Ang mensahe ng islam



Yüklə 1,03 Mb.
səhifə3/14
tarix16.11.2017
ölçüsü1,03 Mb.
#10373
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14

"O aking mamamayan, ang bagay na nakasira sa mga taong nauna sa inyo ay kung ang isang mataas o marangal na tao ay nagnakaw, hindi nila ito pinarurusahan, subali't kung ang isang dukha ay nagnakaw, minamabuti nilang ipataw ang kaparusahan na pinagtibay ng Allah (U) sa kanya. Ako ay nanunumpa sa Allah, na kung si Fatimah na anak ni Muhammad ay nagnakaw, puputulin ko ang kanyang kamay."9 (Muslim)


  1. Ang mga pinagmulang kapahayagan ng Deen (Relihiyon) ng Islam ay narito pa rin sa kasalukuyan na nasa orihinal na kaayusan, malaya sa anumang pagbabago, pagbabawas, pagdaragdag o pagpapalit. Ang pangunahing pinagkunan ng Deen ng Islam ay ang Qur'an at ang Sunnah ng Sugo ng Allah ().

Ang Qur’an sa kasalukuyan ay nasa orihinal nitong anyo, tulad nang una itong ipinahayag kay Propeta Muhammad (), na ang bilang ng mga titik, mga talata at mga kabanata ay hindi nagbago kahit munti man.


Ang Propeta () ay nagtalaga ng mga iskribo (manunulat) mula sa mga pinakamabubuti niyang kasamahan upang isulat ang mga ipinahayag sa kanya ng Allah (U), tulad nina Ali (), Mu’aawiyah (), Ubay bin Ka’b () at si Zaid bin Thaabit (). Kapag siya ay nakatatanggap ng mga kapahayagan mula sa Dakilang Allah, inuutusan niya ang kanyang mga tagasulat na isulat ang mga naipapahayag, at sinasabihan kung saang kabanata ito nararapat. Naisaulo at naisulat ang buong Qur’an at maging sa puso ng mga Muslim.
Ang mga Muslim ay nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa Aklat ng Allah (U). Sila ay nagpapaligsahan sa bawat isa na matuto at ituro ito, upang sa gayon ay makatanggap ng gantimpala tulad ng pangako ng Propeta ();

"Ang pinakamabuti sa inyo ay yaong mga nag-aaral sa Qur’an at nagtuturo nito (sa mga tao)". (Bukhari)
Sila ay gumugugol ng panahon at yaman upang makapaglingkod, ingatan at isaulo ang Qur’an. Ang mga Muslim ay naghatid sa Qur’an mula sa mga unang nakaraang henerasyon hanggang sa mga bagong henerasyon, (isinaalang-alang na ang pagmemorya at pagbasa nito ay isang gawaing pagsamba). Ang Propeta () ay nagsabi ;
"Sinuman ang bumasa (bumigkas) ng isang titik ng Qur’an, siya ay makatatanggap ng sampung gantimpala. Hindi ko ibig sabihin na ang ‘Alif Laam Meem’ ay isang titik, subali't ang ‘Alif’ ay isang titik, ang ‘Laam’ ay isang titik at ang ‘Meem’ ay isang titik". (Tirmidhi)
Ang pangalawang batayan (Batas ng Islam) ay ang Sunnah ng Sugo () na tumayo bilang pagbibigay linaw at pagpapaliwanag ng Qur’an. Pinangalagaan ito ng Allah (U) mula sa anumang pagbabago at sa lahat ng pagkasira o katiwalian sa pamamagitan ng mga mabubuti at mapagkakatiwalaang iskolar o maalam na Muslim na nagsakripisyo ng kanilang buhay upang pag-aralan ang mga tradisyon ng Sugo ng Allah (), at ang mga kawing ng mga tagapagsalaysay, sinuri at masusing siniyasat kung ang mga sinasalaysay ay tunay nga (o maisasaalang-alang) na nagmula sa Propeta (). Sinusuring mabuti ang lahat ng mga isinasalaysay kung ito ay nanggaling nga sa Propeta (), at hindi tinanggap ang mga salaysay na walang matibay na batayan at hindi napatunayan. Ang mga salaysay na ito ay dumating sa ating panahon na malaya mula sa anumang katiwalian o kasinungalingan. Sinuman ang magnais manaliksik sa pamamaraang ginawa upang pangalagaan ang Sunnah (ng Propeta ), ay maaari silang sumangguni sa mga Agham ng Hadeeth. Magiging malinaw sa mga mananaliksik sa mga Agham na ito ay walang alinlangan tungkol sa mga isinalaysay na Hadeeth na umabot sa atin, at kanila ding mapag-aalaman ang malaking hirap na ginugol ng mga iskolar ng Islam sa paglilingkod upang mapanatili ang Sunnah ng Propeta ().


  1. Itinuturing ng Deen (Relihiyon) ng Islam na pantay ang lahat ng tao sa kanilang likas, maging ito man ay ukol sa kasarian, kulay o wika. Ang unang taong nilikha ng Allah (U) ay si Adan (). Siya ang ama ng sangkatauhan. At mula kay Adan nilikha ang kanyang asawa na si Eva, ang ina ng sangkatauhan, at mula sa kanilang dalawa, pinapangyaring dumami ang tao. Sa kanilang orihinal na likas, ang lahat ng tao ay magkakatulad. Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi ;

O sangkatauhan! Matakot sa inyong Rabb (sa pamamagitan ng pagtalima sa Kanyang kautusan), na Siyang lumikha sa inyo mula sa iisang tao (Adam), at mula sa kanya ay nilikha Niya ang kanyang asawa [Hawwa (Eba)], at mula sa kanila’y nilikha Niya ang maraming kalalakihan at kababaihan. At matakot sa Allah na Siyang hinihingan ninyo (ng inyong mga karapatan) sa isa’t isa, at (huwag putulin ang ugnayan) ng mga sinapupunan10 (kamag-anakan). Katiyakan, ang Allah ay Lagi nang Nakamasid sa inyo.…” (Qur’an 4:1)


Si Propeta Muhammad (), ay nagsabi:
Katotohanan na inalis ng Allah sa inyo ang (iba't ibang uri ng) pagmamalaki (na inyong naramdaman) sa panahon ng kamangmangan bago dumating ang Islam, at ang kamangmangan sa pagkakaroon ng pagmamalaki sa inyong lahi. (Ang mga tao ay dalawang uri) ; ang sumasampalataya na may takot sa Allah at ang taong walang paniniwala na isinumpang makasalanan. Ang lahat ng tao ay anak ni Adan at si Adan ay (nilikha mula sa) alabok.” (Tirmidhi)
Ang mga tao na nabubuhay at mabubuhay pa sa mundong ito ay mula sa lahi ni Adan. Sila ay nagsimula sa iisang Deen (Relihiyon) at mayroong silang iisang wika nguni't dahil sa pagdami ng tao sila ay nangagkalat sa ibat ibang dako ng mundo at lupain. At ito rin ang dahilan kung bakit nagkaiba ang kulay at likas ng tao (bunga ng kapaligiran) at nagkaroon ng ibat-ibang wika. At ito ang pinagmulan ng iba’t ibang kaisipan, pamamaraan ng pamumuhay at paniniwala. Ang Allah (U) ay nagsabi:
Ang sangkatauhan (noon) ay nag-iisang pamayanan (isang relihiyon) lamang (nang malaunan) sila ay nagkaiba-iba; at kung hindi lamang para sa isang Salita na inilahad noon ng iyong Panginoon, marahil malaon nang nalutas sa pagitan nila ang tungkol sa anumang kanilang ipinagkaiba." (Qur'an 10:19)
Sa mga aral ng Islam ay naglalagay sa tao sa pantay na katayuan na hindi isinasaalanag-alang ang kanilang kasarian, lahi, wika o pook. Lahat ay pantay sa paningin ng Allah (U). Sila ay nagkaiba lamang sa pagsasagawa at pagsasakatuparan sa Deen ng Allah (U). Ang Dakilang Allah (U) ay nagsabi:
O sangkatauhan! Alalahanin! Nilikha namin kayo bilang lalaki at babae at ginawa Namin kayong isang pamayanan at lahi upang kayo ay mangagkakilala. Alalahanin! Ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allah ay yaong mayroong magandang asal...” (Qur’an 49: 13)
Batay sa pagkapantay-pantay na kinilala ng Islam, lahat ng tao ay pantay sa karapatan sa kalayaan na pinangangalagaan ng Islam at hindi pinahihintulot ang makahayop na kalayaan; tulad ng pagsasagawa ng kahit na anong nais gawin.
Sa Islam ang Lahat ng Tao ay may Karapatan at Kalayaan


  1. Kalayaan sa pag-iisip at pagpapahayag ang sariling opinyon. Ang Islam ay nanghihimok sa kanyang mga tagasunod na magsabi ng katotohanan at ipahayag ang kanilang kaisipan tungkol sa anumang bagay – lalu na ang mga nakabubuting paksa na dapat bigyang-pansin na walang dapat pangambahan. Ang Propeta () ay nagsabi;

Ang pinakamabuting pagsasagawa ng jihad11 ay ang pagsasabi ng katotohanan sa harapan ng isang mapaniil at mapang-aping pinuno.” (Abu Dawud)


Ang mga kasamahan ng Sugo ng Allah () ay patuloy na tinatangkilik ang prinsipiyong ito. Minsan, may isang tao ang nagsalita kay Omar bin Khattab () na nagsabing: ‘Matakot ka sa Allah, O pinuno ng mga Mananampalataya!’ Ang isang tao ay nagprotesta at nagsabing; ‘May lakas ka ng loob na magsabi sa pinuno ng mga Mananampalataya, na matakot sa Allah?’, Sa pagkakataong iyon si Omar ay nagsabi: “Hayaan mong sabihin niya, dahil wala kang halaga kung hindi mo sasabihin sa amin iyan, at kami ay wala rin halaga kung hindi namin tatanggapin ito.”
Sa isa pang pagkakataon, si Ali () ay humatol sa isang partikular na bagay na batay sa kanyang sariling opinyon. Nang si Omar,  (na siyang pangalawang Khaleefah12 nang panahong iyon) ay tinanong kung ano ang kanyang masasabi sa pasiya (ni Ali, ), at siya ay sumagot, Kung ako ang tinanong hinatulan ko sana ng (ganito at ganito…)’. At nang siya () ay tinanong bakit hindi siya nakipagtalo kay Ali () dahil siya ang pinuno ng mga Matatapat, siya ay sumagot; “Kung ang bagay na ito ay mababasa sa Qur’an at Hadeeth, akin itong tatanggihan. Nguni't ito ay isang bagay na batay lamang sa kanyang sariling opinyon at ang opinyon ay karaniwan na maaaring ito ay tama o mali, at sinuman ay hindi nakatitiyak kung aling pananaw ang higit na tama sa paningin ng Allah.”
Bawat isa ay may karapatan at malayang magkaroon ng sariling ari-arian at legal na hanap-buhay. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At huwag ninyong pag-imbutan ang mga bagay na ipinagkaloob ng Allah sa iba nang higit sa inyo. Sa mga kalalakihan ay mayroong gantimpala mula sa kanilang pinagpaguran at (gayon din) sa kababaihan ay mayroong gantimpala mula sa kanilang pinagpaguran…” (Qur’an 4: 32)


  1. Bawat isa ay may karapatan at malayang magsikhay ng karunungan o edukasyon. Ayon sa Sugo ng Allah () na nagsabi:

Ang paghahanap ng kaalaman ay isang tungkulin ng bawat Muslim.” (Ibn Maajah)




  1. Bawat isa ay may karapatang gamitin ang mga mabubuti at likas na yaman ng mundong ito na ipinagkaloob ng Allah (U) batay sa alituntunin ng Deen (Relihiyon). Ang Allah (U) ay nagsabi:

Ginawa Niya ang kalupaan upang sumailalim sa inyong kapamahalaan (makalakad, makapamuhay at makapagtanim atbp. dito), kayat humayo sa landas nito at kumain sa Kanyang biyaya. At sa Kanya ang pagkabuhay muli (ng mga patay).” (Qur’an 67: 15)




  1. Bawat isa ay may karapatang mamuno sa isang lipunan kung siya ay karapat-dapat at may kakayahang pasanin ang tungkuling nakaatang sa kanya. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

Kung ang isang tao na binigyan ng kapamahalaan para sa mga Muslim nguni't siya ay gumawa ng pandaraya o panlilinlang siya ay papasok sa Impiyerno.” (Ahmed)


Itinuturing ng Islam na isang pagtataksil ang ipinagkaloob ang Tiwala ng Allah (U) isang taong hindi nararapat (hindi marunong), at ito ay isang palatandaan na ang wakas ng mundo at ang Araw ng Pagbabayad ay nalalapit na. Ang Propeta () ay nagsabi:
Kung ang tiwala ay pinagtaksilan (itinakwil), magkagayon maghintay sa pagdating ng Oras (Huling Araw). Ang isa sa kanyang mga kasamahan ay nagtanong, ‘Papaano ito pinagtaksilan (itinakwil) O Sugo ng Allah?’ Siya ay sumagot, ‘Kung ang kapangyarihan o pamumuno ay maibigay sa hindi nararapat, magkagayon hintayin ang pagdating ng Oras”. (Bukhari)


  1. Ang Islam ay walang independiyenteng ispiritwal na namumuno na may ganap na kapangyarihan katulad ng ibang relihiyon. Sapagkat, katotohanan na inalis ng Islam ang anumang tagapamagitan sa tao at Diyos (Allah). Isinusumpa ng Allah (U) ang mga nang-iidolo sapagkat kanilang sinasamba ang mga tagapamagitan sa pag-aalay ng pagsamba. Ang Allah (U) ay nagsabi:

Katiyakan, ang Deen (Relihiyon) ay tanging para sa Allah lamang. At sila na tumatangkilik sa iba pang Auliya (mga tagapangalaga at tagapagtangkilik) bukod pa sa Kanya (ay nagsasabi): 'Sila ay aming sinamba lamang upang mapalapit kami sa Allah.” (Qur’an 39:3)


Pagkaraan, ang Allah (U) ay binigyang liwanag ang kataotohanan ng mga namamagitan na wala silang kakayahan na magbigay ng ikabubuti o ikasasama, at hindi rin mapangalagaan ang kanilang mismong sarili. Sila ay mga nilikha lamang. Ang Allah (U) ay nagsabi;
Alalahanin! Yaong inyong dinadalanginan bukod sa Allah ay aliping katulad ninyo. Kayat tawagin sila ngayon at hayaang sumagot sa inyo, kung kayo nga ay makatotohanan.” (Qur’an 7: 194)
Kaya ang Islam ay nagtatag at nagpatibay ng isang konsepto ng tuwirang ugnayan ng tao at Allah (U). Ito ay batay sa ganap na paniniwala sa Allah (U) bilang nag-iisang Diyos na dapat sambahin at humaharap lamang sa Kanya (U) nang tuwiran sa paghingi ng mga pangangailangan ng bawat isa at kapatawaran, tulong at mga panustos na walang ibang tagapamagitan. Ang sinumang nakagawa ng kasalanan ay nararapat lamang humingi ng kapatawaran, itaas ang mga kamay at buong pagpapakumbaba sa harap ng Allah (U), kahit kailan at kahit saan man siya naroon. Ang Allah (U) ay nagsabi:
Sinuman ang nakagawa ng kasamaan o kasalanan laban sa kanyang kaluluwa at pagkaraa’y humingi ng kapatawaran ng Allah, kanyang matatagpuan ang Allah na mapagpatawad at Maawain.” (Qur’an 4: 110)

Sa Islam, ay walang pari, obispo o papa na nagbibigay ng pahintulot o pagbabawal nang ayon lamang sa kanilang sariling pagpapasiya. Walang may karapatang magpatawad ng kasalanan ng iba o gumawa ng bagong alituntunin at batas sa Deen (Relihiyon), o baguhin ang kanilang paniniwala. Ang karapatan ng paggawa ng batas ay sa Allah (U) lamang. Tulad ng paliwanag ng sumusunod na kabanata :


Sila (Hudyo at Kristiyano) ay nagtuturing sa kanilang mga ‘rabbi’ (maalam na tao sa relihiyon) at ng mga monako (pari) bilang Panginoon maliban pa sa Allah.” (Qur’an 9: 31)
Si Propheta Muhammad () ay nagpaliwanag,
Sila (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi sumamba sa mga ito (tulad ng pagdalangin sa mga ito atbp.), subali't nang (ang mga pari at rabbi) ay gumawa ng mga bagay na pinahintulutan, sila ay sumunod lamang, at nang sila ay gumawa ng pagbabawal na bagay, sila ay sumunod sa ipinagbabawal sa kanila.” (Tirmidhi)


  1. Ang Islam ay nagbigay ng tiyak na karapatan sa bawat isa sa lipunan, bawat isa ay ayon sa ibat-ibang tungkulin na ginagampanan sa pamayanan. Ito ay upang maging mahusay ang pamumuhay at mapabuti ang kaugalian ng lahat, nang sa gayon ay makinabang ang lahat sa (pamamaraan) ng Deen. Ang mga magulang, mga anak, kamag-anak, mga kapit-bahay, mga kaibigan atbp, ay mayroong katiyakang karapatan na ipinapatupad ng Islam. Ang Allah (U) ay nagsabi:

Sambahin ninyo ang Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa Kanya. Maging magalang kayo sa inyong mga magulang, kamag-anak, at mga ulila, mga nangangailangan, at maging sa inyong mga kapitbahay na inyong kaanak at mga hindi kaano-ano, at ganoon din sa mga naglalakbay at napadpad sa inyong lugar, at maging sa mga alipin na inyong pinamamahalaan. Katotohanan! Hindi minamahal ng Allah ang mga mapagmataas at mayayabang.” (Qur’an 4:36)


Ang Propeta () ay nagsabi:
Huwag mainggit sa isa't isa, huwag purihin ang isang bagay na itinitinda kung hindi ito bibilhin, huwag magalit o makipag-away sa isat-isa, at huwag magtakwil sa bawat isa o putulin ang pagkamag-anakan, at huwag mag-alok ng mababang halaga ng isang bagay sa inyong kapatid na alam ninyong siya ay may kasunduan na sa iba. Datapwat maging alipin ng Allah at dapat maging tunay na kapatid sa bawat isa. Ang Muslim ay kapatid ng isang Muslim, siya ay makatarungan sa kanyang kapatid, siya ay hindi nagtataksil, hindi nagsisinungaling at hindi minamaliit ang kanyang kapatid. Ang kabanalan at ang pagka-matakutin sa Allah ay naririto (itinuro ang kanyang puso ng tatlong beses). Itinuturing ng napakasama ang hamakin ang kanyang kapatid na Muslim. At ipinagbabawal ang paglapastangan laban sa dugo ng kanyang kapatid na Muslim, laban sa kanyang kayamanan at dangal”. (Muslim)
At sinabi rin ng Propeta ():
Hindi kayo magiging tunay na mananampalataya hanggang hindi ninyo minamahal ang inyong kapatid nang tulad ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili.” (Bukhari)
Kahit na ang mga taong nagpapakita ng laban sa Islam ay may karapatan. Si Abu Azeez bin Umair (), ang kapatid ni Mus’ab bin Umair () ay nagsabi;
Ako ay nabihag sa panahon ng digmaan ng Badr, at narinig ko ang Propeta na nagsabi; ‘Pagsilbihan ang mga bilanggo nang mahinusay sa grupo ng mga ‘Ansaar13’, at nang sila ay kumain ng tanghalian at hapunan, sila ay kumain lamang ng datiles at pinakain ako ng tinapay14, dahil sa kautusan ng Propeta sa kanila.” (Tabaraani)
Ang Deen ng Islam ay nagbigay katiyakan sa karapatan ang mga hayop. Ang Propeta () ay nagsabi:
Sinuman ang pumatay ng ibon o anupamang hayop ng walang tiyak na karapatan, tatanungin siya ng Allah tungkol dito. Siya ay tinanong; ‘O Propeta ng Allah! Ano ang katiyakan niyang karapatan?’ Siya ay sumagot, ‘Siya ay patayin upang kainin… at huwag putulin ang ulo, at itapon ito!’” (Targheeb)
Nang madaanan ng Propeta () ang isang kamelyong patpatin dahil sa gutom, siya ay nagsabi;
Matakot sa Allah nang dahil sa ganitong (kalagayan ng) hayop, na hindi masabi ang kanilang karapatan. Kung sila ay inyong sasakyan, dapat pakainin nang maayos (upang maging malakas sa gawain), at kung sila ay para sa pagkain, dapat silang pangalagaan nang mabuti (upang maging mataba at malusog).” (Abu Dawud)
Ang Islam ay gumawa ng alituntunin (batas) tungkol sa tunay na karapatan upang ibigay ng isang tao sa isang samahan, at may ibang karapatan na dapat ibigay ng samahan sa bawat tao. Dapat isaisip ng isang tao ang kapakanan ng samahan at gayun din ang pangkat ay dapat isipin ang kapakanan ng bawat tao. Ang Propeta () ay nagsabi;
Ang mga mananampalataya ay katulad ng isang matatag na gusali, ang bawat isang adobe ay nagpapatatag sa bawat isa (At kanyang pinagkurus ang kanyang mga daliri upang ilarawan ang kanyang nais sabihin). (Bukhari at Muslim)
Subali't sa pagkakaroon ng di-pagkakaunawaan tungkol sa dalawa o higit pang kapakinabangan, ang kapakinabangan para sa karamihan ay higit na mangingibabaw kaysa sa kapakinabangan ng isa; katulad halimbawa ng isang bahay na luma at malapit ng gumuho ay nararapat gibahin upang hindi na makapinsala pa sa mga nagdaraan, at kailangan bayaran ang may-ari ng kaukulang kabayaran.


  1. Ang Islam ay Deen ng Awa, Habag at Pagdadamayan at ito ay nagtuturo na dapat talikdan ang kalupitan at kagaspangan. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

Ang Mahabagin (Ar-Rahmaan) ay nagpapakita ng habag sa mga mahabagin. Magpakita ka ng habag sa mga tao dito sa mundo, at ikaw ay kahahabagin ng Isang nasa itaas ng mga kalangitan. Ang nakapapaloob (Ar-Rahim) ay mula sa Aking Pangalan na Ar-Rahmaan. Sinuman ang nagpapanatili ng ugnayan (ng pagkakapatid o pagkakamag-anak), ang habag ng Allah sa kanya ay magpapatuloy, subali't sinuman ang pumutol ng ugnayan, mapuputol din ang habag ng Allah sa kanya.” (Tirmidhi)


Ang habag sa Deen ng Islam ay hindi lamang para sa mga tao, datapwa’t ang habag ay dapat ding ipakita sa mga hayop. Ang isang babae ay pumasok sa Impiyerno sa dahilang pinahirapan niya ang isang pusa. Ang Propeta () ay nagsabi:
May isang babae ang pinarusahan dahil sa isang pusa. Ikinulong niya ito hanggang mamatay, kaya siya ay napunta sa Impiyerno sanhi nito. Hindi niya ito binigyan ng pagkain o inumin, ikinulong ito at hindi pinalaya upang kumain ng anumang insekto sa lupa.” (Bukhari)
Ang pagiging maawain at mabait sa mga hayop ay isang paraan upang makapasok sa Paraiso. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
May isang taong nangangalakal at nakaramdam ng pagkauhaw. Nadaanan niya ang isang balon at bumaba dito at uminom mula rito. Sa kanyang paghahon nakita niya ang isang aso na nakalabas din ang dila na sumisipsip ng putik nang dahil sa pagkauhaw. Ang tao ay nagsabi sa kanyang sarili na ang aso ay nauuhaw ding katulad niya kaya ito ay muling bumaba sa balon at nilagyan niya ng tubig ang kanyang sapatos at ibinigay niya ito sa aso. (Dahil dito) pinatawad ng Allah ang kanyang mga kasalanan.” Ang Sugo ng Allah ay tinanong: ‘O Sugo ng Allah kami ba ay gagantimpalaan sa pagiging mabait sa mga hayop?’ Siya ay sumagot: “Tunay na mayroong kabayarang gantimpala (sa pagiging mabait) sa bawat nilikhang may buhay.” (Bukhari)
Kung ang Islam ay nagpapakita ng habag sa mga hayop, mas higit pa dito ang habag na ipakikita sa mga tao na minamabuti at binigyan ng higit na dangal ng Allah (U) kaysa sa ibang nilikha? Ang Allah (U) ay nagsabi:
Katotohanan, Aming binigyan ng karangalan ang mga anak ni Adan. Amin silang dinala sa mga lupain at (ipinalaot) sa karagatan at pinagkalooban ng magandang kabuhayan para sa kanila. At Amin silang pinili higit sa kaninomang Aming nilikha na may tanda ng kahigtan.” (Qur’an 17: 70)


  1. Ang Islam ay hindi ipinapahintulot ang Monastisismo, ang hindi pag-aasawa (celibacy), ang at pagtanggi sa mga kasayahan ng mabuting bagay dito sa mundo. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:

Huwag gawing mahirap ang mga bagay para sa inyong sarili, dahil sa katotohanan ang mga taong ginagawang mahirap ang mga bagay, gagawin ng Allah sa kanila na maging mahirap nga ang mga bagay, at ito ang mangyayari sa kanilang lugar ng pagsamba at sa kanilang tahanan15. (Pagkaraan idinalit niya ang mga sumusunod na taludtod):

“…datapwa’t ang hindi pag-aasawa na itinalaga nila sa kanilang sarili (na walang batayan); ito ay hindi Namin iginawad sa kanila, subali't (ito ay pinaghanap) upang bigyang-lugod ang Allah sa pamamagitan nito, nguni't hindi nila nagawa sa tamang pagganap…” (Qur’an 57:27)
Ang Propeta () ay nagsabi;
Kayo ay magsikain, uminom at magbigay ng kawanggawa na hindi nagmamalabis o may pagmamalaki at kapalaluan. Katunayan gusto ng Allah na makita sa Kanyang mga alipin ang pagtatamasa ng Kanyang kagandahang-loob.” (Haakim)
Sa ganitong pagkakataon, ang Islam ay hindi nagpapahintulot sa isang tao na magpapasasa sa makamundong bagay o kaya ay maging abala sa kanyang sariling pithaya at kasiyahan na walang patnubay. Subali't, ito ay Deen ng kainaman na siyang gabay at timbangan ng isang tao sa gitna nitong mundo at ng sa kabilang buhay; kaya naman ang mga ito ay komplimentaryo o ng bawat isa.
Ang Islam ay nag-aanyaya na gawin pantay ang pagtatamasa ng katamtamang para sa pangkatawan at sa kaluluwa. Halimbawa kung ang isang Muslim ay abala sa paghahanap-buhay, siya ay pinapaalalahanan na maghanap din para sa kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng pagsamba. Ang Allah (U) ay nagsabi;
O kayong mga nagsisisampalataya (mga Muslim)! Kung ang panawagan sa pagdarasal sa araw ng Biyernes (Al-Jumuah) ay ipinagbadya sa inyo, magmadali sa pag-aala-ala sa Allah at talikdan ninyo ang kalakal (at iba pang bagay), ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman.” (Qur’an 62:9)
Karagdagan dito, kung ang isang Muslim ay abala sa paghahanap-buhay, ito ay pagsa-alang-alang sa kanyang pang-materyal na pangangailangan. Ang Allah (U) ay nagsabi;
At kung ang pagdarasal (Salah na Jumu’ah) ay matapos na, magkagayon kayo ay humayo sa lupain at maghanap ng kasaganaan ng Allah.” (Qur’an 62:10)
Pinupuri ng Islam ang sinumang nagtatamasa ng mabubuti para sa parehong aspeto (pang-materyal at pang-Ispirituwal) Ang Allah (U) ay nagsabi:
Silang mga tao na hindi naaakit sa mga paninda o pinamili dahil sa pag-aala-ala sa Allah at matatag sa pagsasagawa ng Dasal at nagbabayad ng karampatan; na natatakot sa araw na ang mga puso at mata ay babaliktarin.” (Qur’an 24: 37)
Ang Islam ay nag-aanyaya ng isang pamamaraan ng buhay na nagpapanatili sa karapatan ng katawan, kaisipan at kaluluwa ayon sa banal na Kautusan (Shari’ah) na siyang naglalayo sa tao sa kalabisang bagay. Bilang isang Muslim, ipinag-uutos sa kanya na pigilin ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng pag-iwas nito sa mga gawaing masama at iniisip ang lahat ng ginagawa. Ang Allah (U) ay nagpaliwanag:
At sinumang gumawa ng maliit ng kabutihan na katumbas ng isang atomo, ito ay kanyang makikita. At sinuman ang gumawa ng maliit na kasamaan, na katumbas ng isang atomo, ito ay kanyang makikita.”

(Qur’an 99: 7-8)

Ang tao ay maaaring magtamasa ng mga mabubuting bagay na pinahihintulutan ng Allah (U) na kinabibilangan ng pagkain, inumin, pananamit, pag-aasawa at pagtatrabaho. Ang Allah (U) ay nagsabi:
Sabihin mo (O Muhammad): Sino ang nagbabawal sa pagpapaganda o palamuti na ipinagkaloob ng Allah sa Kanyang mga nilikha at ang mga mabubuting kabuhayan para sa kanyang pamumuhay?…” (Qur’an 7: 32)
Ipinagbabawal lamang ng Islam kung ano ang nakakasama sa tao, sa kanyang katawan, yaman at maging sa lipunan; dahil ang kaluluwa ng tao ay nilikha ng Allah (U) at ginawang tagapamahala sa kalupaan upang sa ganoon Siya (U) ay sambahin at isakatuparan ang kanyang ibinigay na alituntunin. Wala ni isa man na may karapatan na sirain o bigyan ng katapusan ang mga kautusan kundi ang Islam din lamang (ang may karapatan). Ang Allah (U) ay lumikha ng katawan na tumutugma at karapat-dapat para sa kaluluwa upang sa gayon ito ay makapagsagawa ng mga kautusan ng Allah (U). Ang Allah (U) ay nagsabi ;
Katiyakan, Aming nilikha ang tao sa pinakamagandang kaayusan.”

(Qur’an 95: 4)


Sa ganitong kadahilanan ipinag-uutos ng Allah (U) sa tao na pangalagaan ang kanyang pangangatawan batay sa mga alituntunin na ginawa ng Islam. Ang mga sumusunod ay ang mga itinakdang batas para sa ating pangangalaga sa ating katawan;


  1. Pangalagaan sa pamamagitan ng pagdalisay ng sarili:

“…Tunay na minamahal ng Allah yaong nagbabalik loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa kanila na nagpapadalisay ng kanilang sarili (naliligo at naghuhugas na mabuti ng kanilang katawan at maseselang bahagi bilang paghahanda sa padarasal atbp .” (Qur’an 2: 222)


Ipinag-uutos ng Allah (U) ang pagsasagawa ng ‘wudhu’ bilang pangunahing pangangailangan upang maisagawa ang pagdarasal ng limang ulit sa maghapon. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
Walang dasal (salah) ang maaaring tanggapin kung walang pagsasagawa ng wudhu at walang kawanggawa ang tinatanggap kung ito ay galing sa kasamaan.” (Muslim)
Ipinag-uutos ng Allah (U) ang pagligo pagkaraan ang pakikipag-ugnayan o ng pakikipagtalik sa asawa gaya ng nakasulat sa Qur’an;
“…At kung kayo ay nasa kalagayan ng ‘Janaba’ (pagkaraan ng pagtatalik), gawing dalisay ang sarili (i.e. maligo ng ganap)...” (Qur’an 5:6)
Hinahabilin at pinupuri ng Allah (U) ang pagsasagawa ng paliligo bago ang pagdalo sa mga pagdarasal sa kongregasyon, gaya ng pagdarasal tuwing Biyernes (Jumu ‘ah), ang pagdiriwang ng Eid, Hajj at Umrah.



  1. Pagpapanatili ng kalusugan at kalinisan gaya ng mga sumusunod:




  • Naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at naglilinis ng bibig pagkatapos kumain. Ang Propeta () ay nagsabi:

Sinuman ang may maapuhap na pagkain sa gitna ng mga ngipin (tinga) pagkatapos kumain dapat niyang alisin at idura, at kung sinuman ang may pagkain pa sa bibig, nararapat niyang lunukin ito. Kung sinuman ang nagsagawa nito, ito ay para sa kanyang kapakanan at ito ay nakakabuti, at kung sinuman ang hindi gumawa nito, walang masama dito.”(Abu Dawud)




  • Ang pagpapanatili ng kalinisan ng bibig at ang pangangalaga ng mga ngipin. Ang Propeta () ay nagsabi;

Kung hindi lamang ako nangangamba na ang aking mamamayan ay mahirapan, aking pagpapayuhan sila na gumamit ng ‘miswak’ sa paglinis ng ngipin bago sumapit ang pagdarasal.” (Bukhari at Muslim)




  • Ang paglilinis ng anumang lugar na maaaring maging sanhi ng pagdami ng dumi at mikrobiyo. Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi;

Mayroong limang likas na gawain sa paglikha ng Allah sa tao: ang pagpapatuli, ang pag-alis ng buhok sa maselang bahagi, ang pag-alis ng buhok sa kili-kili, ang paggupit ng bigote at ang pagputol ng mga kuko.” (Bukhari)





  • Ang pagkain at pag-inom lamang sa mga puro, mga legal at mga masustansiya. Ang Allah (U) ay nagsabi :


Yüklə 1,03 Mb.

Dostları ilə paylaş:
1   2   3   4   5   6   7   8   9   ...   14




Verilənlər bazası müəlliflik hüququ ilə müdafiə olunur ©genderi.org 2024
rəhbərliyinə müraciət

    Ana səhifə