at kayo ay hindi magiging tunay na Mananampalataya hanggang hindi kayo nagmamahalan sa isa't isa. Aking sasabihin sa inyo ang isang bagay na kung ito ay inyong gawin, kayo ay magmamahalan sa isa't isa? Magbatian kayo ng 'Salaam' sa bawa't isa." (Muslim)
Isang tungkulin na kung kayo ay binati ng Salaam, nararapat na ito ay suklian nang gayon ding pagbati o mas higit na mainam pa roon65. Ang Allah (U) ay nagsabi,;
"At kung kayo ay batiin ng pagbati, sila ay inyong suklian ng pagbati nang higit na mainam (kaysa) rito, o di kaya'y suklian ito nang katumbas na pagbati…" (Qur'an, Kabanata An-Nisaa, 4:86)
Ipinaliwanag din ng Islam kung sino ang dapat maunang magbigay ng pagbati. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Ang isang nakasakay ay nararapat na maunang bumati sa isang naglalakad, ang isang naglalakad ay nararapat na maunang bumati sa isang nakaupo, at ang maliit na pangkat ay nararapat na maunang bumati sa isang higit na malaking bilang na pangkat." (Bukhari)
ANG KAUGALIAN KAUGNAY NG PAG-UPO
Nararapat na magbigay ng pagbati sa mga naroroon sa pagtitipon, sa sandaling pumasok at maging sa paglisan sa pagtitipon. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Sinuman sa inyo ang dumating sa isang pagtitipon, hayaang bumati siya sa kanila ng Salaam. Kung nakikita niya na siya ay nararapat na umupo, hayaan siyang maupo. Kapag siya ay tumayo (upang lumisan) magkagayon, nararapat siyang bumati sa kanila (ng As-salamu alaykum) muli, sapagkat ang isang nauna ay hindi nakahihigit sa kahalagahan kaysa sa iba." (Abu Dawud)
Ang mga tao ay nararapat magbigay ng kaluwagan para sa iba. Ang Dakilang Allah ay nagsabi;
"O kayong mga mananampalataya (Muslim)! Kung kayo ay pag-utusan na magbigay ng sapat na kaluwagan sa mga (pook ng) pagtitipon (magsikalat kayo) at magbigay ng puwang. Ang Allah ay magkakaloob sa inyo ng (sapat na) kaluwagan (mula sa Kanyang Awa). At kung kayo ay pag-utusang tumalima, magsitalima kayo (sa pagdarasal, o sa Jihad sa Landas ng Allah. Itataas ng Allah sa antas ng karangalan yaong sa inyo ay (tunay na) mananampalataya at yaong pinagkalooban ng kaalaman. At ang Allah ay Ganap na Nakababatid ng lahat ninyong ginagawa." (Qur'an 58:11)
Hindi nararapat na pakiusapan ang iba na tumayo sa kanilang pagkakaupo upang sila ang maupo sa kanilang kinauupuan. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Hindi dapat patayuin ang isang tao sa kinauupuan nito upang ito ay kanya namang upan, bagkus nararapat na kayo ay magbigay kaluwagan at magkaroon ng puwang." (Muslim)
Kapag ang isang tao ay tumayo at umalis mula sa kanyang kinauupuan, siya ay may higit na karapatan dito kung siya ay muling magbalik dito. Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
"Kung ang isang tao ay tumayo mula sa kanyang kinauupuan at muling nagbalik dito, siya ay may higit na karapatan dito (sa upuan)." (Muslim)
Hindi dapat paghiwalayin ang dalawang magkasamang nakaupon malibang pagkaraang humingi ng pahintulot sa kanilang dalawa. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Hindi pinahihintulutan sa isang tao na paghiwalayin ang dalawang tao (sa pamamagitan ng pag-upo sa pagitan ng mga ito) maliban sila ay nagbigay ng pahintulot." (Abu Dawud)
Hindi nararapat na mag-usap ng sarilinan sa sinuman sa harap ng isa pang tao. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Kung kayo ay tatlo, ang dalawa sa inyo ay hindi nararapat na mag-usap nang sarilinan na hindi kasama ang ikatlo hanggang kayo ay makihalo sa ibang tao, sapagkat ito ay ikalulungkot niya." (Bukhari)
Hindi nararapat na maupo sa gitna ng pangkat ng tao. Si Hudhaifah ay nag-ulat na sinabi ng Sugo ng Allah ():
"Sinuman ang maupo sa gitna ng pagtitipon (umpukan) ay isinumpa." (An-Nawawi)
Ang mga tao sa isang pagtitipon ay hindi nararapat na maging abala sa usapang walang kabuluhan o pag-uusap na hindi nagbibigay ala-ala sa Dakilang Allah o anumang walang kapaki-pakinabang na bagay tungkol sa buhay o relihiyon. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

"Walang tao ang tumayo mula sa pagtitipon (umpukan) na ang Ngalan ng Allah ay hindi nabanggit maliban na sila ay katulad ng mga taong nagsitayo mula sa paligid ng bangkay ng asno, at ang pagtitipon ay magiging sanhi ng kalungkutan para sa kanila." (Abu Dawud)
Ang isang tao ay hindi dapat gumawa ng anumang bagay na hindi kinalulugdan ng kanyang mga kasamahan sa pagtitipon.
ANG MGA KAUGALIAN SA PAGTITIPON
Isinasaalang-alang ng Islam ang damdamin ng mga tao na nagsisipagtipon sa alin mang pook; upang ang mga tao ay magkaroon ng sigasig na magtipon. Samakatuwid, itinatagubilin ng Islam sa mga tagasunod nito na maging malinis, na sila ay hindi nararapat na dumalo sa pagtitipon na may taglay na masamang amoy na nagiging sanhi na pagkayamot ng iba, at sila ay nararapat na dumalo na maayos ang pananamit upang sa gayon siya ay hindi nakaaabala sa mga tao. Itinatagubilin din ng Islam sa mga tao na makinig sa nagsasalita na hindi nakakaabala sa kanya at maupo sa lugar na makatatagpo ng puwang na hindi nakaaabala sa iba o maging sanhi ng pang-aabala o pananakit sa iba. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi tungkol sa pagtitipon sa Araw ng Biyernes (Salatul Juma'ah):
"Sinuman ang naligo sa araw ng Biyernes, naglagay ng pabango (kung mayroon), isinuot ang kanyang pinakamagandang damit at pagkaraan ay dumalo sa Salatul Juma'ah na hindi nakaabala sa ibang tao at nagsagawa ng rakah na kanyang makakayang gawin, at pagkatapos ay nanatiling tahimik nang ang Imam ay pumanhik sa Mimbar hanggang matapos ang pagdarasal, ang kanyang Salaah (pagdarasal) na yaon ay magiging kabayaran ng mga kasalanan na nagawa niya sa buong linggong iyon na sinundan ng pagdarasal na iyon." (Ibn Khuzaimah)
Sinumang ang nagbahing, siya ay nararapat na magsabi ng "Al hamdulillah." At yaong nakarinig sa kanya ay nararapat magsabi ng "Yarhakumullahu (Kaawaan ka ng Allah (U). Ang nagbahing ay nararapat na muling suklian ng sagot sa kanila sa pamamagitan ng pagsabi ng :"Yahdeekumullaah wa yuslihu baalakum (nawa' patnubayan ka ng Allah (U) at gawing mabuti ang iyong puso, ang iyong pamumuhay at ang iyong mga gawain." Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Kapag ang isa sa inyo ay nagbahing, hayaan siyang magsabi ng "al Hamdulillah, at ang kanyang mga kapatid ay nararapat na magsabi ng "Yarhamuk-Allahu, at pagkatapos siya ay nararapat na magsabi ng "Yahdeekumullaah wa yuslihu baalakum." (Bukhari)
Mula sa ganitong kaugalian na siyang isinalaysay ni Abu Hurairah (), na ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Kapag kayo ay nagbahing, ilagay ang inyong kamay sa inyong mukha at gawing mahina ang inyong tinig." (Haakim)
Kapag nakararamdam ng paghikab, nararapat nilang pigilin ito hanggang maaari nilang pigilin. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Katotohanan, kinalulugdan ng Allah ang pagbahing nguni't kinasusuklaman ang paghikab. Kapag ang isa sa inyo ay nagbahing at nagpsalamat at nagbigay papuri sa Allah, karapatan ng bawat Muslim na nakaririnig sa kanya na magsabi ng Yarhamukallah. At hinggil sa paghihikab ito ay mula sa Satanas, ito ay nararapat na pigilin ng isang tao hanggang makakaya niya. At kung siya ay nakapaghikab nang may ingay tulad ng 'Aahh', ang Shaytaan ay hahalakhak." (Bukhari)
Huwag dumighay sa publiko. Sinabi ni Ibn Umar ();
"Nang ang isang tao na kasama ng Propeta ng Allah ay dumighay, sinabihan niya na ito nang ganito, 'Pangalagaan mo kami sa iyong pagdighay, sapagka't ang karamihan sa mga nagpapakabusog sa buhay dito ay makalalasap ng pagkagutom nang mahabang panahon sa Araw ng Pagkabuhay-Muli'." (Iniulat ni Tirmidhi)

ANG KAUGALIAN SA PAKIKIPAG-USAP
Ang isang tao ay nararapat na makinig nang tahimik sa nagsasalita, na hindi ito inaabala hanggang matapos. Ang Sugo ng Allah () ay nagsimulang magsalita sa kanyang Huling Hajj (Pilgrimahe) sa pamamagitan ng pagsasabi sa isa sa kanyang kasamahan.
"Sabihin sa mga tao na tumahimik." (Bukhari)
Ang isang tao ay nararapat na magsalita nang malinaw at magpaliwanag sa kanyang layon upang ang mga nakikinig ay makaunawa. Si A'shah na asawa ng Propeta () ay nagsabi: "Ang mga salita ng Propeta ay malilinaw kaya sinumang makarinig sa kanya ay nakauunawa sa kanya." (Abu Dawud)
Ang tagapagsalita at ang mga tagapakinig ay nararapat na maging masayahin at kaaya-aya sa kanilang mukha at pananalita. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Huwag ninyong maliitin ang anumang mabuting gawa, kahit na ito ay pakikipagharap sa inyong kapatid nang may kaaya-ayang mukha."
Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"May (takdang) kawanggawa na dapat ipagkaloob para sa bawat hugpong ng bahaging katawan ng tao (bilang tanda ng pasasalamat sa Allah) sa bawat pagsikat ng araw. Ang humatol ng makatarungan sa pagitan ng dalawang tao ay isinasaalang-alang bilang kawanggawa, at ang magbigay ng tulong sa isang tao hinggil sa kanyang sasakyang hayop sa pamamagitan ng pagbuhat ng kanyang mga dalahin sa ibabaw nito ay isang kawanggawa at ang mabuting salita ay isa ring kawanggawa, at ang bawat hakbang patungong Masjid upang magsagawa ng pagdarasal ay isang kawanggawa at ang alisin ang nakapipinsalang bagay mula sa daan ay isa ring kawanggawa." (Bukhari)
ANG KAUGALIAN SA PAGBIBIRO

Ang buhay sa Islam ay hindi tulad ng ilang maling paniniwala ng di Muslim na ito ay walang anumang kasayahan o pagbibiro.

Isang kasamahan ng Propeta () na ang pangalan ay Handalah al Usaidi ay nagsabi:

"Nakasalubong ko si Abu Bakr at nagtanong: "Kumusta ka o Handalah? Siya ay sumagot, " Si Handalah ay naging mapagkunwari! Siya ay sumagot "Subhanallaah! Ano ba ang iyong sinasabi? Si Handalah ay nagsabi: "Kapag tayo ay kasama ng Sugo ng Allah, ipinaaalala sa atin ang tungkol sa Impiyerno at Paraiso, nguni't kapag tayo ay lumisan sa piling ng Sugo ng Allah, tayo ay nagiging abala sa ating mga asawa, mga anak at ari-arian at nakalimot tayo nang labis." Si Abu Bakr ay nagsabi" Sumpa man sa Allah, tunay na ang gayong damdamin ay nangyari sa akin. Kaya, ako at si Abu Bakr ay umalis hanggang makatagpo namin ang Sugo ng Allah. Ako ay nagsabi: 'si Handalah ay naging mapagkunwari O Sugo ng Allah. Sumagot ang Sugo ng Allah, "Paanong nangyari iyon? Ako ay nagsabi, O Sugo ng Allah kapag kami ay kasama mo, ipinaaalala mo sa amin ang tungkol sa Impiyerno at Paraiso na tila ba ito ay nasa aming paningin, nguni't kapag kami ay lumisan sa iyo, kami ay nagiging abala sa aming mga asawa, mga anak at mga ari-arian at nakalimot nang labis. Sa gayon, ang Sugo ay nagbigay puna: "Sumpa man sa Allah na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, kung kayo ay mananatili sa gayong kalagayan kapag kayo ay kasama ko, ang mga anghel ay magsisipagbaba at babatiin ang inyong mga kamay sa inyong mga higaan at kapag kayo ay maglalakad, nguni't, O Handalah, may panahon para rito at may oras para roon (at sinabi niya ito nang tatlong ulit)." (Bukhari)

Ipinaliwanag ng Sugo ng Allah () na pinahihintulutan ang mabuting pagpapaligaya at pang-aaliw upang ang tao ay maging masigla ang pangangatawan at kaisipan. Tinuruan ng Sugo ng Allah () ang kanyang mga kasamahan ng pagbibiro nang sila ay nagtanong:



"O Sugo ng Allah, ikaw ay nakikipagbiruan sa amin?" Siya ay sumagaot: "Oo, nguni't ako ay hindi nagsasalita maliban kung ano ang tama at totoo." (Tirmidhi)

Ang Propeta () ay hindi lamang umaaliw at nakikipagbiruan sa kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng bibig; manapa'y, siya ay nakikipaglaro sa kanila. Si Anas b. Malik () ay nagsabi: 'Isang Bedouin na nangangalang Zahir b. Haram () ay nagbigay ng regalo sa Propeta () at siya naman ay naghanda ng anumang bagay para sa kanya. Ang Propeta () ay nagsabi: 'Si Zahir ay ating disyerto, at tayo naman ay kanyang lungsod.' Ang Propeta () ay lumapit sa kanya habang siya ay nagtitinda ng kanyang mga paninda, at ang Propeta () ay yumakap sa kanyang likuran at siya ay hindi niya makita. Kaya, sinabi niya: 'Bitiwan mo ako!' Nang malaman niya na ito ay ang Propeta () na nakayakap sa kanya, idiniin niya ang kanyang likod sa dibdib ng Propeta! Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:



'Sino ang bibili sa aliping ito mula sa akin?' Si Zahir () ay nagsabi: 'O Sugo ng Allah, ako ay walang halaga!' Ang Sugo ng Allah () ay sumagot: 'Ikaw ay hindi itinuturing na walang halaga ng Allah!' o kanyang sinabi: 'Ikaw ay mahalaga at mahal sa Allah.' (Ibn Hibban)

Hindi nararapat na ang pagbibiro ay nakapipinsala o nakasasakit sa kapwa. Ang Propeta () ay nagsabi:



"Hindi pinahihintulot para sa isang Muslim na takutin ang kapwa Muslim." (Abu Dawud)

Sinabi rin niya:



"Hindi dapat kuhanin ng sinuman ang gamit ng kanyang kapatid (upang galitin siya) maging ito man ay sa pagbibiro o totoo." (Abu Dawud)

Ang isang tao ay hindi nararapat magsinungaling kahit sa pagbibiro. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:



"Kasawian sa isang sinungaling sa kanyang pananalita upang magpatawa sa tao. Kasawian sa kanya!" (Abu Dawud)
ANG KAUGALIAN SA PAKIKIRAMAY

Ang pakikiramay ay ipinag-utos upang damayan ang pamilya ng namatayan at upang maging magaan ang kanilang kalungkutan at siphayo. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:



"Walang isang mananampalataya na dumamay sa kanyang kapatid sa sandali ng kanyang kalungkutan maliban na siya ay bibihisan ng Allah ng palamuti ng karangalan sa Araw ng Paghuhukom." (Ibn Majah)

Nararapat na ipagdasal ang pamilya ng namatay at patatagin sila na maging matiisin at ipaalala sa kanila ang gantimpala na kanilang matatanggap mula sa Allah (U) sa pagiging matiisin sa oras ng kanilang siphayo o kalungkutan. Si Osama bin Zaid () ay nagsabi:



Kami ay nakaupong kasama ng Sugo ng Allah. Ang isa sa kanyang anak na babae ay nagpadala ng isang tao na nagsasabing dalawin siya sapagka't ang kanyang anak na lalaki na nakaratay. Sinabihan ng Sugo ng Allah ang taong ito na sabihin sa kanya (sa anak na babae): 'Katotohanan, nasa Allah ang pagmamay-ari ng anumang Kanyang kinuha, at ipinagkaloob Niya ang lahat ng bagay na may takdang panahon. Sabihin mo sa kanya na maging matiisin at hanapin ang gantimpala ng Dakilang Allah. Ang kanyang anak na babae ay nagpadalang muli ng tao na nagsabing: 'O Propeta ng Allah! Ang iyong anak na babae ay nangako na ikaw ay nararapat pumunta.’ Ang Sugo ng Allah ay tumayo, at siya ay sinamahan nina Sa'd bin Ubaadah at Mu’adth bin Jabal. Ang Sugo ng Allah ay umupo sa tabi ng bata habang siya ay naghihingalo. Ang mata ng bata ay nanlamig sa kanilang kinalalagyan tulad ng mga bato. Nang makita niya ito, ang Sugo ng Allah ay nanangis. Si Sa'd ay nagsabi sa kanya, ‘Ano ba ito 'O Propeta ng Allah?’ Siya ay nagsabi: ‘Ito ay isang awa na inilalagay sa puso ng Kanyang mga alipin. Katotohanan, ang Allah ay Mahabagin sa mga mahabagin sa iba pa.’ (Bukhari)
Nararapat na ipanalangin sa Allah (U) na kahabagan ang namatay. Si Imam Ash Saafi'I ay nalulugod sa isang nagsabi sa pamilya ng namatayan ng ganito:
"Naway ipagkaloob sa iyo ng Allah ang malaking gantimpala, igawad sa iyo ang pagtitiis, at kapatawaran ng iyong namatay (na kamag-anak)."
Nakabubuti na sila ay ipaghanda ng pagkain. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Ipaghanda ng pagkain ang pamilya ni Ja'far, sapagkat isang pangyayari ang dumating sa kanila na naging sanhi ng kanilang pagiging abala." (Abu Dawud)
ANG KAUGALIAN SA PAKIKIPAGTALIK SA ASAWA
At sinabi ng Propeta Muhammad ();
"Sinuman ang may hangaring sumiping sa asawa at nagsabi (bago makipagtalik) ng; 'Sa Ngalan Mo, O Allah! pangalagaan Mo kami laban sa Satanas, at pangalagaan Mo ang (supling na) ipagkakaloob Mo sa amin'; at kung ang Allah ay magkakaloob ng anak, ang supling ay di-mapipinsala ng Satanas." (Iniulat ni Imam Bukhari).
ANG KAUGALIAN SA PAGLALAKBAY
Sinumang ang maglayong maglakbay, nararapat niyang tiyakin na ang lahat ng bagay na ipinagkatiwala sa kanya ay maibalik niya sa mga kinauukulan, bayaran ang mga pagkakautang, at iwanan ang pamilya nang sapat na kabuhayan. Nararapat din niyang ibalik ang mga bagay na kanyang kinuha sa pamamagitan ng di-makatuwirang paraan. Ang Propeta ng Allah () ay angsabi:
"Sinuman ang mayroong bagay na kinuha nang di-makatarungan mula sa kanyang kapatid, hayaang maging malaya siya mula rito sapagkat, katotohanan walang Dinar o Dirham (salapi) (na kinuha nang di-makatuwiran) maliban na ito ay magiging kapalit ng kanyang mabuting gawa at ito ay ipagkakaloob sa kanyang kapatid, at kung siya ay walang mabuting gawa, ang masamang gawa kukunin mula sa kanyang kapatid at ibibigay sa kanya." (Bukhari)
ANG KAUGALIAN SA PAGGAMIT NG MGA ARI-ARIAN PAMPUBLIKO
May mga kaugalian na dapat panatilihin kaugnay ng pangangalaga sa mga pampublikong ari-arian. Ang Propeta () ay nagsabi kung paano ang maglakad sa mga daan. Sinabi niya:
"Mag-ingat at lumayo mula sa pag-upo sa mga daan. Sila ay nagsabi: "O Sugo ng Allah, wala kaming ibang pook na maaaring pagtipunan at mag-usap. Siya ay sumagot, "Kung ito ay inyong gawin, ipagkaloob ang karapatan ng daan. Sila ay nagtanong "At ano ang karapatan ng daan? Siya ay sumagaot, "Ibaba ang inyong paningin (sa mga pangkat ng mga kababaihan), huwag magbigay ng pasakit sa mga (nagdaraang) iba, magbigay ng pagbati, at mag-anyaya ng kabutihan at magbawal ng kasamaan. " (Bukhari)
Nararapat ding pangalagaaan ang mga daan at huwag sirain ang mga ari-ariang pampubliko. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Dalawang bagay na kung saan ang tao ay isinumpa ng kapwa tao. Ang kanyang kasamahan ay nagtanong, "Ano ang dalawang bagay na kung saan isinusumpa ng tao ang kapwa tao, O Sugo ng Allah? Siya ay sumagot, "Siya na dumudumi sa mga pook na dinaraanan o (lilim na) pahingahan ng mga tao." (Muslim)


ANG KAUGALIAN SA PANGANGALAKAL
Sa pangkalahatan, ang kalakalan ay marapat at pinahihintulutan sa Islam sapagkat ito ay pagpapalitan ng mga bunga o ani sa pagitan ng namimili at nagtitinda. Nguni't kapag ang kapinsalaan ay nangyari sa isa o sa magkabilang panig, ang kalakalan ay isinasaalang-alang bilang di-marapat samakatauwid, ipinagbabawal.
Ang Dakilang Allah ay nagsabi:
"O kayong Mananampalataya! Huwag lustayin (o sirain) ang inyong mga ari-arian nang di-makatarungan." (Qur'an 4:29)
Itinuturing ng Islam ang kinita mula sa kalakalan bilang pinakadalisay at pinakamabuting paraan ng paghahanap buhay. Ang Propeta ng Allah () ay tinanong kung ano ang pinakadalisay at pinakamabuting pinagkakitaan, at siya ay sumagot.
"Ang gawain ng isang tao mula sa paggamit ng kanyang sariling kamay at bawat makatotohanan at tapat na kalakal." (Haakim).
Ito ay nangangahulugan din ng anumang gawain sa pamamagitan ng pagpapatulo ng sariling pawis at pinahihintulutang hanap-buhay ay tunay na kalugod-lugod sa paningin ng Allah (U) at ito ay sadyang pinagpala.
Ipinag-uutos din ng Islam na maging makatotohanan at tapat sa pakikipagkalakalan.
"Ang isang Muslim na makatotohanan at mapagkakatiwalaan ay kasama ng mga Shaheed (martir) sa Araw ng Paghuhukom." (Haakim)
Hindi nararapat magbigay ng panunumpa kapag nakikipagkalakalan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Maging maingat at iwasan ang labis na pagsumpa sa pakikipagkalakalan sapagkat kung ito ay kasinungalingan (o may bahid ng pandaraya), ang mga namimili ay bibili, nguni't gayon paman, ang pagpapala nito ay mawawala."
Ipinag-uutos din na maaaring ibalik ang binili kung hindi nasisiyahan sa biniling bagay. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
"Sinuman ang tinanggap (o kinuhang muli) ang ibinalik (na binili) ng kanyang kapatid, kukuning muli (ang parusa) ng pagkakamali niya sa Araw ng Pagkabuhay Muli." (Silsilah-AsSaheeh)
Maraming pang ibang kaugalian at asal na ipinag-uutos ng Islam. Subali't sanhi ng kakapusan, hindi namin maaaring banggiting lahat ito. Sapat na malaman na walang bagay sa buhay maliban na may mga talata ng Qur'an o Sunnah ng Propeta ang maaaring matunghayan ukol sa isang partikular na paksa. Ang dahilan dito ay sapagkat ang kabuuang buhay ng isang Muslim ay isinasaalang-alang bilang isang gawang pagsamba, at isang paraan ng pagpapaunlad ng kabutihan.


HULING PANANALITA
Ating bibigyang wakas ang aklat na ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga pahayag ng dalawang tao na yumakap sa Islam. Si Ginoong Filweas ay nagsabi:
"Ang kanluran ay nagdurusa mula sa malaking ispirituwal na kahungkagan (o kakulangan) na walang prinsipiyo o pananampalataya ang maaaring magpuno nito at maghatid ng kaligayahan. Sa kabila ng kaunlaran, ang tinatawag na kaunlaran sa kabuhayan at ang kasiyahan sa pisikal na pangangailangan ng mga tao, silang mga tagakanluran ay patuloy na nagkakaroon ng kawalan ng pagpapahalaga sa buhay nito. Siya ay nagtataka: Bakit ako nabubuhay? Saan ako patutungo? Bakit? Wala pang nakapagbigay sa kanya ng kaukulang kasagutan. Hindi niya nababatid na ang lunas nito ay matatagpuan sa tamang relihiyon subali't wala siyang nalalaman tungkol dito maliban sa alinlangan at maling konsepto. Gayon paman, ang sinag ng liwanag ay nagsisimulang sumikat at ang bukang liwayway ay nagsimulang lumitaw pagkaraan na ang ilang pangkat ng tagakanluran ay nagsimulang yumakap sa Islam at ang mga tagakanluran ay nagsimulang makita ito sa kanilang sariling paningin. Lalaki at babae ay isinasabuhay ang batas ng Islam at sumusunod sa aral nito. Bawat araw, maraming tao ang yumayakap sa tunay na Relihiyon, at ito ay simula pa lamang…"
Si Deborah Potter ay nagsabi: "Ang Islam, na Batas ng Diyos, ay isang saksi sa kalikasang nakapaligid sa atin. Ang mga kabundukan, karagatan, planeta at mga bituin ay gumagalaw sa pag-inog sa pamamagitan ng Kautusan ng Allah. Ang mga ito ay nasa kalagayan ng pagsunod (pagtalima) sa kautusan ng Allah, ang kanilang Tagapaglikha. Sila ay hindi nagsasalita o kumikilos maliban kung ano kapasiyahan ng Tagapaglikha para sa kanila. Tulad nito, ang mga nagliliitang bagay sa sanlibutan, maging ang walang buhay na bagay ay nasa kalagayan pa rin ng pagsuko (o pagtalima). Magkagayunman, ang tao ay ginawaran ng Allah ng kalayaan sa pagpili. Siya ay may kalayaang sumunod o tumalima sa kautusan ng Allah o may kalayaang talikdan ito at pumili ng sariling relihiyon. Nakalulungkot man, higit na pinili ng iba ang ikalawang pagpipilian. Kahit na yaong mga Kristiyano Orientalist at 'preachers' na nagtangkang sirain ang Islam sa simula ng kanilang gawain ay yumakap na rin sa Islam pagkaraang pag-aralan at maunawaan ang mga aral nito. Ito ay saksi sa katotohanan, na hindi kailanman mapag-aalinlanganan. "

TALASALITAAN
1. Aqeedah: Prinsipyo o Batayan ng Islam.

2. Bid'aah: mga pagbabagong gawain na salungat sa aral ng Islam.

3. Dinar & Dirham: uri ng salapi.

4. Fareedhah: isang uri ng pagsamba na dapat gampanan bilang pananagutan o tungkulin.

5. Fitnah: Mga pagsubok, kahirapan.

6. Hadeeth: Salaysay na pinagkukuhanan ng mga salita at gawain ng Propeta ().

7. Hawdh: Ang lawa na iginawad sa Propeta () sa Araw ng Pagkabuhay Muli. Sinuman ang uminom mula rito nang minsan ay hindi na muling mauuhaw kailanman.

8. Hudood: Karampatang Parusa sa Islam.

9. Hukum: Hatol.

10. Ijtihaad: Sa pangkalahatang kahulugan, ito ay pagsusumikap o pagtatangka. Sa aklat na ito tinutukoy ang pagsusumikap na maabaot ang kapasiyahan tungkol sa isang kaso o pangyayari.

11. I'tikaaf: ito ay tumutukoy sa paglisan mula sa mga gawain upang mapag-isa. I'tikaaf ay isang uri ng pagsamba na ang isang tao ay nananatiling mag-isa sa loob ng Masjid at gumagawa ng iba't ibang uri ng pagsamba tulad ng Salaah, pagbasa ng Qur'an, pagbibigay papuri sa Allah (U).

12. Iman: Pananampalataya.

13. Jannah: Ang Pinagpalang Hardin sa Kabilang Buhay na ipinagkakaloob sa mga mabubuting alipin ng Allah (U). Kung minsan ay pahapyaw na isinasalin sa tawag ng 'Paraiso'.

14. Jawami al-Kalim: Maikli nguni't makahulugang salita. Ang Propeta () ay nagsasalita lamang ng maikli nguni't malinaw at may mahalagang aral at kahulugan.

15. Kufr: Kawalan ng pananampalataya.

16. Nafl: Mga Kusang-loob na gawain sa pagsamba.

17. Shaitan: Satanas.

18. Shari'ah: Ang Batas ng Islam.

19. Shirk: Ang Pagbibigay katambal sa Allah (U) sa pagsamba sa Kanya.

20. Sunnah: May higit sa isang kahulugan. Tinutukoy nito ay:

a. Mga kaugalian ng Propeta Muhammad ().

b. Mga Pinagtibay na Pasiya; i.e. mga gawaing sinang-ayunan ng Sunnah.

21. Taqwa: Mapitagang Takot sa Alah.

22. Taraweeh. Mga pagdarasal sa gabi sa buwan ng Ramadhan

23. Ummah: Pamayanan.

Paunawa mula sa mga Tagasalin ng Tagalog:
"Ang mga isinaling talata mula sa Banal na Qur'an at sa mga Hadith at Sunnah ng Sugo ng Allah () ay mga pawang paliwanag ng mga tagasalin na inaakalang pinakamalapit sa pagpapakahulugan. Ang mga orihinal na Salita ng Allah (U) (ang Qur'an) at ang mga Hadith at Sunnah ng Propeta () ay makikita lamang sa mga orihinal na Arabik na pagkasulat."
Nawa'y tanggapin ng Dakilang Allah ang aming hamak na pagsisikap at patawarin kami sa aming mga pagkakamali." Amee


والحمد لله رب العالمين

وصلى الله وسلم على نبينا محمد وآله وسلم

Lahat ng Papuri at pagsamba ay nauukol lamang sa Allah, ang Rabb (Panginoon) ng mga Daigdig at nawa’y purihin at itampok ng Allah ang pagbanggit sa Kanyang Propeta () at ang kanyang pamilya at iligtas siya mula sa anumang kasamaan.



Kung nais ninyong tumanggap ng anumang kaalaman tungkol sa Islam huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin:

  • Email: info@islamland.com




 (U) swt =Subhanahu Wa Ta’ala), ang ibig sabihin ay Luwalhati sa Kanya (Allah) ang Kataas-taasang Makapangyarihan.

1 Mina’: isang kapatagan sa paligid ng Makkah.

2 Hadeeth: ang mga isinalaysay na gawain, pananalita at mga sinang-ayunan ni Propeta Muhammad.

3 Ang katuwiran dito ay hindi namatay si Hesus, tulad ng paniniwala ng mga Kristiyano at mga Hudyo, datapwat siya ay itinaas sa langit at hindi siya napatay ng mga Hudyo na kanilang inakala. Tinggnan ang Qur'an (4:157).

4 Ang Jizya ay isang buwis na ibinabayad ng mayamang di Muslim sa pamahalaang Muslim.

5 Ito ay isang babala sa mga mga Hudyo at Kristiyano, na tinaguriang “Angkan ng Kasulatan” sa Banal na Qur’an. Sila’y naniniwala sa ilang Propeta at tinatanggihan ang iba. Ang mga Hudyo ay naniniwala sa mga Propeta maliban lamang kay Hesus at Muhammad (). Ang mga Kristiyano naman ay naniniwala sa mga Propeta subali’t kanilang itinatakwil ang panghuli sa mga Sugo at Propeta na si Muhammad (). Sinumang magtakwil kahit sa isa lamang sa mga Propeta ng Allah ay katunayang hindi naniniwala sa kanilang lahat, sapagka’t isang kinakailangan sa sangkatauhan ang maniwala sa lahat ng Propeta at Sugong ipinadala ng Dakilang Lumikha – Allah. Sinumang magtakwil sa isa man sa mga Propeta dahil sa inggit, pagkiling at personal na kapritso, ipinakikita lamang niya na ang kanyang paniniwala sa ibang Propeta ay hindi totoo bagkus isang gawaing sumusunod lamang sa pagnanais at kapritso. Ang susunod na talata’y matutunghayan na sila’y hindi tunay na mananampalataya at dahil dito’y ang kanilang kahihitnatnan ay Impiyerno.

6 Kafirun- Sa pananaw ng Islam, ang “Kafir” (isahan) ay may isang kahulugan, yaong taong tumatanggi at nagtatakwil sa katotohanan. Kaya, ang Kafirun o Kuffar (maramihan) ay mga taong walang paniniwala, pananampalataya, at pananalig sa Allah at sa mga Batas na ipinahayag Niya. Sila ay mga taong nagtakwil sa Kaisahan ng Allah (hindi kumikilala sa Allah bilang Tanging Isang Diyos na karapat dapat pag-ukulan ang Pagsamba, at hindi tinanggap ang Kapahayagan ng Qur’an at pinabulaanan ang pagiging tunay na Propeta ni Propeta Muhammad.

7 Isinalaysay ni Ibn Abbas: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi, “Ang kinamumuhiang tao ng Allah (U) ay tatlo: 1. Ang isang taong lumihis mula sa kagandahang asal, 2 Ang isang taong nagnanais na ang mga kaugalian sa panahon ng Jahiliyah (kamangmangan) ay manatili sa Islam ; 3. isang tao na naglalayong padanakin ang dugo ng sinuman kahit siya ay walang karapatan (na gawin ito).”

8 Ayaat-ito ay isang salita sa wikang arabik na kadalasan ay tumutukoy sa mga tanda, kapahayagan, aral batas, at babala na ipinahihiwatig na Allah sa tao upang magkaroong ng pagkakataon na mag-isip, unawain at magnilay-nilay sa lahat ng oras. Maraming mga palatandaan o tanda na maaaring makita sa ating mga sarili at maging sa kapaligiran na nagbibigay pahiwatig na mayroong isang Makapangyarihang Diyos na dapat nating pag-ukulan ng pagsamba. Bukod sa mga tanda, mayroon ding mga aral na isinasalaysay sa atin upang maging pamantayan natin sa pagtahak sa landas ng buhay. Ang mga kapahayagan at batas naman ay nauukol sa mga banal na kasulatan na ipinagkatiwala sa mga Propeta at Sugo upang magbigay patunay tungkol sa katotohanan ng pagkakaroon ng Isang Diyos na Siyang nagbigay buhay sa atin kalakip ng tamang pamamaraan ng buhay upang sa gayon makamtan ng bawa’t tao ang magandang buhay pagkaraan ng kamatayan at ang mga babala upang maiwasan ang anumang kapahamakan hindi lamang sa makamundong buhay kundi higit sa lahat ang walang hanggang hantungan ng Impiyerno.

9 Ang itinalagang kaparusahan ng Islam sa mga nagnakaw ay ang pagputol ng kamay.

10 Ang pagbibigay ng pitagan, paggalang at pagpapanatili ng pagkakamag-anak ay labis na ipinag-uutos ng Islam. Si Propeta Muhammad () ay nagsabi: “Sinumang sumira (pumutol) sa pakikitungo sa kamag-anakan ay hindi makapapasok sa Paraiso”. (Bukhari at Muslim)


11 Jihad: ang pagsisikhay para sa kapakanan ng Allah upang ang Kanyang Salita at Deen (Relihiyon) ay maging Dakila.

12 Khaleefah: ang kahalili ng Propeta () sa pamumuno sa mga Muslim.

13 Ansaar: ang literal na kahulugan ay, ang Katulong. Ang mga Muslim ng Madinah na malugod na tumanggap sa Propeta () at sa kanyang mga kasamahan.

14 Ang mga Arabo ay umaasa o nagdedepende sa datiles kung wala ng ibang makain.

15 Abu Dawood

16 Ihsaan: ang taas ng (paniniwala ng) isang tao kung ang kanyang mga gawain ay ganap at para sa Allah (U) lamang, sa dahilang alam niya na nakikita siya (ng Allah, (U).

17 Ang uri ng salaysay na ito ay tinatawag na Hadeeth Qudsi: na ito ay isinalaysay ng tuwiran kay Propeta Muhammad () mula sa Allah (U).

18 Ang uri ng pananampalataya ng isang tao na mas mataas kaysa sa isang Muslim.

19 i.e. Mga Hudyo at Kristiyano

20 Sa panahon ng kamangmangan bago pagsapit ng Islam, ang mga di-mananampalataya ay mayroong tradisyon na ipinagbabawal ang kanilang sarili mula sa kanilang mga asawa dahil sa kanilang pag-aaway atbp. At sinasabi na; ‘Ikaw ay parang likod ng aking ina’, at sila ay tuluyang nang magdiborsiyo.

21 Zihar-ito ay isang pananalita ng isang lalaki sa kanyang asawa ng ganito: “Para sa akin, ikaw ay katulad ng likuran ng aking ina (ipinagbabawal ang pagsiping sa iyo).” Ito ay karaniwang sinasambit ng mga kalalakihang arabo sa kanilang mga asawa sa panahon ng Jahiliyah (bago dumating ang Islam).

22 Ang pagbibigay ng pitagan, paggalang at pagpapanatili ng pagkakamag-anak ay labis na ipinag-uutos ng Islam. Si Propeta Muhammad () ay nagsabi: “Sinumang sumira (pumutol) sa pakikitungo sa kamag-anakan ay hindi makapapasok sa Paraiso”. (Bukhari at Muslim)

23 Ang mga babae ay magkatulad sa mga lalaki batay sa karapatan pang-relihiyon… at simula pa noong nilikha si Eba mula kay Adan.

24 Wudhu Isinalaysay ni Nu’aim Al Muhmir: Minsan, ako ay umakyat sa bubungan ng Masjid kasama ko si Abu Hurayrah (). Siya ay nagsagawa ng Wudhu (paghuhugas) at nagsabi, “Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi, ‘Sa Araw ng Pagkabuhay Muli, ang aking mga tagasunod ay tatawaging Al Ghurr-ul-Muhajjalun mula sa bakas ng Wudhu (paghuhugas) at sinuman ang may kakayahang dagdagan ang sakop ng liwanag ay isagawa ito (sa pamamagitan ng paghuhugas sa tama at ganap na pamamaraan.” Sahih Bukhari vol 1 Hadith Bilang 138.

25 Tayammum. Marahang idampi ang dalawang kamay (palad) sa malinis na lupa at pagkaraan ay hipan ang alikabok mula sa dalawang palad, at ihaplos ang dalawang palad ng kamay sa mukha at braso: ito ang tinatawag na Tayammum (Pamalit sa Kawalan ng Tubig).

26 Muhsan: ay isang taong nagpakasal sa isang babae sa legal na kontrata ng kasalan, at kanyang tinapos ang pagpapakasal.

27 Ang mga taong hindi marunong makipagkalakalan na maaari itong lamangan at pagsamantalahin (sa kanyang kamangmangan).

28 Ang pinakamaiksi na kabanata ng Qur’an ay mayroong lamang tatlong talata, subali’t sa kasaysayan ng tao, walang naglakas loob na gumawa at nagbigay ng kagaya nito (Qur’an).

29


 Ang Dakilang Allah ay may 99 na pangalan. Isinalaysay ni Abu Hurayrah () : "Ang Allah ay may 99 na pangalan; at sinuman ang naniwala sa kahulugan ng mga nito at umasa nang ayon sa mga ito, siya ay makapapasok sa Paraiso; at ang Allah ay Isa (Witr) at Kanyang minamahal ang Witr." Sahih Bukhari, vol 8, Hadith Bilang 419.

30 Ighaathat-ul-Lahfaan, v.2, p.120

31 Shaytaan; Satanas: Siya ay isang Jinn na tinawag na Iblees. Siya ay sumuway sa kagustuhan ng Allah (U) para magpatirapa sa harap ni Adan (), na dahil sa kanyang di-pagtalima siya ay isinumpa magpakailanman. Sa pagkakataong yaon, siya ay humingi ng palugit sa Allah (U) at nabigyan siya ng pagkakataon para gawin ang lahat ng makakayang hikayatin ang mga tao at maisama niya sila sa Impiyerno.

32 Hindi nila maikatuwiran at sabihin na:

"…O aming Rubb (Panginoon)! Bakit hindi Kayo nagsugo sa amin ng isang Sugo? Disin sana'y susundin naming ang Inyong Ayat (mga Talata ng Qur'an) at mapapabilang kami sa mga sumasampalataya!" (Qur'an, Kabanata Al-Qasas, 28:47)

33 Ito ay isang babala sa mga mga Hudyo at Kristiyano, na tinaguriang “Angkan (na pinagkalooban) ng Kasulatan” sa Banal na Qur’an. Sila’y naniniwala sa ilang Propeta at tinatanggihan ang iba. Ang mga Hudyo ay naniniwala sa mga Propeta maliban lamang kay Hesus () at Muhammad () Ang mga Kristiyano naman ay naniniwala sa mga Propeta subali’t kanilang itinatakwil ang panghuli sa mga Sugo at Propeta na si Muhammad (). Sinumang magtakwil kahit sa isa lamang sa mga Propeta ng Allah () ay katunayang hindi naniniwala sa kanilang lahat, sapagka’t isang kinakailangan sa sangkatauhan ang maniwala sa lahat ng Propeta at Sugong ipinadala ng Dakilang Lumikha – Allah, U. Sinumang magtakwil sa isa man sa mga Propeta dahil sa inggit, pagkiling at personal na kapritso, ipinakikita lamang niya na ang kanyang paniniwala sa ibang Propeta ay hindi totoo bagkus isang gawaing sumusunod lamang sa pagnanais at kapritso. Ang susunod na talata’y matutunghayan na sila’y hindi tunay na Mananampalataya at dahil dito’y ang kanilang kahihitnatnan ay Impiyerno.


34  Bin (pl.) Banu: 'ang anak ni...' o (pl.) 'ang mga anak ni…'

35 Kunyah: (palayaw)

36 Khaleel: ang hinirang na mahal ng Allah (U).

37 Itinala ni Imam Ahmad () na isinalaysay ni Ibn ‘Umar () na sinabi ng Sugo ng Allah, () na: “Kapag ang isang tao ay namatay, ipakikita sa kanya ang kanyang kalagayan (sa Paraiso o sa Impiyerno) umaga at gabi; kung siya ay kabilang sa mga tao ng Paraiso, samakatuwid, siya ay isa sa kabilang sa Paraiso, at kung siya ay kabilang sa Impiyerno, samakatuwid, siya ay isa sa kabilang sa Impiyerno. Ito ang sasabihin sa kanila, “ito ang inyong magiging kalalagyan hanggang kayo ay ibabangong sa Araw ng Pagkabuhay Muli.” Ahmad 2:114, Muslim 4:2199, Tafsir Ibn Kathir vol 8 pahina bilang 485.

38 Mushrikun. Sila ay kinabibilangan ng mga pagano, mga taong nang-iidolo, mga taong sumasamba sa mga diyos-diyusan tulad halimbawa ng pagsamba nila sa mga Propeta, anghel, rebulto, santo at santa, estatuwa, o maging ang satanas at tinatawag ding Mushrikun ang mga taong walang paniniwala sa Kaisahan ng Allah.

39 Hawd: Ito ay isang Bukal o Lawa na ipinagkaloob ng Allah (U) kay Propeta Muhammad () na sinuman ang uminom dito nang minsanan, ay hindi na mauuhaw pa magpakailanman.

40 Qadaa at Qadar: Ang Kahihinatnan o Kapalaran. (Ginamit ang orihinal na salitang Arabic upang mapanatili ang tunay na kahulugan sapagka't ang pagsalin nito sa ibang wika ay nagkakaroon ng ibang pakahulugan mula sa nagsalin nito). Ang Qadar (kahihinatnan sa pangkalahatang pananaw o kahulugan) samantalang ang Qadaa (kahihinatnan sa

Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə