Ang mensahe ng islam


partikular na kahulugan o pananaw



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə14/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14
partikular na kahulugan o pananaw). Halimbawa ng Qadar: ang lahat ay mamamatay. Ang halimbawa naman ng Qadaa: bagamat sa pangkalahatang kahulugan na ang lahat ay mamamatay, mayroong namang partikular o kanya-kanyang paraan ng kamatayan ang bawa't isa. Ang Qadaa ng isang tao ay maaari siyang mamatay sa pamamagitan ng aksidente, o ng sakit o ng pagkahulog.


41 'Rawdat-un-Nadiyyah' Sharh 'Aqeedat-il-Waasitiyyah' p. 352-353


42 Isinalaysay ni Ibn Abbas (): Minsan ako ay nasa likuran ng Sugo ng Allah () at sinabi niya: “O, batang lalaki, ikaw ay aking tuturuan ng ilang salita:

(a). Maging matapat at masunurin ka sa Allah U (tanging Siya lamang ang dapat sambahin), alalahanin ang Allah U tuwina, sundin ang Kanyang mga ipinag-uutos. Ikaw ay Kanyang ililigtas sa anumang uri ng kasamaan at ikaw ay Kanyang pangangalagaan sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

(b). Maging matapat at masunurin sa Allah U, iyong matatagpuan ang Allah (U) na malapit sa iyo. (Kanyang diringgin ang iyong mga panalangin.)

(k) Kung ikaw ay magsumamo, magsumamo sa Allah U.

(d) Kung ikaw ay humanap ng tulong, hanapin ang tulong mula sa Allah U.

(e) Dapat mong malaman na kung ang lahat ng tao ay magsama-sama upang ikaw ay magkaroon ng kapakinabangan sa isang bagay, hindi nila magagawang bigyan ka ng kapakinabangan maliban kung ano ang itinakda sa iyo. At kung sila ay magsama-sama upang ikaw ay bigyan ng pinsala, hindi nila magagawang ikaw ay pinsalain maliban kung ano ang itinakda ng Allah U sa iyo. Ang mga panulat ay tumigil sa pagsulat (mga Banal na Tadhana) At ang tinta sa papel (Aklat ng Tadhana) ay natuyo na.” Ang Hadith na ito ay naitala ni At Tirmidhi.




43 Sawm. Ang Sawm ay pag-aayuno (pag-iwas sa pagkain, pag-inom at pagkikipagtalik mula sa Adhan ng Fajr hanggang sa pagsapit ng takip-silim.

44 Al Muttaqun (maramihan) o Muttaqi (isahan)- sila ang mga banal na tao na umiiwas sa kasalanang Shirk (pagsamba sa mga nilikhang bagay maging ito man ay anghel, propeta, rebulto, imahen, bituin, at iba pang ginagawang diyos). Ang Muttaqun ay larawan ng tunay na nananampalataya sa Nag-iisang Diyos. Sila ay larawan ng kabutihan sa lahat ng aspeto ng kanilang pamumuhay. Ang kanilang pag-uugali, kilos, pananalita, kalooban at kaisipan ay malilinis. Sila ay mga tapat na nananampalataya sa Allah na handang ipagkaloob ang kanilang buhay, yaman at panahon upang ipagtanggol ang kanilang pinagpalang relihiyon. Sila ang mga taong walang kinatatakutan maliban ang Diyos na Lumikha sa lahat-ang AllahU.

45 Ang mga yaon ay buwan ng Shawwal, Zul-Qa’dah at unang ika sampo ng Zul-Hijjah

46  Tawheed: Ito ang konsepto ng Kaisahan ng Allah (U).

47 Ang konseptong ito ay tinatawag na 'Tawheed ar-Ruboobiyyah' o ang Kaisahan ng Allah (U). Ito ang mga paniniwalang walang ibang Tagapaglikha, Tagapagkaloob, Tagapanustos at ang Nagmamay-ari ng lahat kundi ang Allah (U).

48 Ang konseptong ito ay tinatawag na 'Tawheed al-Uloohiyyah' o ang Kaisahan sa pagsamba sa Allah (U). Ang paniniwalang ito ay ang pagtuon ng pagsamba lamang sa Allah (U) at wala ng iba.

49 Ang konseptong ito ay ang "Tawheed al-Asmaa' wa Sifaat" na ang kahulugan ay ang Allah (U) lamang ang nagtataglay ng magagandang Pangalan at Katangian, na walang katulad o di-maaring ihambing at walang kagaya sa mga ito.

50 Ang Allah (U) ay mayroong 99 na pangalan. Isinalaysay ni Abu Hurayrah (): "Ang Allah (U) ay mayroong 99 na pangalan; at sinuman ang naniwala sa kahulugan ng mga nito at umasal nang ayon sa mga ito, siya ay makapapasok sa Paraiso; at ang Allah (U) ay Isa (Witr) at Kanyang minamahal ang Witr." Sahih Bukhari, vol 8, Hadith Bilang 419.

51 Kufr. Ito ay pagtakwil sa katotohanan at kawalan ng pananampalataya o paniniwala sa mga haligi ng Islamikong Pananampalataya: ang paniniwala sa Allah(U) bilang Nag-iisang Diyos na dapat sambahin, ang paniniwala sa Kanyang mga Anghel, ang paniniwala sa Kanyang mga Sugo at Propeta, ang paniniwala sa mga Kasulatan o Kapahayagan, ang paniniwala sa Araw ng Pagkabuhay Muli o Paghuhukom, at ang paniniwala sa Qadar (Tadhana). Ang isang tao na nagkasala ng Kufr ay tinatawag na Kafir (o sa pangmaramihang bilang: Kafirun o Kuffar)

52 Hindi sapat na malaman at paniwalaan ng isang tao nang may Katiyakan ang Shahaadah. Bagkus, ito ay nararapat niyang tanggapin sa pamamagitan ng pagbigkas nito, at tanggapin niya na siya ay nagnanais na maging isang tunay na Muslim.

53 Hindi sapat na malaman ng isang tao kung ano ang ibig sabihin ng Shahaadah na may katiyakan at ito ay tinanggap at nanumpa ng hayagan. Higit pa dito kinakailangan ang kanyang mga gawa at asal ay alinsunod sa mga patakaran ng Shahadaah.

54 Muhsin: taong gumagawa ng kabutihan. Ibig sabihin, siya ay makatuwiran sa lahat ng bagay at ginagawa niya lamang ito para sa Allah (U) at alinsunod sa itinuro at pamamaraan ng Propeta (). Sa iniulat na ito ng Allah (U), kaalinsabay ang paggawa ng kabutihan ng pagtalima o pagsuko. At sa pagkakataon ito lamang naintindihan o nakaunawa ng pinagkakatiwalaang pahayag… ang Shahaadah.

55 Kahit na ang isang tao ay nagpapakita bilang isang matapat (sa panglabas na anyo) ay maaaring ang kanyang puso ay taliwas sa kanyang mga ginagawa (bilang kawalan ng paniniwala), tulad ng isang mapagkunwari.

56  Maaaring ang isang tao ay ginagawa ang lahat ng mga alituntunin ng mga naunang kondisyon ng Shahadaah, nguni't maaari din siyang sumamba pa sa iba maliban sa Allah (U), tulad ng pag-hingi ng tulong sa mga patay at iba pa. Magkagayon, hindi pa dalisay ang kanyang pananampalataya sa Allah (U).

57 Ijtihad: Sa kaugnayan pang-Relihiyon, ito ang pagsusumikap na umunawa sa paggawa ng pansariling pagpapasiya (batas) at paghahanap ng mga patotoo.

58 Jihad: ang pakikipaglaban sa mga di-Mananampalataya upang ibantayog ang salita ng Allah (U) at pagtatatag o pagpapanatili ng batas ng Islam.

59 Sawm. Ang Sawm ay pag-aayuno (pag-iwas sa pagkain, pag-inom at pagkikipagtalik mula sa Adhan ng Fajr hanggang sa pagsapit ng takip-silim.

60 Al Muttaqun (maramihan) o Muttaqi (isahan)- sila ang mga banal na tao na umiiwas sa kasalanang Shirk (pagsamba sa mga nilikhang bagay maging ito man ay anghel, propeta, rebulto, imahen, bituin, at iba pang ginagawang diyos). Ang Muttaqun ay larawan ng tunay na nananampalataya sa Nag-iisang Diyos. Sila ay larawan ng kabutihan sa lahat ng aspeto ng kanilang pamumuhay. Ang kanilang pag-uugali, kilos, pananalita, kalooban at kaisipan ay malilinis. Sila ay mga tapat na nananampalataya sa Allah na handang ipagkaloob ang kanilang buhay, yaman at panahon upang ipagtanggol ang kanilang pinagpalang relihiyon. Sila ang mga taong walang kinatatakutan maliban ang Diyos na Lumikha sa lahat-ang AllahU.

61 Ang Sanggunihan ay kaugnay lamang sa pang-kapakanan na hindi nakatala sa Qur’an at Sunnah.

62 Ang taong nagpalubog sa isang nanunumpa sa pagkakasala at (papuntang) Impiyerno.

63 Mga hayop na kinakatay bilang pag-aalay sa mga An Nusub (mga altar na yari sa bato) na nakatayo sa mga pook tulad ng libingan na kung saan kinakatay ang mga hayop sa kanilang mga pagdiriwang sa ngalan ng kanilang mga sinasambang mga diyus-diyosan tulad ng santo, santa, rebulto, imahen, anghel at iba pa.

64 Sinabi ni Shiekh Albani (nawa'y kaawaan siya ng Allah); ang salaysay (Hadith) na ito ay mapananaligan.



65


 Kung may bumati ng, 'As-Salaamo alaykum', dapat siyang suklian man lang ng, 'wa 'alaykum As-Salaam'. Nguni't mas mainam na dagdagan ng, 'wa Rahmatullah' o kaya higit pa dito ng, 'wa Barakatuh'.




Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   ...   6   7   8   9   10   11   12   13   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə